Chapter 4: You always surprise me

463 12 6
                                    

"A-aray! Magdahan dahan ka naman. Nakita mong may sugat tong boyfriend mo. Magpakababae ka naman"

"So hindi pala ako babae? Ah ganon" Diniin lalo ni Vio yung cotton na may betadine sa sugat.

"A-AH! Oo na! Babae kana! Ang ganda mo pa!"

"Yan :) "

"Ang sakit eh! May balak ka bang palalain yung sugat ko? ouch" sabi ni Blue habang hinahawak hawak yung sugat niya.

"Kasalanan mo :P. Akin na, lilinisin ko ulit" Nagpatuloy lang si Vio sa paglilinis nung sugat ni Blue...

Vio's POV

So close...

Masyadong close up...

♪Inch by inch we're moving closer... ♪

Waaa. Ang lapit niya..

Ramdam ko yung paghinga niya..

Ba't kasi sa muka pa siya nagkasugat e!

San ba dapat? Sa katawan?

Waaaaaa! Lalong nakakaloka yon.

Ba't naman kasi nagpatama to e. Yan tuloy, ako yung nagdudusa!

DAMN THIS PERFECT BODY!

"Oy, anong nangyayari sayo? Umiiba itsura mo e"

"H-ha? Wala, wala. ano ba itsura ko?"

"Muka kang matanda"

"Sira!"

"Oh oh. wag kang magalit. Ayan, kumunot noo mo." tapos pnress niya ng index finger yung noo ko at medyo minassage para di na kumunot.

Di nalang ako nagsalita. Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis. Ba't parang di sila nauubos?! Naiilang na ako dito e. Onti nalang, tiis tiis lang, Violet. Wooooo. Kaya natin to, I can overcome his sexiness! XD

"Ayan na. tapos na a. wag ka nang magreklamo." tapos tumayo na ako at pabalik na ng room ko nang biglang hinawakan ni Blue yung kamay ko.

"Maglinis ka na ha? Magpalit ka ng damit. Ayokong magkasakit ang girlfriend ko dahil saken."

:')

Natuwa naman ako don. hoho.

"Opo! Sige, goodnight na din!" kumaripas ng takbo papuntng room ko.

MYGOD! Yung puso ko don ha. Feeling ko sasabog nako e.

Wooo. Makapag-ligo na nga lang.

*

Fresh nako! Pero parang feeling ko sinisipon ako. uh -.- Sana assuming ako para di totoo na magkakasipon ako. Please!!! T_T . Ayoko talaga magkasipon. Hirap makapagsalita tapos kailangan mo pang pangalagaan ang image mo. Mamaya natulo na pala yung uhog mo o may nakadungaw na bisitang green.  * brrr.*  Ayoko talaga ng ganon.

~Kung nakain kayo or nadidiri. Sorry po talaga kung diniscribe ko pa talaga. Censored pala dapat yon. ~

*tok tok*

"Violet, pinapatawag ka ng mama mo" tawag ni Blue

"Cge, cge. Lalabas din ako. Saglit lang"

"Okay."

Ano naman kaya yon? Oh well. Makalabas nalang.

*tok tok*

"Ma?"

"Anak, pasok ka."

"Ma, ano yon? importante po ba?"

"Oo, anak. seryosong usapan to. Ang papa mo ay napromote sa trabaho.."

"Talaga?! Edi maganda yon, Ma!"

"... sa Italy na siya ngayon pinapadala."

"Really?! Uwaaa! Gusto ko magbakasyon don! Magpapicture! I-update ang aking timeline sa Fb!"

"..Anak pwede ba patapusin mo muna ako? Pwede? Kahiya naman sayo e"

"Ay, sorry ma. Sige po, go lang."

"Since napromote mo yung papa mo don, kailangan natin sumunod sa kanya. Doon na tayo titira."

"ha?! Pero 4th year na po ako! G'graduate narin ako. Sayang naman kung lilipat pa ako."

"Yun na nga e. Buti nalang at dumating ang pinsan mo."

"Pinsan? Sino?"

"Si Blue. Pamangkin ko daw siya e. Anak daw siya ng malayong kapatid ng papa mo. Nabigla nga ako na may kapatid mo yung papa mo pati nga rin yung papa mo nabigla.  Iba din yung surname niya. Pero napatunayan din niya, sa nanay daw niyang surname ang ginagamit niya."   Sinungaling. Di naman kasi talaga kapani-paniwala -.-"

"Eh? A-oo. nabigla din ako a"

Yun yung excuse na sinabi niya? Nako naman. Pano kaya niya napatunayan yon? Pfft.

"So naisip namin ng papa mo na tapusin mo yung pag-aaral mo dito pagkatapos non kakaunin ka na namin."

"Eh?! Iwan niyo ko dito?! Kasama yung lalakeng yon?"

"Oo, mauuna na kami sayo. Kailangan na pumunta ng papa mo don next next day."

"Ang aga naman!"

"Anak, wag kang mag-alala. Padadalhan ka naman namin ng papa mo every month para di ka maghirap."

"Opo. Mamimiss ko kayo ma T_T"

"To naman. Di pa naman kami aalis e."

"Pero kahit pa! T_______T"

"Oo na. Osya, matulog kana. kumain kana ba?"

"Wala po akong ganang kumain. Matutulog na po ako. Goodnight, ma." kiniss ko si mama sa pisngi at dumiretso sa kwarto ko.

Humiga ako, at kung ano ano ang iniisip.

Ano na kaya mangyayari saken? Kaming dalawa nalang ni Blue ang nakatira dito.

>//////////////////<

Boyfriend ko nga pala yung lalakeng yon no? Woah. Imagine mo yon. Para tuloy kaming live-in.

No way! Yes way!

"Ano yang iniisip mo? Share"

"AHH-amf!"

"Sh! ang ingay mo ha." tinakpan niya yung bibig ko para di nila marinig yung sigaw ko

"Bakit naman kasi bigla bigla kang nasulpot sa harapan ko ha?! At tsaka pano ka nakapasok sa kwarto ko? Pervert!"

"Pervert? Boyfriend mo naman ako ah. Tska kanina pa ako nakatok. Di mo ata naririnig kaya pumasok nalang ako, bukas naman yung pintuan e."

"Che! >//< Ano ba kasing kailangan mo at nandito ka?"

"Wala. Gusto lang kita i-goodnight."

"Sus yun lan- - "

Chu!~

"Good night! ;) "

Napahawak nalang ako sa noo ko..

Kung saan niya ako hinalikan.

Rent A Boyfriend (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon