"Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan?" ang nagtatakang tanong ni Kristel.
"Wala naman,"
"Wala? Pero Yung ngiti mo parang dinidilaan ka sa ibaba..."
"Grabe ka!!!" Hindi ko mapigilan ang hindi magtaas ng boses. Ang lakas pa naman ng imahinasyon ko.
Ang tagal narin simula ng may gumawa sa'ken niyon.
"Tara Les! Kain na tayo nagluto ako," paanyaya niya saken.
Umupo na ako sa munti naming lamesa sa may kusina. Hindi ko na naman mapigilan na hindi himasin ang batok ko, ganito ako kapag hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko.
"Oh...may problema ba?" , ang nagtatakang tanong niya. Hindi ako makapag-salita.
"Ate Kristel...m-may kachat ako..." sabay ngiti ko sa kanya.
Nakita kong dahan-dahan niyang inilapag ang plato na may kanin. "Wow, afam din?" "Hindi Ate malabong-malabo sa sitwasyon mo." "Pulubing afam?" At nakita kong parang may bahid ng pagkadismaya sa kanyang mukha.
"Mas bata sa'ken tsaka Half-half 'to no," paglilinaw ko istudyante pa 'to.
"Ay...virgin ang peg, panong half-half? Anong lahi?"
"JapAm siya," sabay tawa ko ng malakas.
"JapAm...." , paguulit niya. "Aaaah! Hapong Amerikano? Tama?"
"Oo, ganun na nga," sabi ko.
"Oh nice may hello ka na, may konichiwa ka pa!"
Natawa ako sa biro niya.
"So nasaang part na ba kayo?" ang kyuryus niyang tanong.
"Anong saang part ang pinagsasasabi mo" "Yung alam mo na!"
"Gago! Wala kaming napaguusapan na ganun! Tsaka iba siya Ate," pagtatanggol ko.
Dalawang beses pa lang naman kaming nagkaka-usap sa chat kaya bakit naman ako mag.eexpect ng kung ano.
Aminado akong masaya ako habang kausap ko siya dahil napaka-kalmado ko, napaka-panatag ng pakiramdam ko sa kanya at may respeto siya sa kababaihan.
Natigilan ako.
Biglang kong naisip ang isang bagay na takot na akong maulit uli...
Paano kung hindi ko mapigilang umibig sa kanya..? Paano na...
YOU ARE READING
The Maccon
Mystery / Thriller"This not just about Lester this is also about the first Maccon." The wind blows and suddenly his gone.