Chapter 4

15 0 0
                                    

Nervous...

Nung nakita ko yung nga armadong lalaki kanina sa kanto namin nung kasama ko si chen, gusto gusto ko silang patayin kasi ganun na ganun yung suot ng pumatay kay papa dati. pero syempre hindi ko rin magagawa yun kasi ang lalaki ng mga baril na dala nil--. OMG!  si chen nga pala! muntik ko na makalimutan! hay nako Vanessa! yan tuloy nakalimutan ko si chen! baka mamaya umalis na yun dahil sa inip! drama drama pa kasi akong nalalaman eh! sabi ko pa mo dun na saglit lang ako. haist!

nag bihis na ako tapos kinuha yung pagkain na kinuha ko kanina sa ref. para kay chen. bumaba na ako ng hagdan tapos dahan dahan akong lumabas ng bahay.

pag punta ko sa garden wala na si chen. Ikaw kasi eh vanessa eh! ang tagal mo yan tuloy umalis na! hay nako. hahanapin ko na nga lang siya, baka nandito pa yun.

"Chen!" sigaw ko " Yuhooo Chen! nasaan ka na?!" pumunta ako sa likod ng bahay para hanapin siya dun kaso wala padin siya eh. nasaan ba yung lalaking yun? "Chen?! kung naririnig mo ako sorry kanina kasi natagalan ako! di ko naman yun sinasadya eh!" bahala nga siya jan magtago! haist.

tatalikod sana ako kaso may nakita akong mga armadong lalaki sa gilid ng mga mata ko na kanina pa pala naka tingin saakin. hala? ayun yung kaninang mga armadong lalaking humahanap kay Chen ah? hala baka mamaya kilala nila yun tapos! OMG! nag isip ako ng paraan. Isip Vanessa! Ayun!

"Chen! eto na yung pagkain mo oh doggie! nasaan ka na bang aso ka! eto na si mommy!" tapos kunwari hinahanap ko. sana naman mapaniwala ko sila dito! ang tanga mo kasi eh vanessa! "Doggie?! Where are you, Dito na me!" tapos kunwari pinunasan ko yung pawis ko. tumingin ako sa gilid ng mga mata ko, tapos nakita ko parin sila na nakatingin saakin. anong tinitingin tingin niyo jan ah?! otss... kala mo naman may ginawa akong masama! patayin ko kayo jan eh! joke lang hehehe...

"Bukas ko na nga lang hanapin yung ASONG yon!"

nilakasan ko talaga yan para marinig nila. Ha.Ha! baka kasi mamaya madamay pa ako sa hanapan nila! pumasok nalang ako sa loob.

"Oh Vanessa saan ka nanaman ba galing ah?! alam mo bang gabi na?!"

hala anong papalusot ko? haist. kasi namang Lalaking yun eh! yan tuloy napapagalitan ako sa tsyahin ko!

"Ahm.. ano po kasi eh... nag pahangin ako sa labas! oo yun nga po! nag pahangin ako sa labas hehehe..." sabay peace sign ko

"Kumain ka na dun! tapos na akong kumain."

"Sige po. s-salamat po"

pumunta nalang ako agad sa kusina. ano kayang ulam? nagugutom na pala ako, Hindi ko man lang napansin.

"Hmm..." sabay amoy sa ulam "Pakbet my Peboret!"

kumuha na ako agad ng kanin tapos kumuha ako ng ulam. salamat po sa pagkain! kumain lang ako ng kumain. ang sarap talaga! grabe ang daming nangyari ngayong araw na toh!

pagkatapos kong kumain inayos ko na yung lamesa at hinugasan yung platong pinaggamitan ko. pinatay ko muna yung ilaw at umakyat sa taas. tulog na kaya si auntie? masilip nga muna sa kwarto nun.

*K-kr-rik* [A/W: Tunog po yan ng pinto]

bahagya ko lang binuksan, baka kasi magising eh. sumilip ako ng bahagya tapos nakita ko si auntie na.. WHAT?! tama ba yung nakikita ko? umiiyak si auntie? bakit kaya? lalapitan ko na sana kaso, Hindi nga pala pwede... nakikisilip lang kasi ako eh.

pumasok na ako ng kwarto ko at humiga sa kama. bakit kaya umiiyak si auntie? at ngayon ko lang siya nakita na sobrang lungkot. kung ano man yun. malalampasan niya din yun. alam ko naman na matatag si auntie eh. yun pa?!

saan kaya pumunta si Chen? at bakit ba siya hinahabol nung mga lalaki kanina? may ginawa ba siyang mali dun? ano na kayang nangyari dun? haist! bahala na nga! tapos parang kinakabahan ako sa mangyayari bukas... parang ngayon ko lang naramdaman tong kaba na toh eh.. tapos parang ang init pa ng palad ko... tinignan ko yung mga kamay ko tapos!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
o_______0?!

The Magic Wish [ON GOING]Where stories live. Discover now