Bad Hair Day

9 0 0
                                    


"Ano naman ang naisipan mo at nagpagupit ka ng ganito?" bungad ng echoserang bading habang pinoporma ng boy cut ang aking buhok. "..." wala akong masabi. Ayoko talaga magsalita, hindi sa ayaw ko siya kausap kundi hindi lang talaga ako komportable sa harap ng ibang tao.

"Tag-init kasi, madami na siyang kuto," satsat ng isa pang bading sa parlor at naghagikgikan sila sa tawa. Buti na lang talaga at maganda ang reputasyon ng pamilya namin dito sa barrio kaya hindi ko sila kayang patulan, bugbugin o saktan.

"Sayang naman ang ganda ng buhok mo hija. Boom ti boom ka ba?" sunod na tanong ng parloristang kamuka ni Medusa.

Napailing na lang ako at sumabat naman ang kaibigan niyang beki "Hindi yan ti-boom! Baka broken lang kaya nagpagupit. New hair, new life! Taraaaaay!" at sabay-sabay silang nagtawanan na parang wala ng bukas. Pinalo pa ko sa balikat nung isa, akala mo naman close kami. Excuse me, wala kasi yung paborito kong barbero kaya dito ako nagpagupit. Makapalo ka diyan, DI KAYA TAYO CLOSE.

Tinawanan ko na lang ang trip nilang dalawa at agad na nagtungo sa bahay namin na ako lang ang tao para itago ang aking bagong buhok dahil mukang sobrang sumpa na ang inilagay ng dalawang baklita. Baka kasi pagnapansin pa ng mga kapitbahay ay mabati pa at hindi na ito humaba. Wag naman sana.

Tumingin ako sa salamin at winagayway ang aking buhok na para bang endorser ng shampoo sa tv. Shoot! Ang pogi ko.

... Pero ang totoo ay nakalugmok ang muka ko sa unan. Hindi ko alam kung magsisisi ako dahil baka pagkaguluhan nanaman ako ng mga lalaki o baka pagkamalan akong lalaki. Damn Danielle! Bakit ba kasi nag-out pa si Charice? At nauso ang That's my Tomboy? Masyado tuloy na-stereotype yung mga not-so-typical na babaeng katulad ko. Kasalanan ko bang lumaki kay Papa at sa dalawa kong kuya? Eh sa hindi nila ko trinato na parang babae eh! Speaking of kuya, tumatawag siya sa Skype.

"Oi Dani! Pinapapunta ka na ni Papa sa Manila!"

"Agad-agad kuya yan ang bati mo? Undecided pa nga eh!" I explained.

"Teka, anong nangyari sa buhok mo? Mas gwapo ka pa sakin ah! Enrique Gil na ah!" asar niya.

"Magtigil ka nga! Mang gagancho ka nanaman eh! Bagay ba? Parang ang pangit nga eh!" tanong ko sa kanya.

"Ang cute mo nga eh, magkamuka na tayo!"

"Yuck kadiri ka! Don't say bad words!" asar ko sa kanya.

"Kung nandyan lang ako sa Pinas re-wrestling-in kita!" Inilapit niya ang muka sa camera na kala mo 3D at makakalabas siya sa laptop ko.

"Sorry big brother nasa Dubai ka, wala sa Pinas!"

"Seryoso na kasi Danielle, ikaw na muna magbantay ng dorm sa Manila, habang magbabakasyon si Papa dito." Pagkatapos nang pahayag niyang iyon ay nangibabaw ang tunog ng kuliglig sa paligid. Pagkatapos ng sandaling katahimikan...

"Bat niyo kasi ako iiwan?" protesta ko habang nagpapaliwanag si kuya.

"Hindi ka namin iniwan no! Ikaw yung ayaw sumama eh" he clarified.

"Saka bakit gusto niyo ko dun, diba Boy's dormitory yun? Hindi ka ba natatakot para sakin?"

"Ang totoo niyan natatakot ako para sa kanila," asar pa niya.

"Nakakainis ka naman kuya eh!" nagtampo ako habang pinupukpok ang lamesa.

"Wag kang mag-alala mga harmless daw yung boys dun saka may caretaker kang makakasama."

"Ha? Sino?" tanong ko.

"Si Raymond" alkjhs!sj#f!!!! Hindi ako nakakibo sa sinabi niya.

"Biro lang. Si Manang Tessy nandun."

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon