Chapter 2

21 3 0
                                    

Save me...

"AHHH--." shit! joke lang yung korea-korea something na sinabi ko! lord! ayoko pa po mamatay!

sisipain ko na sana yung humablot ng kamay ko kaso bigla niyang hinawakan yung dalawa kong kamay tapos tinakpan yung bibig ko gamit ng kamay niya tapos hinarap niya ako sakanya.

"shhhh... baka marinig nila tayo, wag kang gagawa ng kahit na anong ingay"

sino siya? tsaka bakit ba niya yan sinasabi?! tsaka anong 'sino sila'? hala! baka mamaya kidnaper to ah!

"hindi ako kidnaper" nabasa niya ata yung nasa isip ko? "please save me again"

wait lang anong save me again? kialala ko ba toh? tinitigan ko yung kasuotan niya. naka suot siya ngayun ng pang ninja na unifor--

"kailangan nating magtago, pwede mo ba akong tulungan?"

pagkatapos niyang sabihin iyon bigla niya ako hinila sa isang sulok malapit sa kanto namin, tapos may nakita akong armadong mga lalaki na may hawak na baril. hala?! Lord save me!

"shhhh... wag kang matakot nandito lang ako, wag kang gagawa ng kahit na anong ingay" tumango nalang ako dito, tsaka nag pray. ayun ba yung humahabol sakanya? ano naman yung pakay nila dito sa naka hawak saakin?

"halika na baka mahuli pa nila tayo" sabay hila niya saakin "pwede bang tulungan mo akong magtago?"

"a-ahmm... k-kilala ba k-kita?" sabay tingin ko sa blue niyang mata "h-hehehe" tumingin din siya sa mga mata ko tapos tumango. hindi ko talaga siya kilala. promise. pero hindi ko trip yung awrang pinapakita niya saakin ah..

"anong pangalan mo? san ka nakatira? bakit ganyan yung suot mo? pinagtataguan mo ba yung mga yun? may atraso ka dun neh kaya ngayon ako yung hinablot mo para itulak papunta sakanila para pag chachapchapin ng mga armadong lalaki ak--" ano ba yan lagi nalang niya akong pinuputol!

"Christian Chen TuiChu" sabay titig ulit sa mata ko, hala baka mamaya matunaw yung pretty eyes ko! chos. " yan kiala mo na ko ulit? hindi ka parin nag babago, ganun ka parin" sabay smile. "maaalala mo din ako" ok?

"hehe d-diba sabi mo kailangan mo ng tulong? lika punta tayo sa bahay ng auntie ko! dun ka na muna m-magtago hehe" sabay hila ko sakanya.

"ok, salamat ulit ah?"

"no problem" sabay ngiti ko sakanya " wait bakit ka nga pala hinahabol nung mga yun? at bakit ganyan yung suot mo? ninja ka ba? san ka nakatira? may atraso ka ba dun kaya ka nila hinahabol?" ulit ko sa mga tanong ko na hindi nasagot.

"ang dami mo namang tanong, di ko masabayan! basta mahabang kwento...mag tiwala ka lang saakin..."

hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi .. bahala nga siya jan, ayaw naman niyang sabihin eh! "ok sabi mo eh" nandito na pala kami sa tapat ng bahay. bigla akong ginapangan ng kaba.. paano kung hindi pumayag si auntie?! hayss... dapat pala pinag isipan ko muna! payag ka kasi ng payag eh vanessa! baka mamaya murderer na pala yan!

"jan ka nakatira?" tanong niya

"a-ah? a-ah.. o-oo... j-jan ako naka tira. I-I mean jan ako nakikitira.. kasi wala akong kasama dun sa dati naming mansion.. simula nung... nawala si... ahhh! nevermind. lika pasok na tayo sa loob" halata sa mata niya na nag tataka siya. ngumiti nalang ako tapos binuksan yung gate. " aahhmpp... pewde bang wag kang magpapakita kay auntie? kasi baka mamaya pagalitan ako nun kapag may dala akong ibang tao eh, jan ka muna sa garden babalikan kita wait lang ah... saglit lang toh" pumasok na ako sa loob ng bahay dala dala yung mga pinamili kong gulay kanina sa palengke. kaya mo yan vanessa!

"A-Auntie! nandito na po ako!" sabi ko sabay lagay ng mga pinamili ko sa lamesa.

"bakit ang tagal mo naman? kanina pa kita pinabili, tapos ngayun ka lang?! pinag alala mo kong bata ka! nakipag daldalan ka nanaman ba dun sa aleng yon?! hay nako! hindi mo ba alam na magluluto pa ako ng kakainin natin?!" sigaw niya sakin.

"sorry po auntie" sabay yuko ko, nag sorry nalang ako, baka kasi malaman pa niya yung totoo eh, pagalitan pa ako nun.

"osiya! pumanik ka na sa taas, at mag bihis! ang dusing dusing mo na oh! kung san san ka nanaman nag susu-suot!" pumunta muna ako ng kitchen para kumuha ng mga pagkain tapos pumunta na ako sa kwarto ko.

I forgot to say na meron pala akong step sister at brother. kapatid ko sila sa ama. close kami at laging magkasama pwera lang nung namatay si papa... hindi ko na sila nakikita at nakakasama kasi hindi ko rin alam kung saang parte ng mundo na sila nakatira ngayon. ako ang bunso at meron na silang sarisarilin bahay at pamilya at ako nalang ang napag-iwanan.

●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●

Ano kayang magyayari? at ano ang tunay na pagkatao ni Vanessa? at ano nga ba siya? At ano din ang mangyayari kay Chen? maaalala ba ulit ni Vanessa lahat ng nakaraan na kinamuhian at kinalimutan niya? o ipagliliban niya muna ito?

A/W: don't forget the hit that vote button and comment down below so I can all know your opinion in this chapter. thanks!

The Magic Wish [ON GOING]Where stories live. Discover now