5 Steps-How to Move-On

840 24 1
                                    

Sana makakatulong po ito sa inyo, alam kong hindi madali ang pag momove-on lalong lalo na yung feeling na durog na durog ka na ng to the highest level. But if you care and love yourself you have to do this so you can heal the pain.

1. UNA..  ito talaga ang pinakauna sa lahat mong gagawin DAPAT ISIPIN MO ANG MGA SAKIT NA NAGAWA NIYA SAYO hindi yung mga MAGAGANDANG MEMORIES NIYO, kase paano ka makapag move-on kung nakakakulong ka sa magagandang alaala nung kayo pa.


2.   PANGALAWA.. dapat ITAPON yung mga gamit na nakakapag paalala niya sayo (alam mo na kung anong mga bagay ang dapat itapon imposible naman kung walang naibigay si EX sayo nung kayo pa) kase pag nanatili ito sa iyong paningin mas lalo ka lang masasaktan at humiling na sana hanggang ngayon kayo pa. 


3. PANGATLO.. Pumunta ka sa LUGAR NA TAHIMIK at dun mo ibuhos ang galit na nararamdaman mo, dun mo isigaw ang gusto mong sabihin na hindi mo magawa sa harap ng mga tao. Hindi kase pwedeng bad mood ka nalang palagi lalong lalo na pag kasama mo yung mga kaibigan mo kase paano maging masaya ang barkada kung may topak kang kasama. Dapat ibuhos mo ang galit na ikaw lang ang nakakaalam para hindi ka makakasakit ng damdamin ng ibang tao.


4.   IKAAPAT.. GAWIN MO ANG MGA BAGAY NA NAKAKAPAGPASAYA SAYO yung bang gumala ka kasama ang mga friends mo, o magsaya kasama ang family mo yung pupunta kayo sa beach at kakain ng marami (favorite ko to haha) 


5.   LASTLY.. YOU HAVE TO ACCEPT THE FACT THAT NOTHING IS PERMANENT IN THIS WORLD, lahat kase ng bagay may katapusan sa ayaw at sa gusto mo mawawala rin sayo ang mga bagay na hinahawakan mo for the rest of your life kaya take another step wag mong hayaang kontrolin ka ng emosyon mo kase pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Isipin mo na siya yung tanga hindi ikaw kase hindi tanga ang magmahal ng lubusan mas tanga yung minahal mo na nga lubusan naghanap pa ng iba ang saklap. Isipin mo rin na hindi lang talaga kayo para sa isa't isa at may taong higit pa sa kanya hindi man sila pareho nga physical appearance o ng ugali pero mas better si MR. RIGHT kase alam niya kung paano magpahalaga ng feelings ng ibang tao:)

Hi Hello Po! haha smile naman dyan bawal magsisimangot baka pumangit ka nyan hehe di joke lang sana po nag enjoy kayo sa advice nato actually ito po yung una kong sulat dito sa wattpad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TIPS ON HOW TO MOVE-ONWhere stories live. Discover now