Chapter 10: Past

592 16 2
                                    

<CLAUDE’S POV>

“Mahal na hari, sinasalakay tayo ng taga timog, gusto nilang sakupin ang Neo Verona, may kasama silang makapangyarihan, isang batang lalaki at isang batang babae. May kapangyarihan ang batang lalaki ng lupang elemento at hindi namin alam ang kakayahan ng batang babae”

“Kung ganun ilikas ang mga babae at mga bata sa mas ligtas na lugar sabihan ang mga kalalakihan na maghanda, sabihan narin ang mga mandirigma na ihanda ang sarili sa laban!” sigaw ni ama at agad namang nagsitakbuhan ang mga kawal

“Papa, ano po ang nangyayari?” pagtatanong ko sa aking ama, pitong taon palang ako ng mangyari ang mga ganitong eksena, kung saan ang buhay ko ay puno ng pagmamahal.

“Isa lang itong drill anak, magtago muna kayo ng mama mo. Ria, magtago na kayo sa ligtas na lugar” sabi ni papa

“Rome, Rowan, sumama kayo sa tiya Ria mo at Rome, alagaan mo ang iyong ina.” sabi ng ama ni Rome, wala ng magulang si Rowan, tanging ang ama at ina ni Rome nalang ang tumatayong magulang nito, namatay kasi ang ina niya ng ipinanganak siya at ang kanyang ama ay namatay sa digmaan.

“Pero ama, paano po kayo?” tanong ni Rome

“Mama? Ano ba talaga ang nangyayari, bakit natin iniwan si Papa?” makulit kong tanong

“May lulupigin lamang ang iyong papa, dito lang tayo at magtago, matatapos rin ito maya-maya anak” sabi ni ina

“Ou nga Claude, maglaro nalang tayo” sabi ni Rowan na may hawak na dice

“Ama!!!!” sigaw ni Rome at nakita kong umiiyak ang ina nito, tiningnan namin kung saan nakatingin si Rome. Nakita namin ang isang batang lalaki at babae.

Sila ang kinakalaban nina ama, mga bata lang sila pero bakit? Nakatayo lamang ang batang babae sa may likuran ng batang lalaki, samantalang ang batang lalaki ay ginagamit ang kapangyarihan nito para pagalawin at kontrolin ang lupa.

Nakita ng inosenteng mga mata namin kung paano nilamon ng buhay ang papa ni Rome ng lupa. Si ama nalang ang nakikipag laban ditto, nakita rin namin ang ibang mandirigma ng Neo Verona na nakikipaglaban din. Umiiyak na ngayon si Rome, pati na rin si Rowan, ito na kasi ang nakagisnang ama nito.

“Mama, saan po kayo pupunta?” tanong ko sa aking ina

“Tutulungan ko lang ang iyong papa anak” sabi ni ina

“Julia, tulungan mo ako, may kukunin tayo sa silid aralan” dagdag na sabi nito

“Anak, dito lang kayo. Wag na wag kayong lalabas hanggat hindi pa nagiging mahinahon ang paligid” sabi ni ina sa akin sabay halik sa noo ko

“Rome, Rowan, protektahan nyo ang prinsesa simula ngayon. Gawin nyo ang lahat maprotektahan lang siya” sabi ng ina ni Rome, tumango naman ang dalawa at agad umalis sina ina

“Anong ginawa mo sa kapatid ko!!! Magbabayad ka!!!” sigaw ng batang babae at agad itong nagliyab, may pwersa ng apoy na bumabalot sa buo niyang katawan, kasabay nito ay ang pag labas ngsiyam na dragon.

“Papa!!!” sigaw ko habang nilalamon ng apoy ang aking ama at ang iba pang mga madirigma. Masyadong mapangahas ang kapangyarihang iyon. Lahat ng nakikita o madadaanan ng dragon ay nagiging abo at kabilang roon ang aking ama. Wala akong magawa kundi ang umiyak lang, pinigilan ako nina Rome at Rowan na lumabas sa pinagtataguan namin. I am helpless, weak and unpowerless to battle against the girl with the same age as me, I guess.

“Tiya Ria?” mahinang sabi ni Rowan

“Mama!!!” sabay na sigaw namin ni Rome, nakita namin sina ina at tiya Julia na may hawak na libro. Tila may binibigkas na orasyon ang mga ito.

“Arrrgggghhhh!!!” malakas na sigaw ng batang babae, mas lalo lang itong nagliyab at lumalakas. Nakitang kong papasulong na ang mga dragon sa kinaroroonan nina ina.

