Chapter 4: Wrangle

471 34 11
                                    

BTS and BlackPink stans out there, I'm writing Woman Of Peril: Enchantress. For my love towards Jungkook and La Lisa. 😍😍🙌 Feel free na basahin ito. Thank you!

-------------------------------

3rd year HS, month of November



"Skylynn, si Skyler?" Lumingon ako sa kaklase ko na kagrupo ni Skyler sa English subject namin para sa classroom debate. Hindi na ako nag-abala na luminga linga. I know he's not here.

Tumingin muli ako sa sinusulat ko kung bakit impractical ang Divorce sa Pilipinas. "Kasama 'yung banda niya." Sagot ko at nagsulat muli. Sila Skyler ang kalaban namin bukas. Pinaglalaban talaga kami ng tadhana 'no?

"Kasama na naman niya sila Cyril?" Bulong niya at tumahimik lang ako. "Pakisabi naman na tapos ko na 'yung pagkacopyread ko sa speech niya at halos walang mali. Magprapractice lang sana kami." Aniya.

"I'll tell him," sagot ko at nagpasalamat siya. Inilabas ko ang phone ko. On second thought, why not tell him personally, 'di ba?

Napangisi ako sa iniisip ko. I'm scary sometimes. I am afraid of myself, too. Ang possessive ko. Bwisit.

Natatawa akong naglalakad papunta sa band studio nila dito sa gym namin. Hindi naman ako magwawala mamaya, idadaan ko sa pagiging sarkastiko ang lahat.

Tutal ay tapos ko na magcopyread sa sagot ng mga kaklase ko para sa debate bukas. Pinagsulat ko nalang sila ng mga pwedeng itanong at mag assume din ng pwedeng isagot sa mga tanong na pwede nilang ibato bukas.

"Sky!" Gulat na bati ni Blue sa akin na may dalang pagkain. "Napunta ka dito?" Tanong niya.

"I'll call Skyler. Pinapatawag e." Nakangiti kong sinabi at inunahan siya sa pagpunta sa studio. Baka sabihin pa niya na andito ako at pupunta ako, gusto ko pa mandin isurprise sa presence ko si Cyril. "Hi!" Bati ko at lahat sila napatingin sa akin.

Nag-uusap si Daryl at Toffer na halatang gulat sa akin. Si Cyril din, gulat na makita ako, except for Skyler. Wala naman siyang kaalaman sa pagkakacrush sa kanya ni Cyril eh.

May hawak na gitara si Cyril at inaayos naman ni Skyler ang pagkakapatong ng mga daliri niya sa mga strings at sa bawat fret. Tinuturuan niya siguro sa mga power chords.

"Anong ginagawa mo dito?" wika ni Cyril. Nahimigan ko sa boses niya ang pagkagulat.

"Ay, sorry." Playfulness is evident in my voice. "Nakaistorbo ba ako?" Tanong ko na parang inosente.

"No." Sagot ni Skyler pero hindi ko siya binalingan. "Skylynn."

"What?" Anang ko at napairap nang wala sa oras. I couldn't hold it anymore. He's supposed to do his debate practice, hindi iyong narito siya para turuan si Cyril! "Hinahanap kasi siya ng mga kagrupo niya sa akin. Eh andito lang naman pala siya na tinuturuan ka."

"Skylynn." Don't call me, Skyler. Im pissed.

"Bakit sa akin mo sinasabi?" Tanong niya and I'm close to taking my shoes off para ibato sa kanya. Duh? Alam naman ni Cyril na may klase kami, may kailangan kami para sa klase. Kaya bakit weekdays pa siya nagpapaturo? Weekends nalang sana para hindi ko din masilayan dahil binabadtrip lang ako nito.

"Kasi pinapaalam ko sa'yo na susunduin ko na siya para sa practice nila, kung maipagpapamaya niyo nalang 'yang pagtuturo niya ng chords. Baka ako pa pagalitan ng mga kagrupo niya, e." Sagot ko at natahimik lang sila.

HEARTSTRINGS PROBLEM | Darren Espanto #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon