"Pagsasama-samang Paggawa ng Lahat" ni Mayenna Sheska L. Catipay
Maluway
(Hango sa tono ng Tagumpay Nating Lahat ni Lea Salonga)
Berso 1:
Halina't magkaisa, paunlarin
Pagsasama-samang paggawa
Ang bansang puno ng pagkakaisa
Pilipinas kung matatawag.
Berso 2:
Taglay namin ang pagmamahalan.
Kahit ano mang lahi o anyo.
Maging Luzon, Visayas man o Mindanao
Pilipino ay nagkaisa.
Koro:
Sama-sama nating kamitin.
Pilipinas ating paunlarin.
At ang ating kailangan
Pagsasama-samang paggawa,
Pagkakaisa ng bawat isa,
Pilipino iisang minimithi.
Pagsasama-samang paggawa ng lahat.
Berso 3:
Kabataang Pilipino ang mag-uunlad,
ng ating bansang Pilipinas.
Pagsasama-samang paggawa ng bayan
Magtutungo sa kaunlaran
Ang pagkakaisa natin iisa ang patutunguhan
Punuin ng pagmamahal ang Pilipinas.
Koro:
Sama-sama nating kamitin.
Pilipinas ating paunlarin.
At ang ating kailangan
Pagsasama-samang paggawa,
Pagkakaisa ng bawat isa,
Pilipino iisang minimithi.
Pagsasama-samang paggawa ng lahat.
Pagsasama-samang paggawa ng lahat.
BINABASA MO ANG
Magtulungan Tungo sa Kaunlaran (Awiting Bayan na Maluway)
PoetryAwiting Bayan na Maluway o sama-samang paggawa. Ang nilalaman nito ay mga sariling gawa na kanta at nahahango sa iba't ibang tono. Ito ay gawa ng Pangkat IV ng 7-C (DLSZ-BRafeNHS). Performance Task sa Ikalawang Markahan. Ang pagtutulungan ay magtut...