"Pagkakaisa"
Berso1:
Likas sa Pilipino ang pagtutulungan
Sama-samang tumutulong para sa bayan
Mayaman man o mahirap,nandiyan ang pagkakaisa
Kapit-bisig itong pinaglalaban
Berso2:
Sa panahon ng sakuna, doon natin makikita
Ang pagkakaisa ng ating kapwa
Pagtulong sa mga naapektuhan
Isang halimbawa ng pagkakaisa
Koro:
Marami pang paraan ng pagtutulungan
Tulad ng pagtulong sa mahihirap ng bayan
Sa pagsusunod sa batas at pagaalaga ng kapaligiran
Nagkakaisa tayo para sa ating kinabukasan
Berso3:
Tayo ay pwedeng maging bayani
At ito ay mag-uumpisa sa ating sarili
Isaisip natin kung ano ang makabubuti
Para sa lahat at hindi lang sa pangsarili.
Koro:
Marami pang paraan ng pagtutulungan
Tulad ng pagtulong sa mahihirap ng bayan
Sa pagsusunod sa batas at pagaalaga ng kapaligiran
Nagkakaisa tayo para sa ating kinabukasan
BINABASA MO ANG
Magtulungan Tungo sa Kaunlaran (Awiting Bayan na Maluway)
PoetryAwiting Bayan na Maluway o sama-samang paggawa. Ang nilalaman nito ay mga sariling gawa na kanta at nahahango sa iba't ibang tono. Ito ay gawa ng Pangkat IV ng 7-C (DLSZ-BRafeNHS). Performance Task sa Ikalawang Markahan. Ang pagtutulungan ay magtut...