Woke up again crying to a dream i can't remember. Lagi na lang ganito, one week straight na kong ganito.Minsan okay yung mood, minsan naman parang ang saya saya ko pag kagising. Hindi ko na alam, bahala na.
Tumayo na ko sa pagkakahiga, around 9 am na, by 12 kaylangan nasa hospital na ko. Bumaba na ko para tignan kung naka hain na si mama.
Tahimik na naman ang baba, nakahain na yung breakfast pero wala si mama. Naka kulong na naman siguro sa kwarto niya. Naghilamos ako at nagmumog para makakain. Umupo ako kung saan nakaharap yung main door. Pinagmasdan ko ang paligid. Sobrang tahimik, tahol ng aso at mga nagtatakbuhang bata sa labas lang ang tanging naririnig ko.
"Wala na naman si mama, ang tahimik na naman ng bahay" buntong hininga ko. Biglang bumukas ang pintuan.
"Lola!" napatayo ako sa kina uupuan ko. Lumapit ako kay lola upang magmano.
"Tulala ka na naman alex. Bakit ikaw lang mag-isa dito? Asan mama mo?" pag puna niya habang inaabot sakin ang mga supot sa mga kamay niya.
"Baka po nasa kwarto niya" sagot ko.
"Talaga naman yang mama mo. Sige na, kumain ka na dun, ako na bahala sa mama mo"
"Ano po palang ginagawa mo dito lola, biglaan naman po ata yung dating mo hindi tuloy kita na paghandaan" bumalik ako sa kinuupuan ko kasundo si lola.
"I just want to surprise you. Namimiss ko na kayo, lalo ka na. Heto nga't bumili na ko ng mga putahe nang makapagluto sa tanghalian" ngiti niya sakin.
"Naku lola, namiss ko din po yung mga luto niyo kaso baka mamayang gabi ko na po matikman yan"
"Bakit? pupunta ka ba sa ospital?"tanong niya sakin na halatang na lungkot sa sinabi ko.
"Opo, wala po kaseng secretary si papa ngayon, kaya ako muna po for the meantime" sagot ko. "sige po lola, maliligo na ko. Baka po malate ako" tumayo ako sa kina uupuan ko sabay halik sa kanya. Umakyat na ko sa kwarto ko para mag ayos.
Around 10 na nung bumaba ako sa kwarto. Nakita ko si lolang abala sa pag aayos sa kusina at si mamang naka upo na sa hapag. Napahinto ako sa hagdan, nagdadalawang isip ako kung babatiin ko si mama o hindi.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi "Good morning ma, alis na po ako" sabay talikod, hindi ko na lang tinignan reaction niya. "Lola, alis na po ako"
"Hindi ka ba kakain dito? luto na oh" habol na tawag ni lola sakin.
"Hindi na po, baka ma traffic po ako. Salamat" pagmamadali ko.
"Ingat lex" napahinto ako sa pintuan. Hindi ko alam kung anong tong nararamdaman ko ng marinig yun. Para bang sabik na sabik ako sa tunog na yun. For the first time, sinabihan niya kong mag-ingat. Dumiretsyo na lang ako palabas ng pinto.
Naglakad na ko papunta sa sakayan ng bus. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig ko. Ang weird ng nararamdaman ko. First kase to, lalo na't kay mama pa galing. Never niya kase akong sinabihan ng ganun.
Throughout the trip, yun lang nasa isip ko. Na malayan ko na lang na nasa hospital na ko. Masyado ata akong natuwa ngayong araw, napaka laking achievement to para samin ni mama.
It was written on the walls, St. Benedict medical hospital. Isa sa pinaka malaking hospital dito sa city. Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok, clouded pa rin ang utak sa nangyari kanina.
"Sana ganun ulit si mama bukas" bulong ko habang papasok sa elevator. Saktong nandun si Doctor Lopez.
"Alex! kamusta" bati niya sakin. Naka suot siya ng lab gown, blue polo and pants na denim. Kasing edad niya lang si papa mga around 40's pero kung titignsn mga nasa early 30's lang siya. Masyado kaseng nagpapaka bagets kaya siguro ganun. Cool nga siya tignan compare kay papa kaya siguro nag co-compliment sila. Masyado kaseng vintage kung magdamit si papa.
"Okay lang po ninong, este Doc" biro ko sa kanya.
"Naku, ikaw talaga. 15th floor?" ngiti niya sakin, habang pinindot niya yung floor niya which is 12th.
"Opo, Psychiatric ward ka po ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Masyado kase akong curious kung anong meron dun.
"Ah, yes." tipid na sagot niya sakin. halatang ayaw mag bigay ng information tungkol dun. Hindi na ko nagtanong pa kaya medyo tumahimik.
"Kamusta na pala si Mama mo, is she doing fine?" habol niya. nakaramdam ata si ninong ng awkwardness.
"Okay naman po siya kaso hindi pa rin po nagbabago, lagi pa rin po siya sa kwarto niya. Bihira kung lumabas" sagot ko.
"Iniinom niya ba yung mga prescription ko sa kanya?"
"I always make sure naman po na na iinom niya"
"Good to hear, make sure na always niyang iniintake yung gamot ha. Para hindi na maulit yung last time" paalala niya sakin.
Si ninong kase yung doctor niya. May mental issue kase si mama, kahit hindi nila sabihin alam kong ako yung reason.
Bumukas na yung elevator door sa 12th floor kaya humarap na sakin si ninong at nag bid farewell.
"Lex,i'll go. Tell your dad i said hi" sabay labas sa elevator.
I waited til my floor and walk to dads office. Pagbukas ko ng pinto may kausap si papa sa phone, mukhang seryoso kaya dahan dahan akong pumunta sa desk. Nilapag ko mga gamit ko then nag antay na ibaba niya yung phone.
"so, how was your day pa? Nasa bahay nga pala si lola" i said.
"7 hours straight yung operation kagabi kaya medyo inaantok ako. kaylangan ko pang umattend ng meeting mamaya then, may operation pa later on." sagot niya sakin na halatang pagod na. "yes, i know she messaged me last night. Mas mabuti na siguro na nandun siya"
"wow pa. I salute you!" pabiro ko sabi. "siguro nga po"
"So how was your mom?"
"well pa, ganun pa din siya pero pa sinabihan niya kong mag ingat! i didn't expect it." may halong tuwa sa boses ko. "do you think nag wowork talaga yung medications niya?" i add.
"Really?" may halong pag ka bigla niyang sabi. "Maybe, but i dont think that the medicines are the reason." umupo siya sa table niya habang tinitignan yung mga medical records.
"Why? don't you think she's getting better?"
"getting better is not the term, maybe she finally came to her senses" he explained. "don't worry i'll check on her after all the stuff im settling with"
"When was that?" i asked.
"I dont know, hindi kase matapos tapos to." "I was planning to have a vacation before your school starts, para naman makapag bonding tayong tatlo." he said.
"saan naman?"
"well i was wondering, we can go out of town. pwede tayong magbeach"
"that's very impossible pa. 3 weeks na lang, back to school na. And as i can see here in your planner. youre still occupied until the next 2 weeks." i explained while checking his schedules.
"really? God." he murmured. He went back to his works and i received a phone call for him that the meeting is about to start. He left the office and i started my shift.
BINABASA MO ANG
PSYCHE
Non-FictionThis is a story of how two person finds comfort in each others issues. making everyday a reason to live. Giving life a chance and a second chance. Will they let themselves drown? or will they keep on floating. This is not only about a Love Story. Th...