Chapter 1

161 48 6
                                    

Chapter 1

Alas dose ng gabi. Sa isang madilim na iskinita. May pitong lalaking nakikipagsuntukan sa isang babae. Duwag hindi ba? Pitong lalaki laban sa isang babae? At ang babaeng 'yun ay wala ng iba kung hindi ako.

May nadama akong pwersa na papalapit saakin mula sa likod kaya naman tumungo ako at in-uppercut siya ng biglang may sumipa sa likod ng tuhod ko. Napaluhod ako. Sinapak ako ng lalaki sa kanan ko, pinalo ako ng baseball bat sa ulo ng lalaking nasa kaliwa. Fuck. Naramdaman kong nagdudugo na 'yung ulo ko. Ayoko pa namang makita ang sarili kong dugo. Nanggigigil ako. Nawawala ako sa sarili. Nagdidilim ang paningin ko.

Patay kayo sa'kin, fuckers. Bloodthirst is all over my body, I can feel it, and in just a snap, nakita ko nalang silang nakahiga habang nagdudugo ang iba't ibang parte ng kanilang mga katawan. Hawak hawak ko na ang baseball bat na kanina lang ay hawak ng isa sa kanila.

Napapikit naman ako ng biglang may likidong pumasok sa mata ko. Kinapa ko ito. Muntikan ko ng makalimutan, may sugat nga pala ako sa ulo.

Pagdating sa mansion, patay ang mga ilaw sa loob pati sa labas. Ofcourse, wala namang ibang tao dito kundi ako. Day-off ng mga maid ngayon, 'yung mga guards naman pinauwi ko na rin kahapon upang makasama nila ang kani-kanilang mga pamilya. Anyways, bukas pa ang balik nila.

Bumaba na ako sa motor ko na si Toben. Pagpasok ko sa mansion, bigla lumapit saakin ang tuta ko na si Vivi at hinila hila ang ibabang bahagi ng aking pantalon. "Namiss mo na agad si Ate, Vivi? Kakakita lang naman natin kanina." Aigoo. Napakacute.

Bubuhatin ko na sana 'ito ng may mahinang kaluskos akong naririnig mula sa kusina. Tumingin ako sa aking tuta at sa kusina. Kaya niya pala ko hinihila.

Tahimik ang aking lakad papunta sa kusina upang hindi maalerto ang taong o mga taong nasa loob nito.

Habang papalapit, palakas naman ng palakas ang kaluskos. Nang makarating, hinanda ko ang sarili sa pag-atake. Kinuha ko ang dagger na nakakabit sa aking sapatos at malakas na sinipa ang pintuan.

"Oh thit!"

"What the fuck!" Sigaw nila...

"Lei?! Lay?! What are you doing here?!" Gulat kong tanong ng makilala kung sino ang mga iyon. Kumukuha lang pala sila ng pagkain sa ref. Nakita kong may kagat kagat na apple si Lay kaya nabulol siya sa salitang 'shit' na naging 'thit' habang si Lei naman ay may hawak na orange at nang lalaki ang kanilang mga mata. Tsk. Kung kumilos naman ang may ito ay akala mo mga patay gutom.

"Yumiko what happened to you?!" Sabay nilang sigaw ng makarecover.

Nilampasan ko nalang ang mga ito at kumuha ng tubig sa ref at ng baso bago uminom. "Wala lang 'to." ani ko matapos ibalik ang pitser sa ref.

Naglakad ako papunta sa salas at naupo sa sofa upang manood ng TV. Kukunin ko na sana ang remote ng mabilis itong kinuha ni Lei bago ko po ito mahawakan.

"Nakipag-away ka nanaman 'no? Para nanaman sa kanya? Bakit hindi mo sinabi saamin para matulungan ka? Tignan mo may sugat ka pa tuloy," Medyo nakonsensiya naman ako ng bumakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Hindi ako nakasagot. "Dito ka lang. May kukuhain lang ako," Ani Lei na tinanguan ko lang.

When A Girl Gangster Falls In Love (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon