Unang sulat

466 0 0
                                    

Dear Mahal,
2nd year wedding anniversary natin nung nakaraang araw, alam kong kinalimutan mo na pero binati pa din kita, binasa mo pero hindi mo ako sinagot. Ano kaya ang ginawa mo nung araw na yun? Friday yun at off mo, nagdate ba kayo ng gf mo? icinelebrate mo ba ang anniversary natin kahit iba ang kasama mo? isang taon na ang nakakaraan mula nung magdesisyon ka na tapusin na ang lahat sa atin at pakiramdam ko parang kahapon lang ang lahat. Hanggang ngayon masakit pa din. Isang taon mula nung piliin mo sya at iwan kami ng anak natin. At hanggang ngayon tinatanong ko pa din kung bakit? kung anong kulang? bakit hindi naging sapat yung pagmamahal ko para manatili ka sa amin? bakit hindi naging sapat yung anak natin para naisin mong magkaroon ng buong pamilya? anong meron sya? anong wala ako? napakadaming tanong na walang kasagutan o alam ko naman ang sagot pero hindi ko matanggap. Araw araw pa din kitang iniisip, araw araw na hinihiling na sana bumalik ka na sa amin. Gusto kong sabihin na "Ayusin natin ang pamilya natin, kakalimutan ko ang lahat basta bumalik ka lang sa amin". alam ko masyadong desperada ang dating pero gusto kong bigyan ng buong pamilya ang anak natin, na kahit gaano kasakit, tatanggapin ulit kita sabihin mo lang na handa ka ng magsimula ulit. Palage kong sinasabi na kaya ko naman na wala ka, oo kaya ko, kinaya ko nga ng isang taon ano pa kaya ang mga susunod pang taon pero sa kaibuturan ng puso ko alam kong may kulang pa din na ikaw lang ang makakapagpuno. Naiisip mo din ba ako? siguro hindi dahil andyan sya, pinapalitan ko ng galit lahat ng pagmamahal ko sayo para wala na akong maramdaman, gusto kong isumbat sayo lahat, ang mga pangako mong napako, nasan na ang "wala na akong mamahalin pang iba, ikaw lang" ang "tutupadin natin ang mga pangarap natin ng magkasama", ang "walang iwanan hanggang huli", wala na lahat, sinasabi mo na sa iba lahat. gustuhin ko mang umiyak wala na yatang lumalabas na luha pa sa akin, pagod na din siguro gaya ng puso kong pagod nang umasa at maghintay. sana kung mabasa mo man ito malaman mong hindi pa din nagbabago ang pagmamahal ko sayo.

Nagmamahal,
Iyong asawa

Liham para sa aking asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon