Public Display of Affection

18 1 2
                                    

"Sorry talaga Frishcka ah" ani ni Trisha at umalis na at iniwan nila ako ni Ranz dito sa park na mag-isa.

"Teka-!" Sigaw dahil hindi ko naman alam ang lugar na ito,sila lang ang nagsama sa akin rito.

Iniwan niya ako dahil magd-date sila ng boyfriend niyang si Ranz at ito ako ngayon mag-isa sa lugar na hindi ko alam at ito rin yung kinaaayawan kong lugar.

Ang lugar ng mga kupal-I mean mga couples pala. Nandito ako ngayon dahil dapat tumo- third wheel na ako kay Trisha at Ranz kaso ayaw muna nila so sa kasamaang palad, mag isa ako sa lugar na ito na napapalibutan ng mga PDA couples.

Public display of affection

Isang lipon na salita na gustong gusto ng mga tao dito sa park na ito. Hindi ko alam kung PDA free dito dahil malapit naman ang istasyon ng mga pulis. Wierd talaga.

Gosh please! Paalisin niyo na ako dito!

Kinuha ko na ang phone ko at tinawagan si Trisha.

"Sorry the number you have dialed is busy at the moment."

Shit! Kainis!

Si Ranz kaya?

"Sorry the numbe-"

Taena talaga! In-end call ko na agad dahil alam ko naman ang sasabihin nun.

Kainis kayong couple kayo! Papatayin ko kayo kapag dumating kayo dito!

Tinignan ko ng masama yung picture ng dalawa sa contacts jo.

Inangat ko na ang aking ulo at bumungad agad sa akin ang dalawang magnobyo na yung isa'y naghahalikan at ang isa'y magkayakap habang naguusap.

Great. Makakagawa ako ng kasalanan nito.

Nakakita ako ng tindahan at kaagad akong pumunta rito dahil nauuyam na ako sa mga nakikita ko at baka makagawa ako ng kasalanan kaya kailangan 'kong kumain.

Grabe talaga itong park na ito! Pati ba naman sa tindahan maraming PDA!

Maraming bumibili habang sila ay nag-aakbayan at naghahawakan sa bewang.

"Kuya pabili nga po." Bumili ako ng pagkain paa naman mabaawasan 'yung medyo pagkauyam ko. Umupo na ako sa katabing bench kaso may biglang nagsalita.

"Ate may nakaupo diyan." Sabi ng isang lalaki-isang gwapong lalaki.

Nag-sorry nalang ako at tumayo kaso bigla niya akong hinawakan sa kamay para pigilan.

"Ay sige 'wag na, tabi na tayo. Hindi naman pala dumating-" hindi ko na narinig 'yung huling niyang sinabi kasi medyo may nagmoan sa 'di kalayuang bench, siguro'y nasobrahan sa kissing scene.

Narinig kong napasmirk siya at sigurado akong natawa siya dahil sa mga naririnig namin.

At sa ginawa niyang 'yon, hindi ko alam kung nababaliw ako na ewan.

Ang gwapo!

Matapos kong maubos 'yung pagkain ko, inilapag ko yung kamay ko sa upuan at sa hindi inaasahang pangyayari nagkapatong ang mga kamay namin.

Nagulat ako at tumingin sa kanya. Ang akala ko'y iaangat niya ang kaniyang kamay kaso akala ko lang pala iyon kaya ako na ang sumubok na tanggalin ang mga kamay namin kaso bigla nalang niya ako pinigilan.
Inikot niya ang mga ito at hinawakan-para bang 'holding hands' at...

Shet! Mas lalo niyang hinigpitan.

Pero sa totoo lang sobrang lambot ng kamay niya.

Pero bakit hindi ko siya pinipigilan?

Pero bakit kakaiba yung feeling?

Bakit?

Why you do this to me?

"Anong pangalan mo?" Panimula niya.

"Frishka Arevalo, ikaw?"

