PART II: WHAT 'S HAPPENING TO THE CYBORGS? (2nd half)

88 1 0
                                    

APRIL's POV

"Uhh~ ano..kasi..seryoso ka ba na liligawan mo ako?~ Mahal mo ba ako?" seryosong tanong ko sakanya "Di ba kaya mo nililigawan ang isang tao dahil mahal mo siya? Mahal mo ba ako Oppa?" diba ganun naman talaga? Pag sinabi nyang oo sasagutin ko na sya kahit hindi pa sya nanliligaw. Bawal man akong (kaming) mainlove pero alam kong nahulog na ako sakanya..yung mga ngiti nya, yun ang dahilan. Gusto ko laging makita syang ngumingiti. Nung una nacoconfuse pa ako kung bakit ganon...nagpapanic yung system ko pag anjan sya. May patanong tanong pa ako sa sarili ko na 'What's happening to me?'....Pero later on narealize ko na love ko na sya.

Nakatingin lang ako sakanya..naghihintay ng sagot. Please naman Oppa~ Sabihin mo namang 'Oo mahal kita!' >~<

"Ah~ ano...tara sa mall?" bigla nyang sabi..NASAAN NA YUNG HINIHINTAY KONG SAGOT? NASAAN ANG HUSTISYA?!~ Aish! Baka kasi di nya ako mahal...trip nya lang akong ligawan. Iiyak na ba ako? Iiyak ng walang tumutulong luha!~

"Hmmm..sige" sabi ko nalang....

Nagpalit lang sya ng damit tapos umalis na kami...disappointed parin aku..hindi nya ako mahal..hindi..bat parang nanghihina ako? Ganito ba yung sinasabi nilang heartbroken? Pero dahil wala akong heart...systembroken nalang..TT^TT Mas malala pa to sa torture na nararamdaman ko tuwing pinapalitan nila yung system program namin. Pwede ko rin bang takasan tong feeling na to?

"April~ Okay ka lang? You're spacing out...kanina pa ako dada ng dada dito di ka man pala nakikinig. *sad pacute face*" sabi nya habang inaalog ako ng konti

Wow! First time to mangyari sakin...magspace out. Teka nga! Bat ba to nagpapacute? Kahit di mo gawin yan cute ka parin Bwi..Kahit nakaderp face ka...AISH!~ Ano ba tong iniisip ko? Stop it April! Kelangan mo ng tumakas sa nararamdaman mo! Anong klaseng system ba tong ginawa nila samin? Pag nasasaktan yung feeling parang mawawasak yung buong sistema namin.

"Sorry..ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko nalang sakanya. Sige ngayong araw nalang to Bwi...titiisin ko.

"Wala..*sad pacute face* Tara na..andito na tayo...." hinawakan nya ako sa kamay at hinila papasok sa mall. Minsan kinakabahan akong pumasok sa mga ganito eh. Diba may guards na nagdedetect ng mga metal..EH DIBA NGA WE WERE MADE OF METALS? Ano kayang trick ang ginawa ng mga inventors namin at hindi kami nadedetect sa mga ganyan?

Kung san san na kami umikot ni Bwi pero kahit san kami magpunta hawak hawak nya yung kamay ko.

"Eh baka kasi mawala ka sakin pag binitawan ko yung kamay mo." sabi nya sakin nung tinanong ko sya kung bakit di nya pa binibitawan yun kamay ko. Bat naman ako mawawala sa kanya? Eh di naman ako kanya..pero kahit na ganun, nakaramdam parin ako ng hiya. Oh baka kinikilig lang ako nun. Ay ewan. Nakakatanga pala pag nagkakagusto ka sa isang tao.

"Oppa~ bat ang daming tumitingin satin? Kilala mo ba sila?" tanong ko sakanya. Paano ba naman! Ang daming tumitingin na babae samin...yung mga mata nila kumikinang!

"Huh? Wag mo silang pansinin...nakukyutan lang sila satin. Siguro bagay na bagay tayo kaya ganun." sabi nya sakin ng nakangiti pero di nakatingin sakin

Ano bang sinasabi ng taong to? WAAAAH!~ Bat feeling ko sumaya yung sistema ko? Pero nagpapanic din at the same time. Ganito ba yung feeling na kinikilig? Para akong maiihi kahit na di naman ako umiihi. AAAAAH!~ Pero naiinis din ako..bat nya sinasabi yang mga yan? Di naman nya aku mahal diba?

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya..tinanggal ko rin yung pagkakahawak ng mga kamay namin. Naiinis ako. Bat di nalang nya sabihin kung nakikipaglaro lang sya sakin?

"Teka nga!~ Naguguluhan na ako sayo eh.." nakatingin lang sya sakin..nagulat siguro sa sudden outburst ko "..kanina nung tinanong kita kung mahal mo ako, hindi ka makasagot...siguro dahil hindi naman! Tapos ngayon kung ano anong sinasabi mo sakin! Ano ba talaga? Mahal mo ba ak-----" naputol yung sinasabi ko dahil bigla nya akong hinalikan sa labi...hindi ko ramdam nung una pero dahil sa init ng labi nya...WAAAAH!~ Parang uminit din yung labi ko.

The Bangtan Boys' Cyborg Girlfriends (Bangtan Boys Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon