Chapter 2 (RTMFL)

13 0 2
                                    

Pagkagising ko naligo agad ako at nagready para magshopping ng issuot ko for our reunion. Bukas na yun and wala pa akong isusuot ni kahit ano. Meron naman underwear pero the rest waley talaga. 

Hindi ko na sinama si Chris though gusto ko talaga sya isama. Si Chris nga pala ang boyfriend ko for three years though di alam ng marami four years na talaga kami. Hindi nila alam yun kasi sikretong malupit namin yun. Sa landi ko ba namang ito eh. Mahal na mahal ko siya at alam ko mahal nya rin ako kasi napagtitiisan nya ugali ko. Moody kasi ako, may times na sobrang init ng ulo ko tapos may times na sobrang dramatic ko. Recently lang dramatic actress nanaman peg ko. Para akong namatayan kung umiyak.Bakit? Kasi hindi siya marunong kumuha ng picture ng maayos laging blurred. Ayun, muntik na kami magbreak dahil dun. Ok na sana eh. kaso iniyakan ako ni kuya e di binawi ko agad. Sorry lang tapos ok na kami ulet. Haha funny story. 

Pagdating ko sa mall punta agad ako sa tindahan ng mga dress. Gusto ko red para attractive at medyo fierce ang dating. Gusto ko sexy, above the knee at medyo kita cleavage. Ano ka ngayon Carlo! Dati flat chested ang peg ko nung HS tayo. Tinubuan naman na ako ngayon sa awa ng Diyos. Sa grabe ba namang panlalait mo sa akin! I HATE YOU! Sagad sa buto galit ko sa panget mong pagmumuka! 

After almost 4 hours na paghahanap ay may nakita naman ako. Thank You Lord! Exactly the dress that I am looking for. Nangontrata na din ako ng magaayos ng hair ko at magmamakeup sa akin. Bakit? Kasi tanga ako mgmake up hindi ako marunong at ayoko maging clown sa reunion namin. 

May masama akong balak.

Maitim na balak.

Humanda ka sa akin Carlo!!!

Sisiguraduhin ko pagsisisihan mo ginawa mo sa akin! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge to my first loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon