Chapter 1: The Letter

37 1 0
                                    

AN: Hello! This is my very first story kaya please support it! :))) Sana magustuhan nyo patikim pa lang yan ahaha XD

Sa isang malayong lugar, may isang matandang babae na nagbabasa ng libro habang nanonood ng telebisyon ang kaniyang apo. Napukaw ang atensyon ng matanda nung biglang may narinig silang balita sa telebisyon,

“Mga nagbabagang balita, kasalukuyang nagsusulat ng kwento ang isang sikat na personalidad na si Claudia Medicci tungkol sa isang prinsipe at sa isang pangkaraniwang tao. Nagkaroon siya ng inspirasyon nung mabasa niya ang sulat ng nasirang prinsipe na si Shinichi Van Weller para sa kanyang asawa. Napag-alaman namin na ang prinsipe ay ka apo-apuhan pa ni William the Conqueror at siya rin ang nagmamay-ari ng mamahaling singsing na hindi pa nahahanap sa ngayon..." 

Nagulat ang matandang babae sa kanyang mga narinig at nang kanyang makita ang mga pinalabas na mga larawan ng mga painting, litrato at iba't-ibang mga kagamitan ng prinsipe lalong-lalo na ang sulat nito sa kaniyang asawa. Hindi  makapaniwala ang matanda sa kanyang mga nakikita sa telebisyon.

"................Ako si Rupert Jean Claude nag-uulat."

"Dalhin mo ako sa lugar na iyon," ang sabi ng matanda sa kanyang apo.

"Pero lola hindi mo pa kaya atsaka ang lamig-lamig sa labas baka mapano ka pa," ang sabi naman ng apo.

"Sige na apo, pagbigyan mo na'ko gusto kong makausap si Claudia Medicci." sagot ng matanda.

Wala namang nagawa ang apo kundi sundin ang kahilingan ng kanyang lola. Nung nandoon na sila sa London, pumunta ang mag lola sa isang Rose Chateau malapit sa isang coffe shop upang kitain si Claudia.

What will happen next? Bakit ba sila pumunta sa Rose Chateau? Meron bang ibig sabihin yun? Ano kaya ang hahantungan ng pag-uusap ng matanda at ni Claudia?

AN: Well those questions will be answered, if you read the next chapters... So I will just leave guys with a cliffhanger. kailangan niyong mabitin eh.. I know, I know this one is so short but don't worry I’ll try my best to make the next one longer okay. Now all you have to do is review this chapter. Yey! First chapter is done can't wait to write the next one :)

All I Ask of You: The Prince and the CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon