Chapter 2: The Meeting

27 0 0
                                    

AN: For now, continuation parin ito ng intro story hahah. Hahabaan ko ngayon hahaha.. Please keep supporting my story. :)

Pumunta ang mag lola sa isang Rose Chateau na kung saan sila ay nanatili pansamantala habang naghihintay. Doon sa lugar na iyon ay punong-puno ng iba’t-ibang uri ng mga halaman at bulaklak na nagbibigay ng maganda at calm na atmosphere sa buong paligid. Mayrong isang table para sa mga gustong mag tsaa doon kaya doon upo ang matanda habang masayang pinagmamasadan ang kagandahanan ng paligid at ng kaniyang apo na masayang naglilibot-libot sa lugar na iyon.

Kaya pala dito mo napiling pumunta kasi ang ganda naman pala dito,” masayang pagkasabi ng apo sa kanyang lola.

Mabuti’t nagustuhan mo. Vada halika samahan mo ako dito,” ang sabi ng matanda sa kanyang apo.

Nginitian ni Vada ang kaniyang lola at mayron siyang nakitang isang bulaklak at ito’y kaniyang kinuha. Pagkakuha niya sa bulaklak ay dali-dali siyang pumunta sa kaniyang lola.

Bulaklak para sa pinakamamahal kong lola. Alam kong paborito mo ‘tong bulaklak na ito kaya pinitas ko," masayang pagkasabi ni Vada.

Natuwa naman ang matanda sa bulaklak na ibinigay sa kanya ng kanyang apo. Hindi rin nagatagal ay dumating na din si Claudia Medicci.

Goodafternoon po, ipagpaumanhin nyo po kung natagalan ako sa pagpunta na traffic po kasi ako eh, ang sabi ni Claudia

 “Okay lang yun,” nakangiting pagsabi ng matanda.

At tinanong na ni Claudia ang matanda kung ano ba ang nalalaman niya sa buhay ng nasirang prinsipe”.

Maraming-marami. Sariwang–sariwa pa sa aking mga alaala...,”pasimulang nagkwento na ang matanda.

.............................................................................................. 

"Bisperas ng Pasko noon, lahat ng tao ay nagmamadali sa kani-kanilang mga tahanan," pagsasadula ng matanda.

Sa Inglatera, may isang napakagandang dilag na naglalakad sa kalagitnaan ng malakas na buhos ng nyebe.  Ang babaeng ito ay nagngangalang, Gautier Eri Alezandra Cromwell Devereaux na nabibiling sa isang maykayang pamilya at blonde na mga tao. Napakalalim ng kanyang iniisip sa mga oras na iyon na parang naglalakad siya sa kawalan.

(Eri's POV)

Hi! Ako nga pala si Gautier Eri Alezandra Cromwell Devereaux. Ang haba noh. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang ipinangalan sakin; sobrang haba hindi na nga magkasya kapag sinusulat ko ang pangalan ko sa test paper. Shahah!!! Si Author kasi ang may kasalanan inartehan pa yung pangalan ko hahaha XD Pero Eri na lang ang itawag niyo sakin mas gusto ko 'yon. :)

(Author's POV: Ako pa ang sinisi. aba'y lokong to ah' gusto mo wala ng pangalan XD ahaha makikisali ako ah' loko kasi eh.)

Ayy! ay! Author wala namang ganyanan. Ang ganda ganda nga ng pangalan ko sosyal! XD

(Author's POV: Buti alam mo. -__-)

Nagalit ata si Author hahaha. Nasabi na nga pala ni author na nanggaling ako sa maykayang pamilya. Oo na, simple lang ang pamumuhay namin 'di naman kami mayaman eh. Ang nanay ko ay Japanese at ang tatay ko naman ay English kaya nga half-Japanese, half-English ako eh pero sabi nila haafu daw ako.

Alam niyo ba..

(Author's POV: Anong hindi namin alam XD)

Che! alam niyo ba na..

(Author's POV: Paulit-ulet?! unli! unli! ahahah)

Hayy! tumahimik ka na nga author. Alam niyo bang maganda ako! Chos! ahahaha pero totoo maganda ako! Nga pala, mayron akong mahabang blonde na buhok at amber ang kulay ng mga mata ko. 5'5" lang ako at ang weight ko? Uhmmm... Ah.. Eh..Hindi ko alam ^_^ basta ang alam ko sexy ako hahaha.

(Author's POV: Ang tagal mo mag intro, back to the story na!)

O sige na nga! eto, sobrang lalim ng iniisip ko.. Bakit? Kasi naman naiwan lang akong mag-isa sa bahay kaya heto ako ngayon naglalakad sa malamig na daanan ng siyudad ng Chichester sa West Sussex.

Nag-iisa... -__-

Walang kasama.. (syempre, nag-iisa nga eh)

Madilim..

Nilalamig.. (Brrr... It's so cold in here.. i'm gonna die ahhaah)

Hindi alam kung saan tutungo.. (Ang lalim non ah' nosebleed ahahah)

Nang biglang may naaninag ako sa 'di kalayuan. May isang lalaki..

(Author's POV: Ayy Hindi. Hindi. Babae. Babae.)

Author, wag ka ngang epal eto na 'yun oh nakakasira ka ng momentum >__<

(Author's POV: Sorry naman.. Tatahimik na.)

Good! ;D Ayun nga, may isang lalaki... May isang lalaki akong natanaw na parang papalapit sa'kin. Hindi ko alam.. Hindi masyadong malinaw ang paningin ko sa mga panahong ito.. Lutang nga eh.

Hindi ko makita ang mukha niya naka cap eh.. Atsaka asul ata yung buhok niya..-__-

Pero bakit parang may 4 na taong hinahabol siya? Nakunakunaku masamang loob ata itong lalaking ito.. Kailangan ko ng makaalis..

(End of Eri's POV)

Walang kamalay-malay si Eri nang biglang my humawak sa kamay niya at hinila siya sa isang madilim na eskinita na kung saan ay niyakap siya sa likuran nung lalaking asul ang buhok....

To be Continued...

Bakit siya dinala sa madilim na eskinita na iyon?

Ano namang gagawin nila doon? (Ahahaha kalurkey naman ang tanong na 'to.)

Sino ba ang lalaking asul ang buhok?

Bakit siya naka cap? (Ahahaha!!! Ano daw?!)

Bakit siya hinahabol ng mga apat na malalaking lalaki?

Anong magiging papel niya sa buhay ng ating bida?

Magiging kaibigan ba siya o kaaway?

At Bakit ako tanong ng tanong? (Parang timag lang ahahah selfhard.. XP)

AN: Abangan sa mga sagot sa susunod na kabanata. Wew! yehey! Chapter 2 is done more chapters to go. Oyy! hinabaan ko na ito ah' para sa inyo hahaha sige. Sana nagustuhan niyo ang chapter na 'to. Please review. :)

All I Ask of You: The Prince and the CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon