Chapter 1: Painful return

980 14 0
                                    

8:00 pm

~All i am. All i need. Everything in this world, all that I ever need~

natawag pala ang baby kong si jake. hihi.nakabalik na pala siya.

"babe! namiss kita! nakauwi kana pala?" tuwang tuwa kong sinabi

"ah. oo babe, magkita tayo ngayon. " ihh. Excited siyang makita ako! >//<

"hihi. namiss naman ako agad ng babe ko. osige. saan? ngayon na ba?"

"ngayon na. dito sa resto na lagi nating pinupuntahan. "

"okay. bihis lang ako."

"cge. hintayin nalang kita."

"okay. bye. i lo--"

binabaan ako agad? excited? Di man lang nag “I love you o Miss ko na ang maganda mong muka!” natatae na siguro. haha. Joke. Magkikita na ulit kami! namiss ko yon. sobra! Dapat maganda ako ngayon. Para naman Makita niya ang pinagbago ko at sabihing “wow! Gumanda lalo ang babe ko ah” hahaha! Adik ko. Can’t wait! XD

“Ma! Labas lang ako ha, bibili lang”

“Cge anak. Ingat ka dyan sa mga tambay”

“Opo ^^”

*Resto.

"babe!" tawag ko. Nakita ko siyang nakaupo at parang ang serious ng muka. Hmm.

"violet. nandito kana pala" sinabi ni Jake na parang nagulat

"ah oo. Bakit mo ko tinawag sa pangalan ko?"nagtataka kong tanong. Babe o baby kasi talaga tawag niya sakin.

"honey! daming tao sa restroom. Ang tagal ko tuloy naka tayo *pouts*"sinabi ng isang babae kay Jake

Sino naman tong mukang labanos sa sobrang puti, bigla bigla nalang nasingit? Ano naman kung nakatayo siya ng matagal? Di na siya makakaihi? Edi umihi na siya don habang nakapila! LOL.Honey? eew.

teka- HONEY??!!

"honey?! babe! Sino siya?" turo ko don sa babae.

"GF ko"nabingi ata ako don.

"gf? Duling ka na ba?! ako gf mo?"

"hindi mo na ako babe. Break na tayo."

"What?! Kaya mo ba ako pinapunta dito? Umalis ka lang 2 linggo. ganto na nangyari?!"

"madaming pwede mangayari sa loob ng dalawang lingo. Violet. Buntis siya" biglang dumilim ang isipan ko.

"are you joking me?! 2 linggo lang yon! nakagawa na agad kayo ng bata?! wow ha! Ang bilis! Minadali?! ganto na ba talaga ka agresibo ang mga lalake?!"

"hindi. magkakila na kami noon pa. At may nangyari samin noon." Explain ni Jake

"nagawa mong gumawang baby habang tayo pa?! What the Hell!. ano to, multi tasking?!"

"hindi. ano-"

"Honey stop it. Di mo na kailangan mag explain sa kanya. wala na kayo at sa tingin ko baka hindi niya makaya pag nag explain ka pa." singit naman nung nagpabuntis! Parang tinga lang! singit ng singit!

"aba! kung makapag salita ka ah! mag ingat ka sa mga sinasabi mo!."

“Jake T___T  ang warfreak naman nitong EX mo” inemphasize talaga ang pagiging EX ko. K! Fine! paawa effect nitong malanding to kay Jake.

"Violet! ano ba! buntis siya. wag mo siyang sigawan. "

"nasigawan lang ma aagasan na ba agad yon ha?! yeah right, di niyo na nga kailangan magpaliwanag sakin. At ikaw, kung sino ka man. Mahilig yan kumain ng seafoods lalo na sa mga katulad mong hipon. kaya ka siguro nagustuhan. hmm. At tsaka wag mong pa kakainin yan ng ketchup. Dati kasi napakain ko siyang ketchup at nagmuka siyang kamatis. Sige yun lang. Aalis nako. Ingatan mo yan, kahit secondhand nalang siya. “

Pagkatapos kong sabihin yon tumakbo nako palabas. Para makagawa ng eksena.Hahaha.

“teka, Violet!”  -Jake

Di ko na siya pinansin. Takbo lang ako ng takbo. Di ko na alam kung saan ako pupunta. Bwisit ka Jake! Pero ayos lang tiniis ko lang naman ang mukha mong mukang paa! Hahaha.Biruin mo yon, natiis ko yung muka na yon sa loob ng 2 taon!!?

Sta. Cruz’s residence

“Ang tagal mo naman bumili, anak?” sabi ni nanay sakin

“May napulot po akong piso. Hinanap ko pa yung nakahulog, baka magkareward ako. Taas na po ako.”

“Di ka kakain?”

“Di na po.” Matamlay kong sinabi.

Dumiretso na ako sa kwarto. Lahat ng pictures namin, letters, gifts na nakadisplay sa cabinet pinagkukuha ko at tiningnan.

“Shet ka, Jake! Shet ka.”Biglang tumulo ang luha ko.

Rent A Boyfriend (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon