PTBY #4

18 0 0
                                    

Loris POV

Wtf?!

Maraming tao ang nakatipon at nakatingin saakin.

Isa isa nilang nilabas ang kanilang mga bulaklak at ibinigay ito saakin.

Sino naman magpapakana nito?

Monthsary na ba namin ni Wade?

Nakalimutan ko ba?

Wait hindi naman eh.

Umalis ang mga tao sa dinadaanan ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. At nakakita nanaman ako ng maraming tao na kumpol-kumpol at ang nasa gitna ay si...

Dane.

"Miss Chase" panimula ni Dane, tsaka naman inabot nung isang kaibigan niya yung bouquet of roses.

Unti-unti lumalapit si Dane saakin, at ako naman ay hindi makagalaw saaking pwesto.

Naririnig ko ang tilian ng mga babae sa aming paligid, mayroon ring iba na nagbubulungan.

Ang swerte nung girl ! kaso si Dane ang malas!

Ano ba nakita ni Dane sakanya! Mukha naman siyang kabayo!

Diba may boyfriend na iyan?

Oo nga ano?

landi naman this girl!

Ugh! Dane! This is all your fault.

"Will you by my girlfriend-" sabi niya habang inaabot ang bulaklak.

"No, Dane." mabilis ko sagot.

Biglang nanahimik ang mga tao sa paligid namin. At nakarinig nanaman ako ng mga bulung-bulungan.

Ayt! Pakipot naman this girl!

"Manahimik kayo!" sigaw ko sa mga tao sa paligid. Pagkatapos, ay hinarap kong muli si Dane tinitigan ko siya at kinuha ang bouquet at hinampas siya gamit ito sa braso.

"STOP MAKING MY LIFE MISERABLE, DANE!" sigaw ko at umalis na sa kanyang harapan.

Nanatiling walang emosyon si Dane ngunit nilingon niya ako. I hate you Dane! Super!

------------------------------------
Dane POV

Tiningnan ko si Loris habang lumalakad siya palayo saamin.

Urgh! I don't know what's happening to me!

Why can't I leave her alone? And can't she see? Maraming tao ang hindi umattend ng first class nila para lang samahan akong isakatuparan 'tong plano ko?

"Dane.." Kalabit saakin ni Blaire, "Pwede ba akin nalang itong bouquet? Sayang kasi bigay ko nalang sa nililigawan ko." dugtong niya.

Binatukan naman siya ni Jaerid, "Wrong timing ka talaga kahit kailan ano?".

Hindi ko nalang sila pinansin at hinarap ang mg tao na ngayo'y nagbubulungan.

"Wala nang palabas! Maari na kayong umalis!" sigaw ko sakanila, at agad naman silang sumunod saakin.

--------------------
Loris POV

Hinihingal na pumasok ako saaming classroom. Nakita kong nakatingin ang mga tao sa bintana ng aming classroom at ang iba ay gulat na nakita akong pumasok.

Wait, asan yung teacher?

"Our teacher is doing alot of paperworks at the office so she can't make it at our room. But a subtitute will come here any minute." biglang sabi ni Kimm saakin.

"And, nakita ko iyon." sabi niya habang may ngiti sa kanyang labi. "Bat hindi mo siya sinagot? Ang swerte mo kaya! Gusto kamg maging girlfriend ng isang Dane Will Jonas!" tila'y kilig na kilig niyang sabi.

"Kimm, you know naman na may boyfriend ako diba?" sabi ko habang nilalagay ang bag ko sa aking desk.

"Ay, oo nga. Loyal ka pala sa boyfriend mo.." sabi niya.

Natapos nalang ang klase ay walang subtitute na pumasok sa classroom namin. kaya ang ginawa lang namin ay magdaldalan ng magdaldalan ni Kimm.

Hindi rin pumasok si Dane, nag cutting siya.

Recess Time

Sabay kamin nagrecess ni Kimm sa canteen, pag dating namin sa canteen ay pinagtitinginan kami ng mga tao at tsaka sila magbubulungan.

Ang bilis kumalat nang balita! Dinaig pa bluetooth!

"Huwag mo nalang sila pansinin Loris." sabi ni Kimm saakin habang may hawak kamin tray at naupo sa isang bakanteng upuan.

"Ughh!! Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kimm! Paano kung nakarating na kay Wade iyon?" sabi ko kay Kimm.

"Edi i-explain mo yung mga nangyayari! Mas paniniwalaan ka ni Wade kasi girlfriend ka niya." sagot ni Kimm.

"OMG! SI FAFA DANE!" sigaw naman ng isang babae sa canteen. Maraming babae ang tumili habang dumadaan sina Dane.

Nagtapo ang aming mga mata ngunit inawas ito ni Dane at dumaretso na sa bilihan kasama ang mga kaibigan niya.

Maya-maya pa ay may nagtakip sa aking mata.

"A-ano ba! Sino ba ito?" sabi ko. Naririnig kong nagpipilit ng tawa si Kimm..

"Hindi mo na ako kilala, Loris?" boses yun ni Wade, ah?

"Wade?" sabi ko. Tinanggal naman ni Wade ang kamay saaking mata at umupo sa tabi ko.

"Waaaadeeee, waaah! Namiss kita. Hindi kita nakita these past few days." sabi ko sabay yakap kay Wade.

Tumawa naman bahagya si Wade, "I missed you too, Loris."

Dumaan si Dane sa aming tabi at narinig ko siyang nag "tss". Panira talaga kahit kailan!

Ngumiti naman ako at yinakap pa siya ng mahigpit.

Dismissal

Yes, finally! natapos na ang isang araw sa school sobrang nakakapagod madami nanaman assignments!

Hindi makakasabay umuwi saakin si Wade dahil may group project pa daw silang tatapusin kaya nauna na ako.

Naghihintay ako ng tricycle malapit sa isang karinderia. Bakit ba kasi wala?!

Maya-maya pa'y may dumating na tricycle. At sumakay na ako agad.

Habang pinagmamasdan ang daan pauwi saamin ay narealize kong hindi na ito ang daan pauwi saaming bahay.

"Kuya, hindi na po ito yung daan pauwi saamin, ah?" Sabi ko sa driver ng tricycle.

Hininto naman ng driver ang tricycle at lumapit saakin at naglabas ng kutsilyo.

"Holdap ito miss. bigay mo pera mo kung ayaw mo masaktan." sabi niya

WHAT?! Nanginginig ako at hindi makagalaw saaking pwesto. Lord, help huhuhu. Bigyan niyo naman po ako ng magliligtas saakin please!

"Dali na miss!" sigaw saakin ng driver. Mangiyak-ngiyak na dinukot ko ang wallet ko mula saaking bulsa at iaabot na sakanya ng..

*BOOGSH*

Masyadong mabilis ang pangyayari, sinuntok ng isang lalaki ang driver at akma namang sasaksakin ng kutsilyo ang lalaki ngunit nahawakan niya ang mga kamay ng driver at sinipa ito. Tumalon siya at ngayo'y nasa ibabaw na ng driver at pinagsusuntok hanggang mawalan ng malay ang driver.

Pagkatapos ay humarap na siya saakin, H-hindi maari..

Ang nagligtas saakin ay s-si Dane?!







Pretending to be YoursWhere stories live. Discover now