Chapter 1 (RTMFL)

20 0 0
                                        

Tanda ko pa nung high school ako, there is this one guy na crush na crush ko... alam mo yun? since first year to fourth year. Grabe talaga tama ko sa knya. 

Iba talaga ang high school life e. Sabi nga ng iba. Dun mo daw mararanasan lahat ng first mo. At hindi nga sila nagkamali, high school ako nung una kong maranasan umibig. 

Ako nga pala si Rain, as in ulan. Sabi kasi ng nanay ko paborito nya daw kapag umuulan at sakto nung pinanganak ako, umulan daw at nagkaroon ng napakagandang rainbow pagkatapos. Kaya ayun, dun bumagsak pangalan ko.  

College na ako at malapit na rin grumaduate. Hopefully next year isa na akong ganap na engineer. Limang taon ang ginugol ko at ginapang ko para lang makarating kung nasan na ako ngaun. Malapit na ko sa goal ko and masasabi kong kuntento na ako sa buhay ko. 

"Bhez ano pwede ka ba?" 

"Ano?" 

Kasama ko nga pala bestfriend ko na si Janine muntik ko na makalimutan

"Tinatanong ko kung makakapunta ka ba sa reunion ng batch natin ikaw talaga Rain lumilipad nanaman isip mo. Umamin ka nga nagddrugs ka ba?"

"Hala! Hindi no! Medyo lang hehe" 

Reunion nga pala ng batch nmin nung High School. Ewan ko ba bakit ambilis magpatawag ng reunion e hindi pa nga ako graduate. Palibhasa sila may mga trabaho na. Pano naman yung mga taong naghihikaos pa rin para magmakapagmarcha? Etong bespren ko e matagal ng graduate kasi 3 years lang yung course nya e. Nakakainggit kasi may mga sweldo na sila. Samantalang ako asa pa rin sa bigay n baon ng mga magulang. 

"Balita ko pupunta dun yung first love mo. Yiii muling ibalik." 

"Muling ibalik? Eh wala namang ibabalik. Besides loyal ako kay Chris kahit hindi halata" 

"Sige na please punta ka na para may kasama ako. Pwede naman daw magdala ng date sabi sa invitation eh."

"OK sasamahan kita. Pero wag mong sasabihin kay Chris na pupunta ako ah. Alam mo naman yun seloso kahit ayaw nyang aminin tska baka ma-OP lang yun dun kasi hindi naman nya kilala mga nandun" 

"O sige sige. Paganda tayo at paseksi ng suot ah. Sana pumunta si Neil hanggang ngayon umaasa pa rin akong mapapasaakin ulit sya bwahaha!" 

"Ay nako bhez, wag ka na umasa. Bading na yun ngayon panigurado." 

"Oh basta ah. Pupunta ka walang bawian!" 

"Opo!" 

"Yehey! Woooo party pipol!" 

Pupunta pala si Carlo. Panigurado ampanget nya. Akala nya d ko nakikita panget nyang itsura sa fb nya? Ewan ko ba bakit ilang taon akong nabulag sa kapangitan nya. Tapos ano? Ginawa nya lang akong tanga. Katatawanan sa harap ng ibang tao. Akala nya siguro nakalimutan ko na mga ginawa nya sa akin. Nagiinit dugo ko! Humanda ka sa akin Carlo Martinez! Makikita mo na ang babaeng inayawan mo ng todo todo! Kapal ng muka mo! Feeling mo siguro gwapo ka pwes hindi ka gwapo bulag lang ako! 

Revenge to my first loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon