Jerome's POV
Kakatapos lang ng flag ceremony kaya nandito na kami sa room para hintayin yung adviser namin. Nakalimutan ko nga palang sabihing yung pangalan ng squad namin.
Kami ang PRENDS.😪
Pumayag na nga lang ako kahit labag sa kalooban ko. Si Rj at Janna kase yung nagpauso nyan eh pinagsamang "pare" at "friends" daw. Lakas talaga ng trip ng dalawang yun kaya bagay na bagay sila eh. Yieeehhh!
"Bro kamusta naman summer mo?" Tanong ni Rj. "Ok lang naman, nasa bahay lang naman ako eh." Isang buwan din palang di ko nakita lalaking to. Huling pagkikita kase namin nung nagmall kaming magkakabarkada.
"Kinakabahan ako bro sa mga darating na lesson, nabasa ko kase twitter, Gr. 9 daw pinakamahirap pag high school," haysss napaka nega naman nitong lalaking to, first day na first day. "Sus! Sisiw lang yan!" Sabat ni Janna na nasa gilid ko. Bale ganto arrangement ng upuan namin dito sa room. Nasa likod kami ng klase.
Vacant - Janna - Ako -Rj- Alliyah - Paulo - Vacant
"Ikaw ba kausap ko?" Sabi ni Rj, nakagitna ako sa kanilang dalawa. Cute nila talaga pagmasdan hahaha parang magjowang may LQ. "Bakit ikaw din ba kausap ko? Si Jerome kausap ko eh. Diba Jerome?"
-___-
Idamay ba naman ako? Loko loko tong si Janna kung lalaki to, binatukan ko na sana.
"Oo nalang.""Eh bat ka sumasabat kita mong nag-uusap kami ni bro," makaalis na mga dito naririndi na ako sa dalawang to. "Gusto ko--"
"Ang ingay nyo! Aalis na ako ah sayang sweet moment nyo." Hahaha sarap mang-asar ngayon.
"Yuck!!!"
"Aish!"Hahaha itsura ng dalawa laptrip. Tumabi nalang ako kay Paulo na kasalukuyang nakaearphone. "Hi cresh! Samahan mo naman ako mamaya sa bookstore may bibilhin kase ako eh." Napatingin ako kay Alliyah. "Ah eh may gagawin ako mamaya eh, si Paulo nalang," tumingin ako kay Paulo, alam kong narinig nya kahit nakaearphone sya. "Kahit sandali lang please," sabi ni Alliyah. "Sorry talaga, ayan naman si Paulo eh sya nalang," sabi ko. Ala ng nagawa si Alliyah kaya kinalabit nya si Paulo, "Paulo samahan mo ako mamaya ah," tumango naman si Paulo. Naku isa pa tong loveteam na to eh. Ala naman talaga ako gagawin, yan ginagawa ko pag gusto ni Alliyah magpasama, si Paulo pinapasama ko dahil nagsisilbi akong kupido sa kanila. Paano ba naman yung love story nila isang pipi at bulag. Sabihin na nating isang torpe at manhid hayssss.
"Mga bessy may chika ako!!!" Napatingin ako sa kaklase ko na kakapasok palang. Ang lakas talaga ng boses ni Tina liit na to. Asar namin yun sa kanya. Wala ng hiyaan dito saming lahat.
"Ano yun bes?"
"Chika mo na!"
"Ano yun girl?"
Nagtanungan na yung iba. Ano naman kaya yun?
"May bago tayo---"
"Good morning class!"
Daig pa namin yung kabayo sa pag-aayos ng upuan at nagtatakbo na mga kaklase ko sa kanya-kanyang upuan. Bale naging ganto na arrangement naming grupo.
YOU ARE READING
Ms. Transferee
Novela JuvenilNakakasawa talaga ang mga mukha ng kaklase mo kapag araw-araw mong nakikita pero hindi nakakasawang kasama, yan ang tunay na mga kaibigan pero mas naging makulay ang buhay ko nung dumating siya...