10 peso coin

43 3 1
                                    

10 peso coin

So heto nga, friends na daw kami nitong…. Ano nga ulit name nito??? We….??? Weng-weng???? Eh???????? parang tunog lang sa ambulansya yun ehhh….at saka di ba pambabae yun???bakla ba to???? Hahahah….Ting! Ayyyuuuun! Naalala ko na! Weine!

At eto na nga ako, may katabing palaka. Hahaha. . . de joke si Weine ang katabi ko. . . dumada kasi ng dumada parang palaka.. nadaig pa nga ata ang palaka sa ingay… kesyo nahulog daw sya sa canal nung bata pa sya, nakipagsuntukan nung kinder dahil tinatawag daw syang Weng-weng eh pan-girl aman daw un, at higit sa lahat hindi daw sya kumakain ng taho!! At alam niyo kung bakit??? Parang suka daw ng palaka tapos yung mga bilog bilog naman daw ay mga itlog ng palaka!!! Hahahaha!!!!!!!! Ay may tama na talaga to!!!!!!! Isipin ba naman na ang taho ay galing sa palaka!!! Hahaha!!! Sabagay palaka siya,,, andaldal kasi…

Gustong gusto ko na tumawa kaso baka isipin naman nya interested ako sa mga pinagsasabi nya kaya Habang nagkwekwento sya ako naman ay nagbabasa ng story about sa aking lovidubz na si Natsume kaso hindi ako makapagconcentrate dahil nya….

“Hoy hindi ka naman nakikinig ehh.. kanina pa ko kumwento ng kumwento dito… di ka naman ata nakikinig sa akin”sabi niya na parang nagtatampo

“sinabi ko ba na magkuwento ka??? Hindi naman,, so hindi ko yun kasalanan” sabi ko sa kanya then balik sa binabasa ko kahit hindi ko na masyado maintindihan.

“suplada” bulong niya kaso pakinig ko naman… 

“hoy anong sabi mo?! Loko ka ahhh!!”sabi ko naman

“ang sabi ko po ancutecute mo” sabay kurot sa magkabila kong pisngi 

“hoy bitawan mo nga pisngi ko!”sabay tanggal sa kanyang kamay at ang loko aba! Nakangiti!!tatawa tawa. Bahala ka nga sa buhay mo.

Makapagbasa na nga lang ulit. What the! Hindi pa ako nakakatapos ng 1 sentence, kinuha na niya yung cp ko, eh sa cp ako nagbabasa. Leshe naman oh! 

“bastos ka ahhh! Bakit nangunguha ka ng hindi sayo? Psh. Ibalik mo nga sakin yan”irita kong sigaw. At ang loko nakangiti pa. Pinagloloko ba talaga ako nito?!

“Nagbabasa ka nito? Hahahaha. .  ang sigang si Ja-yeen ay nagbabasa ng LOVE story. Hahahaha :-D XD” ay leshe! Lokong ito!pagsigawan ba naman? And take note binigyan pa niya ng diin ang love! Psh!

“Eh anu naman sayo huh?! Nuh bang paki mo if nagbabasa ako nun o hindi?!” Inis na talaga ako! Agawin na nya lahat sakin wag lang ang cp ko. Andun ang aking my loves. Eto naman ako, pilit kinukuha yung cp ko. Hindi naman sya gaanong katangkaran eh. kaparehas ko lang naman halos, mga 5’7” sya siguro. OK matangkad na rin, as a high school. Tapos bigla na lang syang tumakbo at ako naman hinahabol sya.

“ayieeeeeee!!!!” Sigawan ng mga kaklase ko. Shemay!! Aish! Nakakaasar! Bumalik na ako sa upuan ko. Bahala sya sa buhay niya. Pihadong ibabalik niya rin naman yun mamaya. Umupo na ko ng nakacrossed arms pa at nakakunot ang noo. Tiningnan ko ng masama ang loko. At aba! Ngingiti-ngiti pa habang kinakalikot ang cp ko. Wala naman sya dung makikita. Inirapan ko na lang sya. Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumabi sakin. Alam kong sya yun, dahil sya lang ang may lakas ng loob na lapitan ako at yung pito ko pang makukulit na kaklase na kaibigan ko ata???ahhh…basta sila lang yung lumalapit sakin at kinakausap ako kahit ganto ako sa kanila.

Oh ayan magsisimula na yang mangulit.

“UUUUUIIIIIIIIIIIIII!!!! Tampururot na yan!!” sabay sundot pa sa tagiliran ko with matching mapang-asar na ngiti.

Hello my STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon