Tiningnan lang namin si Andrew hanggang makalayo na siya. Bigla namang hinawakan ni Genny ang dalawang kamay ko saka paipit na nagsisigaw sa kilig.
"Aaaaaahhh! Oh my gosh! I can't believe this. Nakita ko na ng malapitan si Andrew Ford Castillo. Ang gwapo talaga niya. Oh my gosh! Bakit ang tagal niyo sa loob? Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kilig habang hihintay kayo eh." hindi niya mapakaling sabi. Tiningnan po lang siya habang medyo napapangiti. Nakakatuwa kasi ang itsura niya.
"Anung ginawa mo sa kanya? Siguro sobrang kilig... Teka nga? Bakit ganyan lang reaksyon mo? Parang wala lang sayo ah." nagtataka niyang tanung.
"Eh anung gusto mong reaksyon ko. Sinamahan niya lang ako sa loob. Sabi niya magpalit ako pero wala akong damit." paliwanag ko.
"Eh anung tawag diyan sa suot mo? Teka yan yung.. Oh my gosh! Damit ba ni Andrew yan?" malakas niyang tanung kaya napatingin ang ibang dumadaan.
Tumago lang ako bilang sagot. Nakakahiya na kasi nakatingin na ang iba sa amin. Mukhang naghihintay rin sila ng isasagot ko. At nang dahan dahan na akong tumango.
"Ooohh my goooshhhh! Paamoy ako bestfriend." sabi niya at nagulat ako ng amuy amuyin na niya ang damit na suot ko.
"Oh my.. Ang bango bango talaga niya. Nakakaadik." sabi niya at patuloy parin sa pagamoy.
"Uy! Ano ka ba nakakahiya." suway ko sa kanya at tumigil naman dahil nakatingin na ang iba sa amin.
"Totoo ba yung narinig namin? Damit ni Andrew Ford Castillo yang suot mo?" tanung ng isa sa mga andun.
Alangan akong tumango sa kanila at bigla nalang silang nagbulungan lahat.
"Ang swerte mo naman. Pinasuot niya sayo yung damit niya." sabi ng isa pa.
"Sigurado ako, di mo na yan lalabhan. Ang gwapo kaya ni Andrew. Aaahhy.." kilig na sabi ng isang beki.
"Genny may pasok pa tayo. Tara na." sabi ko kay Genny.
"Ay oo nga pala." sagot naman niya.
Umalis na kami sa lugar na yun at pumunta na sa next class namin.
Totoo nga ang sabi nilang 'May tainga ang lupa. May pakpak ang balita' dahil pagpasok palang namin ng room, may mga nagtanung na kung totoo bang nilapitan ako ni Andrew at kung damit niya ba talaga ang gamit ko. Puro tango lang ang sagot ko.
Maya maya pa ay dumating na din agad yung prof namin. Sa bawat bakanteng oras halos interviewhin na ako ng mga kaklase ko ang iba sa kanila, nakipagkilala narin sakin.
Syempre, hindi nawawala yung ibang hindi naniniwala at kontra sa mga sinsabi ko. Di ko nalang sila pinansin. Tsaka ano bang big deal kung lumapit sakin si Andrew.
"Grabe ka! Sa dinami dami ng pwedeng lalapit sayo si Number Two pa. Kaya sobrang swerte mo." sabi sakin ni Marky, isa ring bisexual.
"Number two? Bakit niyo siya tinatawag na number two?" curious kong tanung.
"Hindi ka pa ba informed? Yan ang bansag sa kanila ng buong school." sabi naman ni Lora.
"Sino sila?" tanung ko.
"Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka nakikinig sakin kaninang naguusap tayo sa Canteen bago mo makabangga si Number Three." sagot naman ni Genny.
"Teka nga. Di ko kayo magets. Pakiexplain." sabi ko.
"Ganito kasi yun. Dito sa school natin sila ang pinakapopular. Actually, lima sila. Three boys and two girls. They are rank according to popularity, yaman, talino at talento." sabi ni Marky at tumigil ng bahagya bago nagpatuloy.
BINABASA MO ANG
MARCUS DIARIES BOOK 1: Marcus (A Perfect Guy)
RomanceI was just a simple person when I first entered the University where I graduated. And then I met him the perfect guy of the University. He is every girls and gays dream guy. And because he is perfect and I am not, I've made a decision that changed m...