Chapter 19: Neo Verona's Lost Story (Part 1)

11 0 0
                                    

<3rd PERSON’S POV>

Taong 2000, ng madiskobre ni Ria ang kaharian ng Neo Verona kasama ang kaibigang si Julia. Isang anak ng mayamang pamilya si Ria at si Julia naman ay anak ng katulong nila. Naglayas si Ria dahil ayaw nitong maikasal sa taong pinag kasundo sa kanyang pamilya, at sinamahan siya ng kaibigang si Julia.

Sa kanilang paglalakad ay may nakasalubong silang matandang babae at nanghihingi ng pweding kainin. Dahil sa kagandahang loob ni Ria binilhan niya ito ng pagkain at damit. Nang papaalis na sana sila ay may inabot itong libro. Sinabi nito na ito ang susi sa mundong gugustuhin nila.

Pagkakuha ni Ria sa libro ay bila nalang naglaho ang matanda. Maya-maya ay gumalaw ang lock ng libro at kusa itong bumuklat at dahil sa sinag nito ay napapikit ang magkaibigan at sa pagmulat nila ay tumambad sa kanilang harapan ang isang palasyo.

Hindi nila namalayan na may mga mandirigma na patungo sa dako nila at pinalibutan sila ng mga ito. Lumapit sa kanila ang isang malaking lalaki at nagpakilala bilang si Leonardo ang hari sa Hazelrink kingdom na matatagpuan sa timog at dinala sila nito sa kanyang kahirian.

Pagdating nila sa kaharian ni Leonardo ay agad silang kinulong kasama ng tatlong babae, ang isa rito ay dalawang buwan ng buntis, ito ay si Ellaine.

Dahil sa taglay na kagandahan ni Ria, pabalik-pabalik syang ginahasa ni Leonardo at kalaunan ay nagbunga ito. Tanging si Julia lamang ang hindi nito nagagalaw dahil sinasalo ni Ria ang gagawin nito para sa kaibigan. Ang kasama nitong si Selena ay nagdadalang tao na rin katulad ni Ria. Samantalang si Windy ay hindi dahil may problema ito sa matres.

Pitong buwan ng buntis si Ria at si Selena naman ay isang buwan na ring buntis samantalang si Ellaine ay manganganak na.

Biglang pinalabas sa kulungan si Ellaine at sa isang magarang silid ito ipinaanak. Doon ito nanganak ng sanggol na lalaki na si Rowan. Napag alaman ni Leonardo na ang mga babaeng kanyang ikinulong ay ang mga priestess na may kanya kanyang kapangyarihan.

Pagkatapos manganak ni Ellaine ay agad niya itong dinala at ipinatapon sa ilog, at doon niya ito pinatay upang maangkin at makontrol ang kapanyarihang tinataglay ng anak nito. Lingid sa kaalaman niya, si Ellaine ay napadpad sa isang baryo at nakita ito ng matandang lalaki at tinulungan, dinala ito sa bahay ng matanda at doon ginamot ng asawa nito.

Makaraan ang dalawang buwan, si Ria ay manganganak na rin, inaalagaan siya ni Windy na kung saan kahit kailan man di magkakaanak.

Pagkatapos manganak ni Ria ay inilipat ang sanggol na pinangalanan nitong si Leo. Dahil sa malayang nakakapaglakad si Windy, narinig niya ang pinag uusapan ng hari at kanang kamay nito tungkol sa mga kapangyarihang taglay nila. Dali – dali syang nagtungo sa kulungan at agad sinabihan si Julia, pinatakas nito si Julia at dinala sa kwarto kung saan naroon si Ria. Binalikan niya ang kwarto kung nasaan ang anak ni Ria, ngunit laking gulat ni Windy ng wala si Leo sa kwarto nito.

Hinanap niya ito sa kahit saang silid habang si Ria at si Julia ay naghihintay sa labas ng palasyo bitbit ang batang si Rowan. Naalarma na ang mga kawal pati na rin si Leonardo. Umiiyak man si Ria dahil hindi pa nakakabalik si Windy dala ang anak nito ay nagpatuloy ito sa pagtakas kasama ang kaibigan nitong si Julia at umaasang magkikita sila ni Windy dala ang kanyang anak.

Sa di kalayuan ay may nakasalubong silang hukbo kung saan pinangungunahan ito ni Theo na taga Neo Verona sa silangang bahagi, agad silang tinulungan at dinala ito sa kaharian ni Coud.

Ikinwento ni Julia ang pangyayari at kinabukasan ay naghanda ang hukbo ng Neo Verona para sa pagsalakay sa Hazelrink. Malakas ang hukbo ng Neo Verona dahil kasama nito ang ibang kaharian na sumalakay sa kaharian ni Leonardo, gusto narin kasi ng mga ibang hari na tuldukan na ang kasamaan ni Leonardo. Walang kahirap – hirap namang nalupig ng Neo Verona ang Hazelrink at ang hari nitong si Leonardo ay tumakas at di na nagpakita.

Sa kabilang dako, hinintay na muna ni Windy manganak si Selana at tumakas din ang mga ito. Nanganak si Selena ng isang malusog na babaeng sanggol.   Nakahanap si Windy ng munting bahay na pwede nilang pagtaguan at namahay doon kasama ang batang si Leo na kanya ring itinakas.

Di naglaon, namatay rin si Selena dahil masyado itong nabinat, pero bago paman ito namatay ay hawak-hawak nito ang anak na si Ren at hinalikan ito sa noo, lingid sa kaalaman nito ay naipasa nito sa anak ang kanyang kapangyarihan bago ito nabawian ng buhay.

Binuhay at inalagaan ni Windy ang dalawang bata at tinuring nitong tunay na mga anak. Wala ng balita si Windy tungkol kina Ria at Julia maging kay Leonardo. Namuhay siya ng mapayapa kasama ang dalawang taon na si Leo at ang magdadalawang taon ding si Ren.

Isang araw, habang sa kalagitnaan ng kagubatan, ay may nasalubong itong isang lalaki. Hindi sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang hawak ang dalawang bata. Agad na lumapit ang lalaki sa kanya at niyakap sya nito. Wala sa kanyang ulirat ay niyakap nya din ito. Niyakap niya ang taong matagal na nyang minahal kahit sa kasamaang pinaggagagawa nito.

Pinakilala nito ang lalaki sa mga bata, kung saan ito ang tunay nilang ama, si Leonardo. Naging masaya silang pamilya sa loob ng tatlong taon. Ngunit, pansamantala lang pala ito, dahil sa pagkakataong ito matutupad na ang matagal na pangarap ni Leonardo. Dinala ni Leonardo si Windy sa ilog at doon isinagawa ang kanyang maitim na plano. Walang kahirap-hirap nitong kinuha ang buhay ni at itinapon sa ilog.

Itinatak ni Leonardo sa isipan ng mga anak nito na pinatay ng mga taga Neo Verona ang kanilang inang si Windy. Sinanay nito ang dalawang anak at pinuno ng galit upang lumabas ang kapangyarihan ng mga ito. At hindi sya nabigo dahil lumabas ang kapangyarihan ni Ren na nagtataglay ng apoy, hindi lang apoy kundi siyam na dragong apoy.

Samantalang si Leo naman ay napag alaman niya na may kapangyarihan itong mapagalaw ang lupa at kung ano mang may kaugnayan sa elementong Earth.

Gamit ang dalawang anak ni Leonardo, sinakop muli nito ang kaharian ng Hazelrink na kanya ring inagaw nong pamunuan niya ito. Dito niya sinanay at pinahirap ang dalawang anak para maging malakas ito at maging handa na lipunin at sakupin ang buong kaharian mula hilaga hanggang timog at higit sa lahat, gusto nito sakupin ang Neo Verona na may pinakamalaking kaharian sa buong kapuluan.

She's A Book Character (TinAom) RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon