Flashback? 😲

4 0 0
                                    

Ang boring naman. Out of place nanaman ako. Asan ba yung lalaking nagdala saken dito!? 🙅

"Excuse me lang muna sa inyo. Pupunta lang ako sa CR." pahintulot ko kina Justine.

"Samahan na kita, Aii?" sabi ni Justine.

"Huwag na. Ako na. Sanay namn akong mag-isa eh. Charot lang! Hahaha mag enjoy ka nalang dyan with your bias 😊"

Hihi. Sa totoo lang, hindi ako papunta sa CR. Nakita ko kasi yung KUMIKISLAP NA MGA DESSERT! 😅 woot.woot! Dali-dali akong lumapit dun.

"Kuya? Pwede po bang kumuha nito?" tanong ko sa waiter habang kinuha ko na yung isa 😂

"Eh, kinuha mo na nga miss eh. Nagtanong ka pa. Tas, pwedeng kumuha, syempre. Kahit ilang dessert pa kunin mo." sabi nung waiter saken. Aba? Si Pilosopong Tasyo ata 'to eh! Pero, tama ba yung narinig ko!? KAHIT ILANG DESSERT!? 😱🙌

"Ay. Sge. Salamat po kuya." sagot ko kay kuya. Kung di lang ako marunong rumespeto, kanina pa 'to bumulagta. 😪

"Uhm. Para kanino ba yan? Para ba yan sa binabantayan nyong artist dito, miss?"

Langya 'tong taong 'tong gago 'to ah! Ang ibig nya bang sabihin at 'YAYA' ako sa isa sa mga ARTIST dito??!!!!?

"Ah. HINDI PO KUYA. NIYAYA lang naman ako ni BAMBAM na taga GOT7 na makipag PARTNER SAAKIN. KLARONG-KLARO nyo PO ba yung explaination ko KUYA??" 😠😬😡😤🔫 nakakainis.

"Ay! Pasensya na po ma'am.. Hindi ko po sinasadya.. Hindi po kasi kayo nka gown.. Pero, nagtataka din naman po ako kung bakit ko po natanong yun. Eh, ang ganda-ganda niyo po."

*speech less*

Nag nodd nalang ako, as a sign na naintindihan ko yung explaination niya. Tas sinubo yung cupcake. WOW. Seryoso ba siya? Haist. Baka nagbibiro lang yun.

Umupo ako mag isa sa malaking soffa. Nang may biglang tamabi saken. At.. W O W 😨 Just WOW!

ANG GANDA NIYAAAAA!!!

Hindi ko ma explain yung reaction ko. Parang si Helen na nasa Odyssey na asawa ni Meneleus! Na imagine nyo ba? Pero, parang mas maganda pa pala si Helen 😁

"Hi." bati niya saken with matching her Angelic smile~
Nakakatomboooyy!

"Hahaha yung icing ng cupcake mo nasa ilong mo na hahahaha I'm Suzy nga pala from the group of Miss-A, nice to meet you Aira." dagdag niya. Nakuh! Nakakahiya! Dali-dali kong pinunasan yung icing sa ilong ko. 

Tas, HANUDAW!? Narinig ko yung pangalan ko sa last word niya! PAANO!? Detective ba 'to? Bakit niya ako kilala!? Kapatid ko ba sya!? Ay. Malabo na ata.
Teka! Bakit niya ako kilala!!!!? Ganun na ba ako ka famous dito!? AGAD-AGAD!? 😱

"Uy Aira! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap!" sigaw ng kanina ko pa din hinahanap. Si Bambam.

"Bammie!" bati ni Suzy kay Bambam. Parang natameme si Bambam. Ay. Sabagay, ang ganda naman kasi ni Suzy.

"Hoy! Bammie! Pansinin mo naman ako.." sabi ni Suzy kay Bambam. Ang cute niya pag nag pout!

"Ay! Oo nga pala. Hello Suzy!" bati din ni Bambam. Grabe. Para siyang manikin kanina habang tumititig kay Suzy lol. Tas nag beso-beso sila 😒 Out of Place nanaman ako. Ano ba! Loooord? Mag usap nalang tayo oh. Ano ba plano mo sa buhay ko? Tss.

(After an hour)

"Halika na Aii. Uwi na tayo. Parang antok na antok ka na eh." sabi ni Bambam saken.

Nakahiga nga pala ako dito sa soffa.

NAKAKAHIYA KAY SUZY!

Para lang akong nasa bahay nito sa ginagawa kong kabaliwan!

A Past To PresentWhere stories live. Discover now