Chapter 1- Beginning

1K 10 3
                                    

Andrea's POV

"Stop pretending!!!"

Yan ang dalawang salita na sinabi ni Oliver sakin, pagkatapos ko sabihin sa kanya na siya ang ama ng dinadala kong bata. Ayaw ba niyang maniwala sa akin?

"I'm not pretending okay!" Napapataas na ang boses ko dahil kanina pa namin pinag-uusapan to.

Nandito kami ngayon sa kotse niya. Kinaladkad niya ako papasok dito nung sinabi ko na buntis ako. Pareho kaming nasa front seat.

Napahawak lamang siya sa buhok niya. Kitang-kita ang pag guhit ng ugat sa leeg niya. And by the looks of it, mukhang galit nga siya-- no, galit nga talaga siya.

"Fuck it! Hindi ako ang ama niyan" sabay turo niya sa tiyan ko. "Imposebling anak ko yan!"

Masakit. May masakit dito sa bandang dibdib ko sa sinabi niyang yun. Hindi niya tanggap ang anak namin.

"Hindi yan totoo. Anak mo toh Oliver" turo ko sa sinapupunan ko. "Hindi mo ba naaalala nung gabing iyon. May nangyari sa atin at hindi ka gumamit nang kahit anong proteksyo---

"Damn it! Nadala lang ako nun! Nilandi mo ako! Malandi ka Andrea! Your a whore! Maybe you slept with someone else kaya nabuntis ka at ngayon pinapalabas mo na ako ang ama niyan!"

Wala na talaga. Tuluyan nang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. How dare him! For his information, siya lang ang lalaking nakagamit sakin at nakuha sa pagkababae ko--- at hindi lang yun, siya lang din ang lalaking minahal sa buong buhay ko.

Tama nga sila, ang tanga ko upang mahalin siya. Hindi kasi ako naging maingat kaya tuluyan na akong nahulog sa kanya.

"How dare you! For your information, Mr. Oliver Villareal" sarcastiko kong sabi sa kanya. "Ikaw lang ang lalaki na nakagamit sa akin! Akala ko mamahalin mo ko pagkatapos kung ibigay sayo ang pagkababae ko, pero nagkamali ako. Ang tanga-tanga ko upang magustuhan ang isang Oliver Villareal. Napaka tanga ko na mahalin ka at sayangin ang mga oras na ibinigay ko sayo. Napaka tanga ko at nagpagmit ako sayo at ibinigay pa ang pagkababae ko. Kung hindi mo kayang tanggapin na ikaw ang ama ng anak ko, pwes huwag. Tutal, hindi ka naman deserving. Mark my words Oliver. Hindi ko kailangan ang tulong mo upang mapalaki ko nang maayos ang anak natin. Kayang kaya ko siyang alagaan na ako lang mag-isa. Nice talking with you" and with that bumaba na ako sa kotse niya.

Narinig ko ang pagtawag niya sakin pero hindi na ako nag-abala upang lumingon sa kanya. Lumakad lang ako nang lumakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko lang lumayo muna.

Sakto naman at umulan ng malakas upang matago ang mga luha sa mukha ko. Bakit ba kasi ang malas-malas ng buhay ko.

5 years later

"Mama! Mama!"

Nabuhayan ako nang dugo dahil sa pagtawag sakin ng anak ko. Tumingin ako sa kanya sa may paanan ko at doon ko siyang nakitang nakasimangot saakin. Pero kahit ganun, ang cute-cute parin niya.

Pinisil ko ang isa sa mga pisngi niya at tsaka nag salita.

"Oh bakit nakasimangot ang anak ko?" Malambing kong tanong sakanya.

"Eh kashi kanina pa ako nagshashalita dito pero hinshi ka nakikinig. Hmp!"

Napatawa nalang ako sa reaksyon ng anak ko. He's still 5 years old pero para na siyang matanda mag-isip. Pero nabubulol pa rin siya sa mga salita niya. Pinangalanan ko nga pala siya na Andrey John Sandroval. Galing iyon sa pangalan kong Andrea Jane Sandroval. Hindi ko pinalitan ang apelyido niya dahil hindi naman kami kasal nang tatay niya. Hay nako! Naiisip ko na naman ang mokong na yun.

