IYAK
Samantha's POV
"Hoy Sleeping Beauty! Gumising ka na diyan at nandito na ang Prince Charming mo!"
Napatayo kaagad ako sa sigaw ni Jayra, pinsan ko na may ari ng apartment na tinitirhan ko.
"Huh? Ba't ngayon mo lang ako ginising?! Kanina pa ba siya?! Tae ka naman oh! Alam mo namang ayokong pinaghihintay siya diba! Tapos nga---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi pumasok na ang prince charming ko.. este si Lhuie.
"Good Morning Sam" nakangiti niyang bati sa akin.
Oh my! Kahit lagi ko nalang tinititigan si Lhuie, hindi talaga nakakasawa. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya tititigan sa isang araw. Kainis talaga ang kagwapuhan ng isang toh! Hmmp!
"Oh Lhuie ikaw na nga magsabi sa isang yan na kakadating mo lang. Lagi na lang akong nabubungangaan kapag darating ka dito eh. Ang OA masyado" sabi ni Jayra sabay irap sa akin at umalis na.
Hindi ko na rin naiwasan ang pag-irap sa sinabi niya.
Narinig ko ang paghalakhak ni Lhuie kaya napatingin ako sakanya.
"Ang cute mo talaga Sam" hindi ko na naiwasan ang pagpula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Enebe Lhuie. Elem ke neyen metegel ne. Gusto ko sabihin 'yan sa kanya ngayon kaya lang naisip ko wag nalang. Masyadong pabebe. Eh hindi naman ako pabebe. (Weh di nga?)
"B-bakit ka ba nandito?" tanong ko sakanya.
Nagkibit-balikat siya at lumakad papunta sa akin. "Bakit? Bawal na ba bisitahin ngayon ang.." umupo siya sa tabi ko "..girlfriend ko?" Inamoy niya ang buhok ko pababa sa tainga ko.
Shet na malagkit! Kinikilabutan ako sa ginagawa niya! Nakakakiliti!
"Uh.. L-Lhuie hindi pa ako n-naliligo" napapapikit na ako dulot sa kiliting ginagawa niya.
"Edi sabay na tayong maligo" ramdam ko ang pagngisi niya sa balat ko.
Kaya ayun, nakatikim ng sapok ko.
"Lumayas-layas ka nga muna dito Lhuie kung ayaw mong makatikim ulet" tumawa siya ng malakas sa nakitang reaksyon sa akin.
"Anong tikim? Labi ba mo ba o katawan?" nakangisi siya habang nagpipigil ng tawa.
Ako naman hiyang hiya na sa mga pinagsasabi niya.
"LHUIE!!" sigaw ko ng malaman niya na naiinis na ako sa mga pinagsasabi niya.
Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Abot na ata sa kapit-bahay yung tawa niya eh. Etong lalaking toh sarap kurutin ang singit.
"Pfft! Sige na nga lalabas na ako. Pero kung gusto mo ng kasabay, just call my name and I'll be there" kasabay nun ang pagtawa niya ng malakas at pagtakbo niya ng mabilis papunta sa pintuan kaya hindi ko na nasapok.
Napailing na lang ako habang nakangiti. Ang kulet talaga ng boyfriend ko. Hindi ko talaga makakaya kung may umagaw sa kanya sa'kin. Kahit na kampante na ako na hindi niya ako iiwan, hindi ko parin maiwasan na maisip ang mga ganung bagay.
Pumunta na ako sa banyo at naligo na. Medyo natagalan pa ako kasi lutang pa ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Baka kasi kulang lang ako sa tulog dahil sa trabaho ko.
Lumabas na ako galing sa banyo at nagbihis ng simpleng jeans at puting v-neck shirt. Linugay ko nalang ang medyo curly hair ko na natural na kulay brown.
BINABASA MO ANG
Crying A Thousand Tears
RomanceIf I cry a thousand tears... maaayos pa ba ang buhay ko? MALABO If I cry a thousand tears... magiging tulad na lang ba tayo ng dati? IMPOSIBLE Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wasak na wasak na ang buhay ko. Gusto ko nalang mawala sa mundo 'to. Kahi...