Prologue

2.9K 65 11
                                    


Totoo bang ang pag-ibig ay makapangyarihan? Kaya nga ba nitong baguhin ang isang tao?  Sa ordinaryong tao, siguro oo, siguro hindi? 




Siguro para ipakita nilang kaya nilang bumangon sa malungkot at madilim na nakaraan. Way of moving-on nila iyon, siguro doon sila sasaya sa pagbabago ng itsura, pananamit, at pag-uugali.




 Kung totoong makapangyarihan ito at kaya nga nitong baguhin ang isang tao , may posibilidad na kahit ang taong ayaw mainlove at ayaw sa love ay mainvolve sa ganitong sitwasyon? 




Akala ko noon ang salitang pag-ibig ay para lang sa magaganda, gwapo at mayaman na sa kanila pwedeng magkatotoo ang Forever at sa kanila lang may Destiny. 





True Love ang tawag nila kapag nahanap nila ang kanilang meant-to-be samantalang sa amin na ones in a lifetime lang mangyari ang mainlove sa amin ang gwapo o mas kilalang hearthrob ay ginayuma daw namin, wala ka na ngang ginagawa pero hinuhusgahan ka na nila pero hindi pa diyan magtatapos, gagawin pa nilang impyerno ang buhay mo nang maglaho sa mundo kaysa mabuhay pa. 




Kaya ako mas pinili ko na lang ang buhay na ito, NO PROBLEMS AND NO STRESS.





Sabi nga nila bitter daw ako, kasi puro aral lang ako, bakit? sa ayaw kong mainvovle ako sa mga ginagawa nila sa buhay, masaya na ako kasama ang mga itinuturing kong pamilya. Haters nga daw ako ng love, pakialam ba nilang ayoko noon, pakialam ba nilang pangit ako, manang pumorma at laging may suot ng makapal na eyeglasses na dinaig pa daw ang kapal ng mga libro. Buhay ko ito, ito ang pinili ko kaya wala silang magagawa kung NERD ako. 





Sa kabilang banda naisip ko pa din na kahit anong gawing iwas ko sa LOVE hindi ko ito maiiwasan, kahit saang lupalop man ako magtago hindi ko ito matatakasan, kasi ito ang itinadhana sa akin ni kupido ang magmahal sa taong sikat at gwapo. 




Sa laro ng pag-ibig matira ang matibay kung sususko ka lang , huwag ka nang sumubok sumali baka hindi pa nagstart ang laro game over ka na. Baka sa huli baguhin ka rin ng pag-ibig na inaasam-asam mo.



Game Of Love (ON-HOLD)Where stories live. Discover now