Nicole's POV.
Di ako makapaniwala na nakita ko ulit sya. Bakit ganun? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bumalik kaagad ung sinabe nya sakin at sobrang sakit. Di ko lubos maisip na ganun ang reaksyon nya, na parang di pa sya nagulat ng nakita nya ako. Nakikilala pa ba nya ako? O sadyang kinalimutan nya ako?
"Hey Nicole, tulala ka?" Napatingin ako kay Limin na ngayon ay kumakain ng carbonara. Andito kase kami sa cafeteria/canteen recess na kase namin.
"A-ah wala. Kain na tayo." Nautal pa ako. Bwiset kase! Bakit ko ba kase sya nakita ulit? Hay, ang saket sa ulo magisip.
Pero ano ba talaga ang nararamdaman kong ito? Bakit nung nakita ko sya biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Bumalik lang lahat.
Lahat ng nangyari nuong third year kami. Natatawa nga ako ng biglang kinorner nuon ni Limin si Mico....yes, its Mico Gonzales. Ang lalaki---
"Pwede ba kaming makishare?" Napaangat ako ng tingin ng may biglang nagsalita. Sila Shan at Kyra lang pala. Friends ko na sila pati si Limin syempre. Pero still BESTFRIEND ko si Limin. "Yeah." Tipid na sagot ni Limin. Tumango na lang ako.
Kumakain na kami ngayon. Nang may biglang umagaw ng atensyin ko. Sila Mico at ang barkada nya. Dati nuon kami lang nila Limin ang magkakasama pero ngayon...iba na.
Tumingin rin sya sakin with his cold stare. Bakit sya ganun? Umiwas na lang ako ng tingin kesa magtitigan pa kami.
Napansin kong masama ang tingin ni Limin sa isang lalaki at sa pagkakaalam ko Shawn ang pangalan. Natatawa nga ako ng bigla nyamg sinipa ang tyan nya. Epic ng mukha eh. Ganun talaga si Limin. May isang salita.
"Tch! Bwisrt na lalaki." She murmured. Inirapan nya lang ito. Bagay sila.
Shan's POV.
Ang tahimik naming kumakain kasama sila Limin at Nicole. Maganda sila pareho tsaka simple kahit mayaman sila. Ganyan ang gusto ko na maging kaibigan maliban kay Kyra.
Ako nga pala si Shan Seo. Hehe, simple lang ako tsaka palaban. Mayaman rin kami. Pero im not spoiled brat katulad ng iba dyan.
Buti mabait silang dalawa samin ni Kyra, pero parang di ako mapakali kapag kasama si Limin. Ang tahimik nya kase at parang cold n hindi. Ewan. Pero gusto ko syang maging friend. It takes time.
*kriiiiiiiiiiiiinnnngggg*
Napabalik ako sa reality ng biglang nagring ang bell. Next subject na. Nakakastress talaga ang highschool.
"Tayo na." Sabe ni Limin. Tumango na lang kaming tatlo. Inakbayan ako ni Nicole.
"Wag kang mag-alala Shan. Magiging friend mo rin si Limin. Ok ka sa kanya alam kl un. Mabait naman sya." Biglang sambit saken ni Nicole. Ngumiti na lang ako.
Kyra's POV.
Naglalakad kami ngayon papuntang room. Delikado na baka mapagalitan kami pag nalate kami. Ako nga pala si Kyra Kang. Katulad kay Shan mayaman rin kami.
Nakapasok na kami ngayon sa room at halos kompleto na. Kami na yata ang hinihintay tapos ung apat na lalaki sa pinakalast row. Sakto namang dumating ung teacher namin ng Filipino.
"First i have a announcement today. So, this month we have program 'buwan ng wika'. Makinig kayo, kailangan ng representative para sa pageant. Pumili na kayo ng rep." Mahabang paliwanag ni maam. Eto na naman. Stress na naman kailangan dito. Nagtaas ng kamay si Limin.
"I want Nicole to be the girls representative." Plain niang sabe. Nanlaki bigla ung mata ni Nicole. Haha!
"Hala! Bakit ako!? Ay----"
YOU ARE READING
See You Again
Teen FictionGusto ko na syang makita ulit. Gusto ko na syang makakulitan ulit. Pero paano kung magkita kami pero parang di nya ako kilala? Ano ba ang dapat gawin?