"Re-este Ezekiel Montejo" sabay ngiti kaya naman napatulala ako sa kanya.

Naglibot libot kami sa park kaso hindi ako masyado g lumalapit sa kaniya, medyo awkward kasi at hindi ako sanay lalo pa't masyadong PDA pag ganun.

Bumili kami ng pagkain sa isang mamahalong restaurant malapit dito kaso ang kakaiba lang ay ako ang nagbayad sa lahat ng kinain naming DALAWA. Tama ako, mabuti na lamang at marami-rami akong dala ngayon. Isama pa natin yung card, mabuti nalang talaga. Kaya ngayon nag daming dumadapong ideya sa utak ko.

Kainis, sobrang gwapo nga kaso hindi naman ako nilibre.

Naglibot libot kami at lahat ng nakikita ko ay mga couple na PDA, yung tipong sobrang sweet na nakakainis. Alam kong mali ako pero ewan sobrang nakakainis lang talaga.
Mabuti na nga lang at nandito si Ezekiel para mabawasan iyon. Kanina pa kasi kami nagkwekwentuhan kaya naman nadidistract ako sa kagwapuhan at nakakatuwa kasi siyang kausap.

Isipin mo, may kausap akong gwapong lalaki. Matangos ang ilong, hindi gaanong masculado pero sakto lang, ang ganda ng buhok kahit nakasumbrero basta ang gwapo lahat ng features niya.

Umupo na kami sa pinagupuan namin kanina at humarap kami sa isa't isa.

Sabay pa nga kaming nagthank you sa isa't isa.

Nanahimik ako at tinitignan lang ang kanyang mga mata. Nagkakatitigan lang kami at nanahimik.

"Pwede pa hug?" Tanong niya.

Kaya ako na ang naunang yumakap dahil yakap lang naman. Yumakap siya pabalik at mas humigpit ang pagyayakapan namin.

Why so bango?

May naramdaman akong may gumagalaw sa backpack ko pero hinayaan ko na iyon dahil fini-feel ko pa yung moment na ito. Matagal tagal ko rin naramdaman yung galaw pero gusto ko talaga i-feel 'yung moment. First time 'to.

"Ah-" sabay naming sabi.

"Sige una kana." Ani ko.

"Salamat kahit ganito ka ikli yung pagsasama natin. Kailangan ko na talagang unalis. Thank you. I like the way we have this kind of memory. I hipe I will see you again. I didn't know that you're too innocent-" may sinabi pa siya sa dulo kaso hindi ko na narinig dahil malayo na siya.

Hinarap ko na 'yung bag ko sa at kinuha 'yung phone ko para picturan 'yung kamay kong nakaholding hands niya kaso kanina ko pa ito hinahanap pati yung wallet ko.

Nag-aalala na ako kaya pumunta na ako sa pinakamalapit na pulis station.

"Ayun kuya ako 'yun."  Itinuro ko ang parte king saan ako nakapwesto kasama si Ezekiel sa CCTV video.

Habang nagyayakapan kami ni Ezekiel binuksan niya 'yung bag ko at kinuha yung phone at wallet ko.

Kainis!

Lagi nalang fail ang mga nangyayari sa buhay ko, lalong lalo na sa araw na ito.

Una, na stuck ako sa lugar na ito.

Pangalawa, bumabalika ng ka-tangahan ko sa pag-ibig.

At pangatlo, na fall ako sa isang lalaking ngayon ko lang nakita at isa pa lang magnanakaw.

Ayon sa mga pulis, isa yung lalaking 'yun sa mga pinaghahanap ng mga pulis at isa ako sa mga nabiktima niya sa bagong niyang modus.

Kala ko ninakaw niya puso ko, ninakaw niya pala ang phone at wallet ko.

ANG LAKAS NG AFFECTION NIYA SA BAG KO!

Lintek!

                          The End

-Unknown_Anonymously

Public Display of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon