Meet Nicca

10 0 0
                                    


 Nicca's POV 


 Hi! Ako nga pala si Nicca Flores, isa sa matalik na kaibigan ng tomboy na si Thea hahaha pero binibiro lang namin sya, eh kasi naman 17 na kami, wala man lang syang experience sa mga love. Alam naman namin na bata pa kami pero part na yan ng life. Kung masaktan, edi masaktan! At least may natutunan tayo diba? Katulad ko, kakatuto ko lang. Ngayon alam kong certified playboy nga talaga si Kenzo haaay! Bakit ba kasi naniwala ako sa mga pa-sweet nyang linya!? Ayun na-fall tuloy ako tapos ang ending pinaasa nya lang ako! Hindi lang pala ako ang nabiktima nya. Kundi lima kami! Ako, Nicole, Angelika, Liza at Rysah!

 "Wala syang hiya! Pwede na syang mamatay!" 

 "Pwedeng mamatay!? Sino yun Miss?" 

 "Ayy! Ano ka ba naman!? Bakit ka nanggugulat bigla-bigla? At sino ka ba? Close ba tayo?" 

"Hindi naman Miss. Kanina pa kasi kita napapansin dito sa damuhan. Kawawa naman kasi yun mga damo, nakakalbo mo na."

"Wala kang pakialam! Sino ka ba ha?"

"I'm Yours."

"Urur!"

"Hahaha dejoke lang! Ako nga pala si Jeydon ang nakatadhana para sayo."

"Tama na nga yang biro mo!! Sawang-sawa na ko sa biro na yan! Alam mo bang masama paglaruan ang feelings? Masakit yun! Kaya parang awa mo na! Lumayas ka dito!"

"Kalma lang Miss? Ano nga ulit pangalan mo?"

"Kita mo?! Di mo nga alam pangalan ko eh! Kung maka-FC ka sa akin! Ako nga pala ang nakatadhanang pumatay sayo Mr. Jeydon slash PPAP Boy!"

"You mean Pen Pineapple Apple Pen?"

"Hindi!!! Pa-sweet, Pa-fall At Paasa Boy!"

PPAP (Pa-sweet, Pa-fall At Paasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon