Part 4

21 1 0
                                    


Pagpasok ko palang ng room namin ay sinalubong na ako agad ng mga bago kong kaibigan at nakikichismis na.

"Ano besh, magkwento ka na daliii!!" excited na sabi ni Lora.

"Anong nangyari sa date niyo?" sabi naman ni Marky

"Ano ka ba magkwento ka na kasi para di nalang kami puro tanong." reklamo naman ni Ginny.

"Kumain lang kami sa labas tapos hinatid na niya ako sa boarding house namin." Maikli kong kwento sa kanila.

"Yun lang??!!" asar namang tanung ni Marky. "Imposible namang yun lang." pagpapatuloy pa niya.

"Okay fine sige na. Kumain kami sa labas at pinagusapan namin yung nangyari kahapon sa Canteen tapos hinatid niya ako at nangako ako na mamayang hapon ay mamamasyal kami sa mall. Oh okay na ba yun?" sabi ko sa kanila.

"Oh my gosh!! Ang swerte mo naman. Sana ako nalang ikaw." Malambing na sa sabi naman ni Lora.

"Hoy! Isama mo naman kami. Sinosolo mo nalang si Andrew eh." Sabi naman ni Ginny.

"Tingnan ko kasi.." naputol naman ang dapat sana ay sasabihin ko nang may biglang tumawag. Nang tingnan ko ay bagong numero. Sinagot ko naman ito.

"Hello." Sabi ko.

"Hello." Narinig ko naman ang isang baritono at magandang boses ng isang lalaki.

"Andrew.." sabi ko dito pero bigla nalang nitong pinatay.

"Oh anung nagyari?" tanung naman ni Marky.

"Ewan ko eh. Pinatay naman niya." Sabi ko at dumating na ang teacher namin.

Naglunch na kami ng mga kaibigan ko sa Canteen nang biglang may tumatawag na naman sa cellphone ko. Tiningnan ko naman ito at nakita ko ang pangalan ni Andrew sa screen. Sinagot ko ito, nagtataka lang ako kasi nakasave pala ang number niya dito eh bakit siya tumawag sa ibang numero kanina.

"Andrew.." paunang sabi ko palang ay pinagtinginan na ako ng mga kaibigan ko at pati narin ng iba pa na nasa malapit sa amin.

"Sunduin nalang kita ulit sa room niyo mamaya ah?" sabi nito sa kabilang linya.

"Sige." Sabi ko naman.

"Naglunch ka na ba?" tanung naman niya.

"Oo kasalukuyan." Sagot ko naman at tumingin sa mga kaibigan ko. Sumenyas naman sila na ipaalam ko na ang pagsama nila mamaya.

"Ah.. Andrew pwede daw bang sumama ang mga kaibigan ko mamaya sa atin sa mall?" tanong ko dito.

Nagulat naman ako ng mabangga ng isang lalaki ang upuan ko. Nakahood ito kaya natatakpan ang mukha nito nakasun glasses ito at ang ilong at lips niya lang nakikita ko. Dito maiwasang mapahanga sa ganda ng lips nito na bumabagay sa kabutian ng mukha niya na kahit di ko Makita ng buo ay alam kong maputi siya.

"I'm sorry." Sabi niya na may accent pa na nagpacurious naman sa akin.

"Okay lang." sabi ko naman at tumalikod na ito sa akin. Ako lang nakakita sa kanya kaya nama nacurious din ang mga kaibigan ko.

"Sino yun? Makapagtakip ng sobra ah." Sabi ni Lora.

"Ewan.." sagot ko nalang at bumalik na sa paguusap naming ni Andrew.

"Andrew.. Anu nga uli yun? Pasensya na. Di ko na narinig eh, may nakabangga kasi sa upuan ko."

"Uhm.. May prof na ako eh. Mamaya nalang ha? Antayin mo nalang ako."sabi niya.

"Sige." Sabi ko at pinatay na niya.

"Anung sabi?" tanung naman agad ng mga kaibigan ko.

"Uhm.. di pa siya nakapagdesisyon eh kasi may prof na daw sila. Antayin nalang natin siya mamaya." Sabi ko naman.

MARCUS DIARIES BOOK 1: Marcus (A Perfect Guy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon