"Here, i-solve mo yan. Dapat pagbalik ko tapos na 'yan." sabi niya at umalis na sa Library.
Tinitigan ko yung problem shit este sheet na binigay sa akin ni Clyde.
Sira ulo ba siya?! Paano ko masasagot 'to kung hindi niya ako tuturuan?! Yan ba ang effective tutor?!
Wala naman akong choice kundi titigan yung papel dahil wala naman akong maisasagot. Pahirap na nga ang Math pati ba naman ang tutor ko?
"Halle?"
Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at agad nawala ang badtrip ko nang makita ko siya.
"Uy, Stanley."
Nilapag niya ang libro sa table at tumabi sa akin. "Ano yan?" tanong niya at tinuro ang problem sheet.
"Ah, ano.. Problem sheet. Kaso hindi ko naman alam kung paano sasagutan." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Let me see."
Kinuha niya ang papel at tiningnan ang mga problems.
"Oh, it's simple. Here, I'll teach you." he said at inexplain kung paano sasagutan ang problems.
Pasimple akong tumitingin sa kanya habang nag-eexplain. Almost 20 minutes niyang inexplain kung paano yun. Sinabi niya rin kung paano ko pwede isolve yun in easier way.
"Thank you, Stanley ha."
Buti ka pa may kwentang magturo di tulad nung Clyde Adrian Villaflores na yun!
And speaking of bwisit na Clyde..
"Ms. Perez, are you done answering?"
"Ah, sige Halle. Alis na ako. Good luck!" sabi ni Stanley.
Ngumiti ako sa kanya bilang sagot.
Umupo sa harap ko si Clyde na nakakunot ang noo.
"Nasagutan mo na ba?" masungit na tanong niya.
"Oo."
Syempre thankful ako kay Stanley at tinuruan niya ako. Hihi.
Kinuha niya ang papel at tiningnan.
"Ulitin mo."
"Ano?"
"Bingi ka ba? Ulitin mo sabi." masungit na sabi niya.
"At bakit ko gagawin yon? Pinaghirapan ko sagutan yan tapos ipapaulit mo?!"
"Hindi naman ikaw ang nagsagot nito."
"Fyi lang po, Mr. Tutor." Inempasize ko talaga yung word na tutor. "Nakakahiya naman kasi sayo eh. Imagine, paano ko masasagutan yang problems na yan kung di mo ko tuturuan?" sabi ko sabay irap.
"Then I'll teach you." he said. Tumayo siya at lumipat sa tabi ko.
"No need. Gets ko na. Ibang topic nalang ituro mo." sabi ko.
Nagulat ako ng pabagsak niyang sinara ung libro dahil nasa library kami, nakakuha ng atensyon yon at nagtinginan samin ang ibang estudyante.
Tumayo siya saka lumabas ng library and he left me dumbfounded.
Leshe, anong problema niya?!
KINABUKASAN..
Maaga akong pumasok dahil bilang Student Council Vice President ay ako ang inassign ng magaling na President na gumawa ng listahan ng mga clubs dahil sa friday na ang club day.
Nung magawa ko yun ay pinaskil ko sa Bulletin Board na magpa-register sila sa Student Council Room.
Nung matapos ang klase agad din akong dumiretso sa Student Council Room. Naabutan ko doon si Clyde na tutok na tutok sa kanyang laptop. He's wearing eyeglasses kaya mukhang mabait ang mukha niya.
"What?" masungit na tanong niya nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Okay, di siya mukhang mabait. Binabawi ko na. Umirap nalang ako at dumiretso sa table ko. Inayos ko lang ang mga papers para sa mga sasali ng clubs.
Tahimik ang paligid, puro papel at ang keyboard ng laptop ni Clyde ang maririnig sa sobrang tahimik.
Ilang minuto pa ay natapos na ako sa wakas! Gutom na ako.
"I'm done. Aalis na ako." sabi ko sabay tayo.
Tumingin siya sa akin at sinara ang laptop niya.
"Sabay na tayo." sabay lakad palabas.
Medyo natulala ako. Mabait ata siya? Weh?!
"Hoy! Tatayo ka lang ba dyan?!" sigaw niya sa akin. Joke, never talaga siyang magiging mabait.
BINABASA MO ANG
[Editing] I'm Inlove with my Math Tutor
RomanceHalle Jhanzylle Perez, a girl who really hates Math. Will she loves Math soon or she will love her tutor?