Unang bahagi

6 1 0
                                    

Sa mga oras na nagdaan, mga minutong nasayang lang. Wala siyang ibang nagawa kundi tumingala sa itaas upang masilayan ang buwan, bigla nalang nasagi sa kanyang isipan, ang mga alaalang kasama ang kanyang minamahal na kaibigan. Bigla siyang naluha, hindi mahina, kundi parang tubig na umaagos ng tuloy tuloy sa kanyang pisnging namumula na. Ang mga alaalang iyon ay tumatak sa kanya, hindi lang sa isipan, pati na rin sa puso niya. Hindi niya mapigilan ang kanyang damdamin at siya'y humagulhol na,bigla niyang tinanong ang kanyang sarili, "Maibabalik ko pa ba?"

Nais niyang ibahagi sa inyo ang kanyang kwento, upang mas maintindihan niyo ang hinagpis ng kanyang puso, kung maaari sana'y unawain niyo, sapagkat hindi madali ang magkwento sa mga taong hindi iniintindi ang buong kwento.

Simula: Ang pagsasama naming dalawa

(6:00 am friday)

"Danie!"

Ito ang tinig na aking narinig papuntang eskwela, tinig ng isang lalakeng kilalang kilala ko na dahil palagi niya akong tinatawag ng kanyang sariling pangalan para sakin,

"Po?"
Sagot ko sa lalake na aking naging kaibigan nung ako'y malungkot at walang kasama tuwing tanghalian at free time.

"Sabay na tayo papuntang school"

Iwinika niya iyon sakin ng puno ng saya, hindi ko masasabing panget siya, sapagkat ang ngiti niya ay nakakahumaling at masaya siyang kasama

"Palagi naman tayong sabay Sil. Yet your still asking"

Sinabi ko ito sa tinig na nahihiya, dahil hindi ko maitatangi na nag eenjoy ako pag kasama ko siya, trying hard naman kasi si Sil para makuha ang loob ko bilang kanyang "official friend" kumbaga.

"Weird naman kasi pag susunod lang ako, atleast we can start a conversation diba"

"Oo na"

Bigla kong sagot sakanya dahil tama naman ang kanyang winika.

----×××(@ school 6:30 am)×××----

"Hatid na kita sa room mo Danie"

Aba naman itong si Sil, ang sipag sa pagsusuyo, ngunit pasensya na sa isasagot ko,

"Sige ba, ikaw naman ang mapapagod eh."

Sarcastic man ito para sa inyo, hindi ko lang kasi mapigilang ngumiti kaya kailangan ko na magseryoso at umaktong naiinis.

"Ako nga ahaha! Ako na dadala sa bag mo"

"Wag na Sil. I could carry my bag with my own shoulders and not yours"

Umi-english na ako dahil sa kasweetan ng lalaking to, pagkakaibigan ba talaga ang hanap ng isang to sakin o ang puso ko?

"Kay"

Ang simpleng sagot niya na nagpatahimik sa paglalakad namin papuntang kwarto.

(*papasok ng room*)

"Uhh, Danie?"

"Hmm?"

Nilingon ko siya dahil tinawag niya ang pangalan ko, ngumiti siya at sinabi sakin na magkita daw kami sa usual tambayan namin after class, hindi niya binanggit sakin kung bakit, pero kung masaya siya, wala na akong ibang magagawa kundi sundan ang trip niya.

*( I walked inside the room SILENTLY and take a seat near the teachers table. I am the only person in the table though)*

"Danielle!"

*(I ignored Marjo's presence at the back, she always call me and embarrass me to everyone how weak I am not to defend my boyfriend from choosing her)*

SalamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon