Una

0 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon pauwing Bicol, tapos na ang summer break namin na parang ilang araw lang para samin.

Hayy, pasukan nanaman. Mga mukha nanaman ng mga baliw kong kaklase ang makikita ko. Nakakasawa na.

Pero excited na akong makita ang mukhang napaka gwapo ng isang prinsipeng nagngangalang Ralff  Jazzer Havier.
Charot lang.

Natulog muna ako dahil mahaba-haba pa ang biyahe namin.

❄❄❄❄❄❄❄❄❄

"Ky? Gising na andito na tayo. Baka gusto mong lumipad pabalik ng manila kung di ka pa tatayo jan?"

Napadilat ako pagkarinig ko ng sinabi ni mommy. Ang sarap na sana ng tulog ko eh. Yun na sana eh. Malapit na sana sa kama. Malapit na sana ako sa kama sa sobrang antok ko pati sa panaginip hinahabol ako ng antok.

Sinundo kami ng tito ko at dumaan muna sa fast food para mag take out ng pagkain. Alas dose na kasi at nag wawala na ang anaconda sa tiyan ko.

Si mommy at yung dalawa kong kapatid ang kasama ko pauwi, hinatid na namin si daddy dahil sasakay na siya ng barko. 

Dumiretso na kami sa bahay pakatapos ni tito bumili.

Bukas naaa. May pasok naaa. Kinakabahan ako kasi pano kung di ko siya kaklase? Pero pano kung kaklase ko siya tapos araw-araw niya makikita ang kapalpakan ko!

Ohmygosh baka maturn off siya. Joke lang nakalimutan ko, maganda pala ako.

Hay nako erase muna. Erase erase. Wag ko muna yan iisipin aayusin ko muna tong mga gagamitin ko bukas.

Grade 11 na pala ako at 17 years old na akong nabubuhay sa mundong ito at still, maganda pa din. Wag na umangal. Totoo naman.

Nakatulog ako ng maaga dahil maaga din kami nag dinner at dahil na rin sa pagod.

❄❄❄❄❄❄

Maaga akong nagising at ako na nagluto ng breakfast namin. Di ko na ginising si yaya kasi tinamad na ko at sinisipagan ako today. Minsan lang to.

Nag ayos na ko at bumaba na, pagbaba ko andun na sila mommy pati si baby kishy, bunso kong kapatid.

"Ky ikaw na pala nag luto, Hindi mo ginising si yaya ikaw talaga. " sabi ni mommy habang nilalagyan ng pagkain si kishy.

"Okay lang po my haha minsan lang naman ako magising ng maaga. Pero ngayon araw-araw na po hihi."

Inayos ko muna ang uniform ko dahil medyo nagusot pagbaba ko kakamadali.

"Sus. Hindi ako naniniwala." 

"Ay bakla! Ano ba kaez! Wag ka ngang manggulat. Nagugulat beauty ko sayo. Che."

Tinawanan niya lang ako at nag kiss kay mommy at kishy.
Kumakain palang sila. Gusto ko na mauna kasi gusto ko na talaga siya makita.

"Ano, mommy una na po ako ha? Hinihintay po kasi ako nila pat"

"Ang aga naman yata nila. Good luck sa first day ky, uwi kaagad ah wag na mag lakwatsa."

"Opo hahaha bye po, bye baby kishy. Oy kaez bilisan mo na ang bagal mo pa naman kumain." Tinanguan lang ako ni kaez at mas binagalan pagnguya niya yung parang slow mo. Baliw.

"Bye ateee"  hahaha ang cute ni baby punong puno pa ng kanin yung bibig niya haha.

Nag wave na ko sakanya saka lumabas na ng bahay.
Maglalakad lang ako kasi di pa tapos si kaez wala maghahatid sakin. Medyo malapit rin lang naman. Medyo.
Exercise nalang to kymme kaya mo yan.

Chances you MissedWhere stories live. Discover now