The ordinary college life begins. Sa dami namin sa isang grupo mahirap naman nga talaga na ganun ka rami ang close friends at syempre nagbabago pa ang environment as you get along with other new students. Isa na dun si Tommy. Looks like, hindi kami yung type of people na ka vibes niya sa mga bagay bagay. Fuccboi pala si kuya mo. 😑 So ayun. Sa ibang tropa na siya sumasama. Pero nakaka kwentuhan ko pa rin siya. Meron siyang isang close friend na kaklase namin na talagang pinagseselosan ko, si bangs. Bihira siya pumasok pero sobrang close na agad sila ni tommy. Minsan magkaakbayan pa sila pag pumapasok. Sa tuwing nakikita ko sila magkasama, parang tinutusok yung puso ko. Ang sakit. Ewan ko ba.
------
Nakatambay lang kami ng friends ko sa room habang nagaantay sa susunod na klase. Wala ako sa mood. Parang feeling ko pasan ko ang kalungkutan ng buong mundo. So ayun, pampa wala ng lumbay nagjam nalang kami. Sing along sa tugtog. Suddenly, I felt tears falling on my eyes. Oh diba nagdrama ang ate mo. Ewan ko ba sa puso ko. Naloka na. Ang bilis ma fall.Pinagtatawanan lang naman ako ng mga kaibigan ko dahil ang bilis ko daw maapektuhan. Hindi naman daw sila mag syota para iyakan ko na wala ng bukas. Bobo mo gurl.
BINABASA MO ANG
Made for him...her. What?!
RomanceIsa akong babaeng maraming lalaki sa buhay. Maraming napupusuan at minimithing mapasakanya ang puso ko ngunit ako laging sawi. Hanggang sa aking pag tungtong sa kolehiyo nakilala ko ang taong nagpatibok ng puso ko. Pero bakit may gumugulo?! papaano...