Chapter 2

23.2K 512 11
                                    

"ZOE!"
Napabalikwas si Zoe sa pagkakahiga ng may malakas na boses ang tumawag sakanya. Nakatulog ako? Tanong ko niya sa sarili dahil kakagising niya nga lang.

"kakain na daw sabi ni tanda."
Sabi ni Ella sakanya na naka-dungaw sa pinto ng kwarto niya.

"Nakatulog ako? Ibig sabihin panaginip lang yun?"
Takang tanong niya habang nakatingin ng seryoso kay Ella.

"Ano bang sinasabi mong babae ka?"
Kunwaring pagtataray ni Ella with matching taas ng kilay pa.

"yung kaninang hapon? yung may paniki?"
Biglang sumeryoso ang tingin ni Ella sakanya saka nag-iwas ng tingin.

"L-loka ka! Ano bang klaseng panaginip ang meron ka? Bakit paniki pa? Saka w-walang paniki dito ano. Bumaba kana nga at kakain na tayo."
So, panaginip nga lang yun? Pero parang totoo talaga eh. Bulong ni Zoe sa isip niya saka tinignan yung braso niya. Kumabog ng malakas yung dibdib niya ng may makitang kalmot doon pero saglit Lang siyang napakurap ng biglang maglaho yun. What the hell is happening to me? Kinikilabutan niyang tanong sa sarili saka umiling at tumayo para kumain na ng hapunan. 11:00 na pala? Anong oras ba akong natulog? Hinayaan niya na lang ang mga bagay na gumugulo sakanya saka bumaba para makisalo na sa hapag. Andoon na ang lahat at siya na lang ang kulang.

"Napasarap ata ang tulog mo Apo."
Nakangiting bungad sakanya ng kanyang lola. Siya naman ay tipid ring ngumiti. Ngayon ko lang natanong sa sarili ko Ito, bakit mukhang bata si lola? Para Lang siyang mama ko kung may makakakita man saming magkasama. Napasinghap siya Sa mga pumapasok sakanyang isip. She's Already 20, one and only daughter of hazen family pero ni minsan hindi niya nakita ang mga magulang niya. Ni Isa sa mga hazen wala pa siyang nakikilala o nakikita. Ang tanging nakasama niya lang sa buhay ay ang lola niya sakanyang Ama na si lola ten, At ang gamit niyang last name ay sa Ina niya. Ang lola ten naman niya ay laging tinatawag ng mga kaibigan niya na 'tanda' at dahil nga baliw ang tingin niya sa sariling mga kaibigan hinayaan niya na lang na ganon ang tawag ng mga Ito sa lola niya. Pero kapag nasa harap na nila ang kanyang lola. Magalang at hindi 'tanda' ang tawag ng mga Ito sa lola. Baka baby face lang si lola. Bulong nanaman niya sakanyang isip saka umupo at humarap sa hapag kainan. Dahil nag-iisang Anak lang siya. Siya na mismo ang humawak at nagpatakbo ng Hazen University na pinag-aaralan niya. Ang kanyang school. Sakanya kasi iyon pinamana ng lola niya simula ng tumuntong siya ng 18 y/old. yun daw ang ipinakausap ng kanyang ina bago maglaho ang mga Ito kasama ang kanyang ama.

"Parang malalim ang iniisip mo apo ah, may problema ba?"
Nag-aalalang tanong sakanya ng kanyang lola at tanging iling lang ang kanyang tinugon upang hindi na Ito magtanong ngunit doon siya nagkamali.

"Sigurado ka ba diyan Apo?"
Tumango siya saka sumubo ng pagkain ng bigla na lamang niyang naramdaman naparang nasusunog ang kanyang dila. Mabilis siyang tumakbo sa pinaka malapit na lababo nila saka iyon dinuwal. Nakita niyang may bawang doon na ikinakunot ng noo niya. Sa tanang buhay ko kahit kailan hindi ako nakaramdam ng kakaiba kapag kumakain ako ng bawang. Ngayon lang.

"Apo ayos ka lang?"
Nilingon niya ang kanyang lola na nakatingin ng seryoso sa bawang na niluwa niya. At sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng mga kakaiba dito sa mansion, kay lola at- sa mga kaibigan ko? Ewan lang.

"I'm ok La, kumain na ulit tayo."
Sabi ni Zoe saka dumiretso sa kanyang pwesto. At tahimik na kumakain lang ang mga kaibigan niya na tumambad sakanya. Himala. Bulong niya ulit sakanyang isip saka upo.

"Paborito mo ang bawang Apo, kaya bakit dinura mo yun?"
Nagtatakang tanong ni lola ten sakanya. Ayaw naman niyang magsinungaling kaya sinabi niya na lang sakanyang lola ang naging problema.

"Hindi ko po nakain La, pagkasubong pagkasubo ko po kasi pakiramdam ko napaso yung dila ko. Actually hindi na po masiyadong masakit pero pwede po bang half cook na beefsteak na lang sakin? Ayoko na po ng pagkain ko. Maraming bawang."
Nakangiwing sagot ni Zoe pero napatigil siya at napatitig sa mga kasama ng mabitawan nito ang baso't kutsara at tinidor na hawak ng bawat isa sa mga kasama niya saka nagtinginan.

'Nalalapit na siyang gumising!'

Nabigla siya ng isigaw yun ni Daniela ngunit hindi naman bumubuka ang bibig nito.

"Sinong nalalapit ng magising daniela? Saka paano ka nakasigaw ng hindi bumubuka ang bibig mo?"
Sobrang nagugulumihan niyang tanong. Nanlaki naman ang mata ni daniela maski ang iba niya pang mga kaibigan at si lola ten.

"May mali ba akong nasabi?"
Tanong niya sa mga Ito ng titigan siya na may halong gulat sa mga mata nila.

"K-kumain na tayo, hindi pinag-aantay ang grasiya mga hija."
Basag ng kanyang lola ng biglang tumahimik ang paligid. Itinuloy na lang nila ang pagkain ng tahimik.

NANG matapos ang lahat sapagkain nagligpit sila ng pinagkainan at may naka tokang maghugas at si Zoe yun. Saglit lang na nagpahinga ang kanyang mga kasama saka umakyat sa mga sariling ukupadong mga kwarto. Tapos na niyang maghugas at uupo sana para manood ng T.V ng may marinig siyang nagbubulungan ngunit hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Sinundan ni Zoe ang mga bulong na iyon saka niya napagtantong sa labas Ito ng mansion.

May nakita siyang dalawang anino sa bungad ng V forest pero hindi niya maaninag ang mga mukha nito ngunit nakakasiguro siyang dalawang babae yun.

Pakiramdam niya lumaki ang dalawang butas ng kanyang ilong ng maamoy ang mabango at sariwang...
































Dugo.

Marahan niyang binuksan ang pinto ng mansion at sinundan ang amoy na iyon. Hindi alam ni Zoe kung paano siya nakalabas sa gate nila ng hindi binubuksan iyon. Napansin niyang papunta siya sa dalawang naguusap kaya mas binilisan niya pa ang lakad papunta sa dalawang babae na mukhang napansin siya kaya tumakbo ang mga Ito na mabilis niyang hinabol.

"Dugo.... dugo.... dugo.... DUGO!!!!"
Wala sa sariling sigaw ni Zoe habang hinahabol ang dalawa sa madilim na gubat ngunit kitang kita niya ang mga Ito at amoy na amoy ang mga dugo nitong sobrang sariwa sakanyang Pang-amoy!

"Urghhhhh!!"
Nangingisay sa sakit ang dalagang kagat ni Zoe sa leeg habang hayok na hayok na sinisipsip niya ang dugo nito.

"B-bampira?"
Mabilis na umangat ang ulo ni Zoe saka Dinakma Ito at kinagat din sa leeg.

"AHHHHHHHH—!"
Naputol ang matinis nitong tili ng malagutan Ito ng buhay. Katulad ng kasama nito. Para na silang isang buto't balat na tao ngunit wala ng buhay.

Sa sobrang kabusugan ni Zoe nakatulog siya sa gubat malapit sa dalawang bangkay.

Vampire University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon