[Francis POV]
"Hay!Ang init naman nasisira ang
tuloy ang maganda kong face sayang ang Kojic na ginagamit ko bwisit
naman ang mahal pa naman nun."
Naglalakad ako ngayon para maghanap
ng mauupahan na bahay o kahit
anong matitirahan basta maayos
at malinis .Pinalayas kasi ako ni tatay sa bahay ng dahil sa pagsagot-sagot ko sa kaniya kanina lagi nalang kasing nawawala ang ipon ko sa bahay kaming dalawa lang naman ni tatay ang nasa bahay kaya sino pa bang kumuha ng pera ko wala naman ibang kukuha nun takot nalang ng mga yun sa tatay ko.
Ang nanay ko kasi namatay simula ng pinanganak niya ako.Simula ng namatay
si nanay wala ng ibang ginawa si tatay kundi uminom ng alakHindi ko nga alam kung bakit sa akin niya laging binubunton lahat ng galit niya.
Ako nga pala si Francis Medrano 20 years old. Isang dakilang bakla,baklita,bading,at kahit anong gusto niyong itawag sa akin wala akong pake kasi alam ko sa sarili ko na kung ano ako.
Kanina pa nga lakad ng lakad pero wala parin akong mahanap.
Lakad...*
Lakad...*
Lakad...*
Sa wakas nakakita na rin ako ng
mauupahang bahay kaso nang nagtanong ako wala na daw bakante sayang ang ganda pa naman dun.Lakad...*
Habang naglalakad ako meron akong napansin na nakapaskil sa may poste na agad ko naman tinignan.
Akala ko puro kamalasan lang ang mangyayari sa akin ngayon.Pagpakita
ko sa nakapaskil parang gusto ko nang
magtatalon at magsisigaw sa daan dahil Sa sobrang ko.Nakasaad kasi sa poster na may bakanteng
Bahay na inuupahan sa malapit lang dito tapos ang baba pa ng upa kada buwan at hindi lang 'yun nakasulat din dito na may kuryente at tubig na dito.Gusto niyong malaman kung magkano ang upa???
1,000 lang kada Buwan diba ang saya-saya sa Sunday Pinasaya,
Ganun Charot.Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay ng nakita kong poster kanina na. Masasabi kong mas higit na maganda itong paupahan
na ito kaysa sa mga una kong pinagtanungan.Mahahalata mo pa kasing bago itong paupahan dahil sa pagkakaroon nito maayos na mga kwarto.
Hindi pa man ako nakakakatok sa bahay bumungad na agad sa akin ang isang matabang matanda.
"Oh iho mang uupahan kaba ng kwarto?".Tanong ng matanda.Kung kaibigan ko lang tong tumawag sa akin ng hijo malamang bintukan ko na to .Naka head band na pink,naka pink t-shirt,naka pink shoes tapos tatawagin kang hijo.
"Opo" sagot ko.
"Ganun ba iho tara sumunod ka sa akin para maituro ko sayo ang iyong kwarto."
Lakad...*
"Iho yang kwartong yan na ang kwarto mo." Sabi ng matanda
"Salamat po sa paghatid".sabi ko
"Wala anuman iho"
"Sige po salamat po ulit."
"Iho iho iho puro nalang hijo."pabulong kong sabi
"May sinasabi ka hijo?"
"Ah Wala po sige po pasok na po ako"
Pumasok na ako sa kwarto at agad humiga sa kama.Ang lambot naman ng kama makatulong nga muna nakakapagod
din kasing maglakad .Walang pa man mga dalawang minuto ang nakakalipas at parang may narinig akong tunog sa may bandang pintuhan pagmulat ko ng aking mata...
Ahhhhhhhhhh!!!!!!-Sabay naming sigaw
Sino ka ????-nagtatakang tanong nito.
MAGNANAKAW!!!TULONG MAY MAGNANAKAW!!!-sigaw nito.
"Hoy!!! Hindi ako magnanakaw"-sabi ko
Hindi ko alam kung ano yung kinuha niya sa kaniyang bag pero mukhang baril na may pagka razor yung ginagamit ng mga barbero sa paggugupit parang ganun.
Itinutok niya ito sa bandang tagirilan ko at nakaramdam ng napaka lakas na kuryente mula dito...
ALL WENT BLACK .
_________________________________________
[Maxine POV]
Hello Ako nga pala Maxine Villaflor 19 years old isang simpleng babae pero palaban at walang inuurungan.
Papasok na ako ngayon sa aking kwarto galing ako sa isa kong trabaho.
Pagpasok napansin ko ka agad na parang may nakahiga sa kama tinignan ko ito ng malapitan para makasigurado.
Nang lapitan ko bigla itong nagmulat ng
kanyang Mata.Ahhhhhhhhhh!!!!!
Sino ka???-nagtatakang tanong ko.
MAGNANAKAW!!!TULONG MAY MAGNANAKAW!!!-sigaw ko
Hoy!!! Hindi ako magnanakaw-sabi nito
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya binuksan ko nalang ang aking bag at kinuha ang aking stun gun.Lagi ko itong dala para kung sakali may may manhold up sa akin handa ako.
Itinutok ko ito sa kantang may tagiliran at pinagana.
Nawalan na ito ng malay napalakas yata ang pagkuryente.
Nilapitan ko ito at aking pinagmasdan ,Wow ang Gwapo ang tangos ng ilong,ang kinds ng balat,at ang pula ng labi.Ang perfect naman ng lalaking ito sana maging kaibigan kita.
Oh! Iha ano yung narinig Kong ingay kanina-sabi ng matandang nagpapa upa dito.
Kilala niyo po ba ang lalaking ito-tanong ko
"Oo iha,sa katunayan siya ang makakasama mo sa dito sa kuwarto nakalimutan ko lang sabihin sayo na dalawa na kayo dito sa kwarto mag tatatlong buwan kana kasing hindi nagbabayad ng upa".Hala anong ginawa ko patay ako nito.
"Bakit hija may problema ba??Kung ayaw mo sige papalipatin ko nalang siya sa ibang kwarto"-siya
Hindi okay lang po-sabi ko
"Sige hija maiwan ka kita dyan"
Oh My Gwapo makakasama ko tong lalaking ito dito sa kwarto.
ANG SWERTE KO NAMAN.
__________________________________________
SANA SUPORTAHAN NIYO RIN ITONG BAGO KONG ISTORYA.
ENJOY READING.
YOU ARE READING
ANG LOVER KONG BAKLITA [Soon]
HumorSa lahat ng magmahal sa 'kin siya na siguro ang pinaka kakaiba hindi lang dahil medyo weird siya kung hindi mas babae pa siyang kumilos.Ang dami pang kaartehan sa katawan. Ang tanong ng iba bakit karamihan sa mga gwapo ngayon ay bakla, pero para sa...