"Ay sorry po~ ano ba kasi ang sinasabi nang napakacute kong anak hmm?"

"Mama eh! Huwag mo akong sabihan na cute. Bigboy na ako"

"Oo na, bigboy ka na. Talo na ako. Ano ba kasi ang sasabihin mo?" Sabi ko nalang, dahil alam ko naman mas lalo pang tatagal tong usapan namin dahil hindi yan magpapatalo ang anak ko. Ewan ko nga dyan sa kanya. Hindi ko naman siya pinalaki na ganun. Pero mabuti na din yun dahil hindi siya nagpapa-api sa kahit sino.

"Ang shinashabi ko kashi kanina pa. Na shaan na ba shi tatay ko. Kashi, mish na mish ko na sha"

Naku anak! Paano ko ba kasi toh ipapaintindi sa kanya. Ano ba ang sasabihin ko? Na iniwan siya ng ama niya dahil ayaw niyang maniwala na sa kanya galinf to si Andrey? Ganun nalang ba? Ayaw ko naman kasi masaktan si Andrey kasi hindi ko siya pinalaking may galit sa ama niya. Ang lagi ko lang idinadahilan sa kanya na busy ang tatay niya sa trabaho.

"Eh kasi anak eh. Busy lang siguro si Daddy sa trabaho niya. Naiintindihan mo naman siguro yun diba"

"Eh lagi niyo po kashing shinashabi shakin yan eh."

"Sige na Andrey. Bigboy ka naman diba? Promise, makikilala mo rin ang tatay mo" I know it's a lie pero kailangan.

"Pangako yan mommy ha. Kailangan sha birthday ko makikilala ko na shi Daddy."

"Eh kasi anak e---

" Yay! Thank you mommy. I love you!" At yun umalis na siya.

What the fuck! Alam kong masama ang magmura pero sa sitwasyon ko baka magagawa din niyo ito. Jusko! Ano ba naman ito ang anak ko. Hindi ko naman akalain na seseryosohin niya ang sasabihin ko. At parang masaya naman siya at mukhang excited pa nga eh. At ano yung sinabi niya, na kailangan sa birthday niya makikilala na niya dapat ang daddy niya. Eh next month na ang birthday niya. Napasapo ko na lamang ang noo ko at napabuntong hiniga.

"Im home~!!!!"

Napatingin ako sa babaeng pumasok sa pintuhan. Si Cheska lang pala.

Oo nga pala, hindi ko pa siya napapakilala sa inyo. Siya nga pala ang bestfriend ko. Si Cheska Rose Torres. Kasama namin siya dito sa bahay dahil hati kami sa pagbabayad nito. Simula kasi nung nabuntis ako, tinulungan na niya ako. Kaya malaki ang utang ko sa kanya. Minsan nga eh iniisip ko kung paano ko siya mababayaran

"Oh bakit ka nakasimangot dyan bruha ka?" Tanong niya sakin nung nakalapit siya dito sa inuupuan ko. Ipinatong niya muna ang mga pinamili niya sa lamesa.

"Si Andrey kasi eh, gusto daw niya makilala ang tatay niya sa birthday niya"

"Eh paano yan besh, diba iniwan kayo nang tatay niya. Bakit hindi mo sabihin sa kany----

"Huwag mong lakasan ang boses mo baka marinig ka nang anak ko" tinikom ko kasi ang bibig niya kaya napatigil siya sa pagsasalita. Ang daldal kasi eh.

"Sorry" nagpeace sign lamang siya.

Hay nako. Ang dami nang problema ko ngayong araw na ito. Tinignan ko na lamang ang anak ko.

Alam kong nagsisi ako na minahal ko ang tatay niya, pero hindi ako nagsisisi na meron akong anak ngayon.

**********

A/N: Anong tingin niyo sa first chapter? Okay lang ba. Kung may nakita kayong mga wrong typos at errors magcomment lang kayo. Thanks. Leave a vote.

Carrying The CEO's Child ( On-Going )Where stories live. Discover now