The Day You Said Yes

105 3 5
                                    


Sino man sa atin ay nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig. Naging tanga at nakalimot ng dahil sa pagsunod sa nararamdaman. Kahit nasasaktan na hala sige pa rin kahit alam mong masasaktan ka lang ng paulit-ulit. Gaya ko na dumaan sa maraming beses na paghihirap para lang sa babaeng pinili kong mahalin. Binigay ko sa kanya ang akala ko ay dapat na para sa kanya. Ang buong akala ko ay siya na talaga ang para sa akin. Pero yun pala ginamit lang niya ako at ang nararamdaman ko. Para sa kanyang pansariling interest. Nagtataka ka ba kung sino ako? Ahaha ako nga pala ang inyong lingkod. Si Ruro ang makulit at ang happy go lucky ng tropa. Pero sa likod ng pagiging jolly at kakulitan ko. Meron din naman akong madilim na nakaraan. At napaglabanan dahil rin sa isang tao na muntik ding mawala sa buhay ko.

---

Chapter One

Andito kami ngayon sa park. Kasama ko ang girlfriend kong si Reza. Oo naging mag-on kami ng cute na cute na chinitang 'to. Makulit din kasi siya at kahit takot akong magmahal ulit. Ibinalik niya sa akin ang tiwalang muling umibig sa katauhan niya. Balik tayo sa sinasabi ko. Nasa park kami sa di kalayuan at pinapanood ang proposal ng bestfriend kong si Marlo para kay Iya. Sino pa nga ba? Sa apat na taong pagtatago niya lumantad din siya. Sa totoo lang, ako lang talaga ang nakakaalam kung nasaan siya nong mga panahon na bigla siyang naglaho na parang bula. Kaya nga sinabi ko sa pinsan kong si Iya na tapos na ang paghihintay nito. Oh di ba ayos din nagkita na sila ulit. Di rin biro ang paghihintay nila para sa pag-iibigan nilang wagas. Sana nga matuloy na yung happy ending nila. Di nagtagal ay lumapit na kami sa kanilang dalawa.

Agad na niyakap ni Iya si Reza. Saka niya pinakita ang dalawang sing-sing sa kanyang daliri. "Congrats bessy matutuloy na din yung pangarap mong makasama si Marlo." nakangiting sabi ni Reza. Ngumiti ng ubod tamis si Iya sa girlfriend ko at yumakap ulit ng mahigpit. Tinapik-tapik ko siya sa kanyang balikat at saka ngumiti kay Marlo. "Congrats pare sa inyong dalawa. Sana makabuo agad kayo, hahaha." ang tanging nasabi ko. Napatawa si Marlo sa sinabi ko habang si Iya ay namumula ang mga pisngi. Ayun ganun pa rin ang pinsan ko. Napaka mahiyain pa rin. Kinurot naman ako ni Reza at napa aray. Nagpaalam sila sa amin at ang sabi ay susulitin nila ang araw na 'to. Oo nga naman di ba. Dapat lang na mag-date sila. Hinatid na lang namin sila ng tanaw ni Reza. Nang wala na sila sa aming paningin ay nagyaya na rin si Reza sa akin.

"Ru, tara na." habang naka kapit siya sa bisig ko.

"Saan naman tayo? Bubuo na ba tayo ng little Ruro At little Reza?" naka-angat ang isang kilay ko habang naka titig sa kanya. Kunwari ay seryoso ako ng sabihin ko yun.

"Hahaha kapal mo. Hindi pa ako handa para diyan no. Tara ng umuwi." nakatawang sabi ni Reza.

Natawa na lang ulit ako. Hindi ko naman talaga siya pinipilit pag ganoong mga bagay na. Maya-maya ay nag lakad na kami papunta sa kotse ko. Di ko inaasahan kung sino ang makikita ko.

Nakasalubong namin si Jade. Ewan ko kung saan siya ng galing. Agad siyang napatitig sa akin at bumati sa amin.

"Uy ate Jade saan ka galing?" nakakapit pa rin sa aking braso si Reza.

"Sa grocery may binili lang ako. Eh kayo? Saan kayo galing?" sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Sa park pinapanood ang proposal ni Marlo kay Iya. Nakakakilig nga eh. Ewan ko kung kailan mangyayari sa akin yun." mahabang sagot ni Reza at sumulyap pa sa akin.

Napangiti ako sa sinabi ni Reza at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Saka ko pinisil ang ilong niya.

"Bakit gusto mo na bang makasama ako?" saka ko siya hinapit sa kanyang beywang palapit sa akin.

"Hoy Ru ha nakikiliti ako." natatawang sabi niya habang nakatukod ang dalawa niyang braso sa aking dibdib.

"Eh ano naman ngayon ha? So ano? Mamamanhikan na ba ako sa inyo, Sweet potatoe? idinikit ko ang aking noo sa noo ni Reza at tinitigan siya na puno ng pagmamahal.

the day you said yesWhere stories live. Discover now