The Official Informal Introduction

4 0 0
                                    


"Hindi ba sasabay satin kumain yung anak ni Mr. Fajardo?"

"Panong sasabay satin, eh nakita ka niyang nakatapis kanina."

"Oh, anong kaso dun? Bakla ba siya?"

"Sira! Babae ang anak ni Mr Fajardo!"

"AY #@&$-++!!! MAS POGI PA SAKIN!"

So dahil sa iskandalo kaninang umaga, nandito ako ngayon sa hagdanan para makinig sa usapan ng mga "harmless" na mga lalaking to. Mga ilang minutes na rin ako naghihintay ditto at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos kumain. Though hindi ko kilala kung sino-sino yung mga nagsasalita, I assume na yung lalaki na nagsabing bakla ako eh yung lalaking naka tapis kanina, since sinabi na nung kasama niya. Pero marinig ko pa lang yung boses nitong pidgeotto na to, kumukulo na dugo ko at di ko alam kung bakit. Parang ang sarap bangasan ng mukha niya. Joke.

Pero hindi ko kilala kung sino yung kausap niya. Base sa pakikinig, mukhang matalino yung lalaking yun. Feeling ko lang naman, kasi una, pano niya nalaman na babae ako eh hindi pa nga niya ko nakikita. Pangalawa, alam niya ang dahilan bakit ayaw ko sa kanila sumabay kumain. Wala lang sakin na nag iskandalo yung feeling rakista kaninang umaga. Ang mas nahihiya ako eh yung makitang nakatapis yung pidgeotto na yun. My virgin eyes! Wala na. Kahit sabihin mo na may mga kuya ako, may pagka inosente pa rin naman ako at yung mga ganung kaliit na bagay ay big deal sakin. Bakit ba kasi walang ethics mga boarders dito.

"Pasensya ka na ulit kanina ah" sambit ng lalaking nakasalamin na mahilig mangulat.

"Ok lang po, Mr...?"

"Leo minus the Mister," at kusa niyang inabot ang kamay ko para makipagkilala.

Pagkatapos ng first hand shake namin ay agad kong binawi ang kamay ko dahil allergic ata ako sa mga lalaking heroic. Este iba kasi ang pakiramdam ko sa mga ganitong sitwasyon. Like I told you, inosente talaga ko. Konting skinship lang –eh-ZOMG- hindi kaya ng puso ko. Hindi pa siya nakuntento at tinabihan pa ako sa hagdanan.

"Nahihiya ka ba samin?" tanong niya. Tumango lang ako at iniiwasan siyang tingnan sa mata.

Nagulat ako ng hawakan niya ang aking ulo at ginulo-gulo ang maikli kong buhok.

"Hindi ko akalain na yung batang matapang kanina ay mahiyain pala."

"Tsk!" Asar kong pinalo ang balikat niya dahil FC siya masyado. At thank you sa pagtawag niya saking bata dahil sa liit ko. Hindi ko alam kung nasa five feet na ba ko or hindi pa umabot. Actually hindi ko siya sinusukat since nangangarap ako or naghohope ako na madadagdagan ng kahit konti yung height ko. Hindi ko naman kasalanan na maliit yung mommy ko at sa kanya ko nagmana. Inaasar nga ko nila kuya na mag-asawa na lang daw ako ng matangkad. Well, kung kasing pogi ba nitong katabi ko eh bakit hindi?

Habang nag de-day dream ako, sumilip mula sa kusina ang selfie lord at niyaya kami ni Leo na kumain, "Oy, kumain na kayong dalwa. Mga galawang Leo talaga oh," asar niya habang ngumingiti at tinataas ng dalawang beses ang kanyang ahit na kilay. Tinawanan lang siya ni Leo at binatukan din ang loko-loko. So, hindi naman pala ganun ka-composed si "kuya" Leo.

Iniiayos ni Leo ang upuan at sinenyas na umupo na ako sa lamesa. Bukod sa mala-anghel na itsura ay mala-anghel din ang ugali nito. Oh thy grace, where are thou wings? Why have you descended from the Kingdom of Heaven? Perhaps you want to save me from this cruel world?

Kinuha nito ang aking pinggan at ipaghahada sana ako ng pagkain,

"Ah... ako na po!" at tinangka ko siyang pigilan. Sweet Leo how graceful you---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon