Natapos ang first class namin ng puro pakilala lang. Hindi ko kaklase si ralff. Nakakaiyak. Joke. Pero okay lang kaklase ko naman si patty, trish, at tanya. Mga bestiez forevs kami. Ahihi.
Naglalakad ako ngayon papuntang canteen at gutom na gutom na ko. Pinauna ko na sila patty kanina dito kasi nag cr pa ko.
Hinahanap ko sila patty pero andami kasing tao. Bibili na nga muna ako at baka himatayin ako dito.
Bumili ako ng dalawang large fries with mayo (kasi fave ko talaga yun buti meron dito sa canteen) and chicken burger tapos chocolate shake.
Umupo nalang ako sa bakanteng table ng may naramdaman akong umupo sa harap ko kaya napatingin ako.
"Ang takaw mo pala kumain. Kaya pala."
Nakatitig lang ako sakanya. As in titig. Nakakahiya. Nasa bibig ko pa yung sandamakmak na fries na sabay sabay kong sinubo. Linunok ko muna ung nasa bibig ko at uminom ako ng shake. Tumawa naman siya kaya napatawa din ako.
Totoo ba to? Seryoso? Ha? Ha?
"Ah ano, Hi ralff. Haha sorry kung ang baboy kong kumain. Pero kanina ano yung sinasabi mo? Di kita agad nasagot eh."
Palihim kong kinurot ang braso ko kung nananaginip ba ko o hindi. Umupo siya sa harap ko. Kinausap niya ko. Ko. As in ako. Tumawa siya dahil sakin. Omfg.
"Wala. Wag mo na pansinin. Joke lang yun."
Tumawa lang siya at kumuha ng fries ko at kinain.Fries ko. Kung iba yun nasapak ko na. Pero mahal ko naman siya kaya susubuan ko nalang siya. Char.
"Ah okay. Umm ralff pwede mag tanong?"
Nag shrug lang siya kaya napalunok ako. Ano ba yan kymme. Magtatanong ka lang naman.
"May girlfriend ka na?"
Napatigil naman siya sa pagkuha ng fries ko at napatingin sakin. Kinakabahan ako pero nakatingin lang din ako sakanya.
Nagulat ako ng kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Shet. Feeling ko namumula ako jusko ralff!
Napayuko ako ng konti kasi nahiya ako.Tiningnan ko reaction niya pero poker face lang siya. Hayst. Ang gwapo niya pa din.
"Sorry ang kalat ko haha" awkward akong tumawa kasi alam ko nahalata niya na namula ako. Pero yung tanong ko?
Magtatanong ulit sana ako ng magsalita siya
"Girlfriend? Haha wala pa. Pero siguro malapit na."
Naka ngiti na siya nun nung tumingin siya sakin.Malapit na? Sino yung Babae? Hala baka ako?
Wag kang feeler kymme. Hindi ikaw yun.
Aray naman. Ang sakit. Iniisip ko palang na magkaka girlfriend siya gusto ko na umiyak.Four years ko na siyang mahal.
Four years na din akong umaasa.
Pano kung hindi ako?"Ah, haha so who's the lucky girl?"
Pinipilit kong ngumiti kahit alam kong masakit.
Nagtanong ka pa kasi kymme eh. Tanga mo rin."Basta. Ipapakilala ko nalang sainyo pag kami na."
"Aw I'm sure maganda at mabait siya para magustuhan mo siya. "
"Syempre, mahal ko yun na babaeng yun kahit ang laki ng topak and I will do everything for her."
Sht. Nagsisimula ng lumuha mata ko. Anak ng. Hindi niya pwedeng makita to baka malaman niyang may gusto ako sakanya.
Pinunasan ko yung luha ko at nakita niya iyon kaya napatingin siya sakin.
"Ano nangyari? Okay ka lang? May nasabi ba kong masama?"
YOU ARE READING
Chances you Missed
RomansaDays, weeks, months, years. Until when will I wait? Until when will I feel that I'm your second option? Your least priority. I can't wait for that day to come that you will hold my hand and whisper the three words that I've been wanting to hear fro...