Aubrey P.O.V
Pumunta na ako sa cafeteria medyo kaunti na lang ang tao sa hallway. Pagdating ko sa cafeteria nag-uumpukan na naman ang mga tao, ano pa nga ba ang bago. Dumiretso na ako sa lamesa para makaupo.
"Tama na! Nasasaktan na ako" iyak ng istudyanteng inuumpukan nila
Nang marinig ko iyon nakipagsiksikan akom sa mga taong nakapaligid para makalapit sa unahan. Nakita ko si Raizza na nakaupo sa sahig basang-basa ang damit at punong-puno ng pasta ang kaniyang mukha habang ang nakapaligid sa kaniya ay sayang-saya sa nangyayari.
"Tama na Stacey!" sigaw ko sa babaeng nasa harapan ni Raizza
"Aba! Andito ang pakielamera!" maangas na tugon ni Stacey
Siya si Stacey Yoo ang Campus Princess ng Newton High. Mga mata at mga matatamis na ngiting akala mo'y inosente ay may tinatagong ugaling hindi nagustuhan nino man. Siya ang nangunguna sa pagandahan, payamanan at paartihan. Siya ang pinaka kinakatakutan ng lahat.
"Andito ka ba para makisali sa amin" pang-aasar nito
"Raizza okay ka lang ba?" nilapitan ko si Raizza, pinunasan ang kaniyang mukha at itinayo
"Oh! Nakakatouch naman, superhero ka ba niya?" nagpapacute na sabi ni Stacey
"Hahahahaha" tawanan ng mga taong nakapaligid sa amin
"Masaya bang nakakasakit kayo ng tao!!!" sigaw ko dahil sa inis
"Masaya ba kayong umiiyak kami sa harap ng maraming tao!" dagdag ko pa
"Aba, antapang mo ah!" tugon ng isang istudyante na kasama ni Stacey
"Paano kung sabihin ko saiyong , Oo masaya kami na napapahiya kayo lagi at napaglalaruan namin kayo, may magagawa ka ba?" seryosong tugon ni Stacey
Yumuko na lamang ako at nanahimik dahil wala naman kaming magagawa sila ang hari ng school kaya kailngan naming sumunod para hindi kami mapaalis dito.
"Oh! Bakit hindi ka makapagsalita, kawawa ka naman ... ang mahirap kasi sa mga katulad niyo masyadong nagtatapang-tapangan wala namang ibubuga"
"Tara na Raizza" yaya ko kay Raizza para makaalis na kami
"Teka, kinakausap pa kita tsaka hindi pa tayo tapus maglaro" hinatak ni Stacey ang buho ko\
"Aray! Nasasaktan ako!"
"Masasaktan ka talaga, masyado kang nagtatapang-tapangan ah... ito nababagay saiyo!" inginudngod ako ni Stacey sa mesa at binuhusan ako ng juice sa mukha
"Oooohhh!!! Anlakas mo talaga Stacey!" sigaw ng kaibigan niya
"Masarap ba? Namnamin mo kasi this time ka lang nakatikim niyan diba! dapat nga magthank you ka pa sa akin"
"Tama na Stacey bitiwan mo na ako"
"Madali naman akong kausap eh!"
Binitiwan na ako ni Stacey pero itinulak niya ako kaya nasubsob ako sa sahig
"Kawawa ka naman .. ang lampa-lampa mo" pang-aasar nito sa akin
"Lets go girls my date pa ko eh, nasasayang na naman ung oras ko dito .... .. hey breyayang huwag mo ulit ako subukan baka hindi lang juice at sahig ang matikman mo, watch your words ugly duckling!"
"Woaaahhhh!!" sigaw ng mga istudyante habang binabato kami ng mga terang pagkain
Stacey P.O.V
"Woaaahhhh!!" sigaw ng mga istudyante habang binabato kami ng mga terang pagkain sila Raizza at Aubrey. That stupid Nerd ang pinakamumuhian kong istudyante ng Newton High .... bakit? Simula nang pumasok sila dito hindi ko na nagagawa ang gusto kong manguna sa klase kasi nahihigitan nila ako mga sipsip sila!
Ako si Stacey Yoo mas kilala bilang Campus Princess ng Newton High. Maganda, Sexy at mayaman kaya lahat ng lalaki naghahabol sa akin. Ayoko sa mga taong sipsip, at sa bida-bida gusto ko ako lang. Ako lang ang nag-iisang bida dito sa Newton High. Pagmamay-ari namin ang paaralang ito, pero hindi ko magawang mapaalis ang mga bwiset na iyon dahil hindi pwede hindi namin sila hawakdahil may scholarship sila.
"Maghintay ka lang Breyayang, sisiguraduhin kong ikaw mismo ang aalis dito sa Newton High"
_______________________________________________________________________________
Hello,
Thanks sa pagbabasa at sa mga nagvovote kahit unti pa lang tayo , okay lang iyan dadami din tayo.. Enjoy reading everyone :)
-shaiiinaaa
YOU ARE READING
Game Of Love (ON-HOLD)
Novela Juvenil"Just the way you are" Teen Fiction Bookcover by: iamNaixus Date started: October 22, 2016