Sigaw ako ng sigaw ngunit hindi ito lumilingon sa gawi ko. Maya-maya ay tiniklop nito ang libro, ganoon rin si tiya Julia, lumingon sila sa pinagtataguan naming tatlo, ngumiti ito at parang may mga salitang sinasabi na hindi namin maintindihan dahil walang lumabas na boses dito.

Matapos nun ay biglang nawala si ina at tiya Julia siguro ay naabo na ang mga ito katulad ng sinapit ni ama at ng iba pa, pati na rin ang dalawang bata dahil wala ring bakas nila ang matatagpuan sa paligid.

<3RD PERSON’S POV>

“Ina!!!!” malakas na sigaw ni Claude na kumuha ng atensyon ng taga palasyo, agad nagsitakbuhan sina Ren papasok sa silid nito

“Claude… Claude… gumising ka Claude…” sabi ni Ren na niyuyugyug si Claude, hindi parin ito magising, kaya ang ginawa ni Kia

*Splasssssh*

Bigla namang nagising si Claude at nakita niya sa harap niya ang mga taong mahahalaga sa kanya.

“Anong nangyari, binangungot ka ba?” pag-aalalang tanong ni Ren

“Wala, okey lang ako. Bakit nyo ko binuhusan ng tubig?” sabi ni Claude na eni-eksamin ang basang damit nito.

“Wala kasi akong ibang maisip, ayaw mo kasing magising, sigaw ka ng sigaw dyan buti nga ginawa ko yun, nako kung hindi baka nilamon ka na ng panaginip mo.” mahabang pagpapaliwanag ni Kia kay Claude

“Ganun ba, Salamat Kia. Pwede bang iwan nyo muna ako rito?” sabi ni Claude na nakayuko, hindi pa ito nakakabawi sa bangungot dulot ng nakaraan niya.

“Okay ka na ba? Kung may kailangan ka, tawagin mo lang kami” pag-aalalang sabi ni Ren, tumango lang si Claude dito kaya umalis nalang ang mga ito

“Mama, Papa, ipaghihiganti ko ang nangyari sa inyo. Hahanapin ko ang batang babaeng yun at babawian ng buhay. Hindi ko siya mapapatawad, kung hindi dahil sa kanya ay magkakasama pa sana tayo ngayon.” Sabi ni Claude na may tumutulong luha sa gilid niya

Samantala, sa kabilang dako ng kontinente, sa nasasakupan ni Leo, ay may nagaganap na kasiyahan. Inimbita niya ang lahat na nasasakupang lupain niya, kabilang na rito ang mga palasyong naagaw niya sa pamamagitan ng pagkitil sa buhay ng pinuno dito. Kahit ang mga tao ay napilitan, pumunta pa rin sila kaysa may dumanak na dugo.

Ito ang gusto ni Leo, simula pa nong bata siya, ito ang tumatak sa isipan nya. Mas lalo iton ginanahan ng makaharap ang ama sa kaharian ng Hazelrink na una nitong sinakop, pinatay niya ang sariling ama gamit ang kanyan sariling mga kamay. Ginawa niya ito upang makapaghiganti sa ginawa nito noon, ang pagpatay sa kanya.

“Kamahalan, kailan po natin susulungin ang Neo Verona? Masyado po kasing nagsasaya ang mga tao doon, parang walang alam sa mga nangyayari.” Sabi ng kanang kamay ni Leo

“Hindi siguro iyon pinaalam ng pinuno nila.” Maikling pagkasabi ni Leo

“Alamin mo kung sino ang pinuno nila, kailangan muna tayo mangalap ng impormasyon, bago tayo sumulong. Wag tayo masyadong kampante, hindi maikakaila na ang palasyo ng Neo Verona ang may pinakamalakas na mga mandirigma, nadoon rin ang tatlong may kapangyarihan ng elemento, at isa roon ang kapatid ko. At siguraduhin mo rin na wala na ang libro na magiging hadlang sa paghahari ko.” Dagdag na sabi nito sabay paghigpit ng hawak sa baso na ikinabiak nito

“At ito, ibigay mo sa kapatid ko, siguraduhin mong mababasa niya yan kong ayaw mong malagutan ng hininga.” Mariing pagkasabi nito, umalis naman ang kanyang kanang kamay para mangalap ng impormasyon, may ipinadala itong sulat para sa kanyang kapatid

“Maaalala mo rin ang lahat Ren, tutulungan mo rin ako sa gusto ko. Hahaha at tuluyan na nating masasakop ang Neo Verona, hindi man tayo nagwagi dati, ngayon sinisiguro kong magtatagumpay na tayo, at dahil iyon sa iyo mahal kong Ren hahahaha”

She's A Book Character (TinAom) RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon