Meet Thea

11 0 0
                                    


Thea's POV


"Sino ba naman kasi yang lalaki Nicca!?"

  "Eh sino pa ba? Edi yung lagi kong kinukwento sa inyo na si Kenzo! Huhuhu " 

"You mean si Kenzo na love of your life?"

"Sinabi mo pa huhu"

Yan!! Unang-una pa lang pinagsabihan ko na 'tong si Nicca na mag-ingat sa mga lalaki eh! Lalo na yung Kenzo na yun! Playboy talaga yun! Ito namang si Nicca nabulag sa pag-ibig haaaay!

"Ikaw kasi Nicca! Sinabi na naming wag kang maniwala sa Kenzo na yan eh!"

"Sorry naman Thea Kearthney Claire Orlina na tomboy sa barkada! Nagmahal lang kasi ako huhu"


"Anong tomboy!? Hoy Nicca! Mataas kasi standards ko sa mga lalaki kaya NBSB ako duh!?"

"Pustahan, pag ikaw natamaan ni Kupido Thea, mararamdaman mo rin ang nararamdaman namin ngayon. Diba Nics?"

Isa pa 'tong si Erich eh! Porket masaya sila ngayon ng boyfriend nyang si Sam. Psh!

"Walang forever Erich. Mag-b-break din kayo ni Sam!! HAHAHAHAHAHA-- Aray?!!"

  "Ayan! Deserve mo yang batok ko! Bitter na tomboy ka lang kasi Thea " 

"Alam mo ikaw, ang ingay-ingay mo! Sundin nyo kaya sina Julianne at Alyanna. Busy-busyhan sa cellphone nila."

"Busy kasi sila sa mga babes nila Thea! Diba Jul? Aly?"

Tumango naman ang dalawa! Naku mukhang outdated ako sa lovelife nilang dalawa.

"Sino Julianne?"

"Si Nathaniel."

"Sino naman sayo Alyanna?"

"Si Sean Gabrielle."

"My gosh! Hindi ba kayo nanood kagabi ng trivia ni Kuya Kim sa TV Patrol?! Sabi nya 'Alam nyo ba na walang forever---"

 "BITTER!", sabay pa talaga silang apat -___- 

"So what? Mag-b-bre--" 

 "...na Tomboy!!"

"Aba't! Bumalik kayo dito!!!!"


Tumakbo ba naman sila!

PPAP (Pa-sweet, Pa-fall At Paasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon