[Oneshot] CHAPTER 3

924 38 0
                                    

Hunter pov

Ng makabihis na siya sinundan ko siya palabas ng bahay ko. Gusto ko siyang makausap pero agad ako nitong nilayasan. Mabuti nalang at naabutan ko siya.

"Stacey sandali nga! We need to talk!"
-inis kong sabi.agad itong humarap sakin

"For what?! Matapos mo kong saktan! No way kausapin mo yang pagmumukha mo!"

"Sandali nga bakit ba ako ang sinisisi mo ha?! Oo nasaktan kita noong tayo pa.pero ikaw rin naman ah! Wala ka ng time sakin tapos makipagkita ka sakin at sasabihing ikakasal kana sa iba..kaya nagalit ako sayo!"

"Wow talaga? Sorry hunter nagkamali ka ng inaakala mo! Hindi mo kasi ako pinakinggan kaya manigas ka jan!"

Pumara na ito ng taxi at dali-daling sumakay. Napasuntok nalang ako sa hangin.

Nakakainis na babae nayon! Humanda ka sakin dahil gagawin ko ang lahat bumalik kalang sakin.

Pumasok ako ng bahay at naligo. Napasandig nalang ako sa pader at hinayaang dumaloy ang tubig sa mukha at katawan ko.

Stacey is my first love, my great love at siya na ang gusto kong makasama habang buhay.

-Flashback-

Nasa school ako ng mga araw na iyon at hinihintay si stacey. Transferee kasi siya at unang kita ko palang sa kanya.nabihag na ang puso ko.

"H-hi..hunter right?"
-tanong niya sakin,bigla akong kinabahan dahil ang ganda niya talaga sa malapitan.

"A-ako nga stacey,u-upo ka"
-sabi ko sa kanya,ngumiti ito sakin at naupo sa tabi ko.

Galing siya ng states dahil kilalang kilala ang pamilya nila sa boung mundo. Pareho kaming mayaman. At hindi niyo maipagkaila na bagay talaga kami.

Gwapo ako maganda siya. Matangkad ako ganun din siya. Mayaman din tulad ko. Kaya wala na akong mahihiling pa.

"MVP ka diba dito at campus heartthrob?"
-tanong niya sakin

"O-oo hindi naman sa pagmamayabang e, hindi ako playboy promise!"

"Talaga?hindi halata ha!"

Simula noon lagi na kaming magkakasamang dalawa. Palagi ko siyang hinihintay pauwi at hinahatid sa bahay nila.

Pag hindi ko siya makita naiinis ako at badtrip ako palagi. Kahit ang daming girls ang nakakarandapa sa akin. Wala akong paki alam sa kanila. Si stacey ang gusto ko at wala ng iba.

Halos umabot na sa isang taon ang panliligaw ko sa kanya. At thanks God sinagot na niya ako. Dahil doon palagi akong nasa tabi niya at hindi ko alam pero parang completo na ang araw ko pagkasama ko siya palagi.

Masaya naman kami at umabot na kami ng 4 years pero akala ko kami na talaga ang para sa isat-isa.nawala si stacey ng isang buwan. Ni tawag o text man lang wala akong natatanggap sa kanya!

Halos mamatay na ako sa kakahanap sa kanya. One time nakipagkita siya sakin.

"Bakit ka nawala at wala man lang paramdam sakin ha!?"
-galit kong sabi sa kanya

Umiiyak lang ito.dahil sa inis ko sa sarili ko niyakap ko siya at pilit na pinapatahan.

"H-hunter..ipapakasal ako ng mga magulang ko sa anak ng business partner nila!"

Nagulat ako sa kanyang sinabi sakin.

"A-ano?kaya pala nawala ka at walang paramdam sakin? Bakit mahal mo ba siya ha?!"

"N-no hunter your wrong!"

"Bakit ka nga kasi nawala ng parang bula?"

"G-gusto nila mommy na bumalik na kami ng states at doon ako ikakasal."

Mr Pervert Firstlove [Oneshot] Series#2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon