Chapter 18: Fall

570 39 11
                                    

It took time for me to realize that I'm starting to like Darren all over again. Damn it, and damn him. Alam ko sa sarili ko na siguro nga ay nagugustuhan ko na naman talaga siya. There is no way for me to escape the inevitable.

I think it's a bad idea.

"Sky!"

Napairap nalang ako sa pagtawag niya sa akin. Hinarangan ko ang mukha ko gamit ng libro na hawak ko tsaka paulit-ulit ko nang binabasa itong line ni Valentine e wala naman atang plano na tumatak sa isip ko ito. Kasalanan ito ni Darren.

'To love is to destroy.'

Yes, this is true. This love is going to destroy your friendship, Skylynn. Heto na naman 'yung parang iniisip ko dati na kapag pinagpatuloy ko 'yung nararamdaman ko, I might lose him and our friendship. Paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung si Sunshie parin? Hindi ko kasi alam kung gusto padin niya si Sunshine. Isang taon lang naman siya nawala, posible kayang hindi na niya gusto si Sunshine? Or siya kaya ang reason kung bakit umalis si Darren?

"Sky, why won't you look at me?"

Plano ko talagang hindi siya tignan. Baka maawa lang ako dahil pagod na siya at magtaka or baka mapatitig na naman ako sa kanya kaya ngumuso nalang ako at nagpanggap na masyado akong seryoso sa pagbabasa.

"C'mon, Sky. Look and listen to me, please." No, Darren Espanto. I won't look at you, nor glance within a second. Tsaka ano bang problema ng lalaki'ng ito? Bantay ko na nga ang gamit nilang basketball team, nasa tabi ko ang gamit niya and in addition, I hate his pleas, it's too irresistible. He, himself, is someome I can't resist. Gusto ko na naman siya, e.

"Alis ka muna sa pwesto mo, passing ang gagawin namin."

"Bla bla bla, bakit pati boses niya ang gwapo." Bulong ko sa sarili ko before I mentally argued with myself. Wow, sinabi ko pa talagang gwapo siya ha. I really tell these complimentary things about Darren pero sa utak ko lang iniisip.

I rolled my eyes at inulit ko na naman ang line ni Valentine. When will I get over with this line? I'm stucked with this. Ugh.

"Are you going to snob your best friend, Sky?" Bestfriend your face, Dee. Nakakainis!

"Magpractice na nga lang kasi kayo!" Sigaw ko tsaka padabog na inilipat sa next page kahit hindi ko pa naiintindihan yung binabasa kong page ng book. He should stop calling me by my nickname. It's something that I like, e sabi ko ngang hindi ako lilingon.

"Sky!"

"Ano ba, captain?!" Sigaw ko tsaka ibinaba ang libro na hawak ko kaya natamaan ako ng bola sa pisngi ko. Ramdam ko ang pagbagsak ko sa sahig ng gym kaya dagdag pasakit na naman ang naramdaman ko.

Oh heck, ang sakit...sobra. Kaya pala niya ako pinapaalis sa pwesto ko. Ayan kasi ang napapala ko. Lumingon nalang sana ako.

"That's your last baseball pass, dude. Iba pa tuloy ang natamaan mo," sambit niya sa team mate niya before he jogged to where I'm at. Ibinaba niya ang kamay kong nakatakip sa pisngi ko at binalik ko na naman ito kaso ibinaba na naman niya.

"Crap, namumula na."

He can be a cussing machine at times but it's okay with me. Binitawan naman niya saglit ang kamay ko tsaka niya tinanggal ang ID niya including the lanyard and I wonder why.

"Manghiram ka ng cold compress sa clinic, sa akin nakaincharge." At ihinagis niya sa nakatama sa akin ng bola. "Bukas na ulit ang practice." He dismissed his teammates at pinalo ko siya pero hindi naman siya nagpatinag. Pasaway talaga.

Nagsilapitan na sila sa table kung nasaan kami ni Darren at tsaka na kinuha ang gamit nila. May mga ilang nagtanong din kung okay na ako at kung masakit parin hanggang ngayon. Oo naman. Sila kaya tamaan ko ng bola sa noo. Mukhang naalog pa tuloy 'yung ulo ko.

HEARTSTRINGS PROBLEM | Darren Espanto #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon