Chapter 23: Back to School

21.8K 380 12
                                    

My Gangster Prince

Chapter 23: Back to School

Kazumi's POV

Isang linggo na ang lumipas ng pumunta kami sa hide-out ng Black Diciples. Simula nun, lagi na silang pumupunta dito sa bahay para makipag bonding samin. Pero ngayon, wala sila. May kanya-kanya kasi silang gagawin kaya kaming dalawa lang ngayon ni Dark ang nasa malaking bahay na ito,

"Princess, do you smell something funny?"

"Hala! Yung niluluto ko." Dali-dali akong tumakbo papuntang kusina.

Sumunod naman sakin si Dark to check if everything is okay "Pabo." sabi niya, kaya napapout naman ako.

"Go wash up, ako na lang diyan."

Umiling iling naman ako. "Okay lang, kaya ko na to Dark." sabi ko pero knowing Dark, hindi siya pumayag kaya hinintay ko na lang siya sa hapagkainan. After 5 minutes, sinaluhan niya na rin ako at sabay kaming kumain. Sinabi rin kasi ni Dark na may balak silang mag club ng Black Diciples bago magpasukan at gusto daw nila akong isama.

"So, you would come with me right?" tanong niya bago uminom ng pine apple juice na gawa ko.

"Hindi pa rin ako sanay sa ganung klaseng lugar eh." sagot ko habang nginunguya ang beef na niluto ko.

"Sumama ka na princess, Kasama mo naman ako eh." Did Dark just did aegyo? Cuteee~ Pero di pa rin magbabago ang desisyon ko.

"No." Bumuntong hininga naman siya sa naging sagot ko.

"Oh, okay then. I'll tell the boys I'm not going since you're not going. I'm sure they wouldn't mind. Maybe they'll feel a little dissapointed since they haven't seen you fpr a while but I guess its okay." Argh, bat ang galing niya po Lord mangonsensya? Naman oh!

"Oo na nga, sasama nako!"

"Really? I'll let the boys know!"

Mabilis na dumating ang Sabado. Andito na kami ngayon ni Dark sa club na pagdadausan ng party. Nakita agad namin ang Black Diciples kaya lumapit na kami sa kanila.

"Hello sainyo! Ay, andito ka rin pala? Hello Kevin!" bati ko sa Black Diciples at kay Kevin na nakilala ko sas studio nung sumama ako kay Gian sa taping niya. Wala kasi ako magawa nung araw na yun at gusto ko ding malaman ang buhay niya bilang artista kaya sumama ako.

"Kilala mo siya princess?" tumango naman ako sa tanong niya.

"Kaibigan siya ni Gian. Nakilala ko siya sa taping nila." 

"Ah." Tumango tango siya at yan lang ang sinabi niya. Dark pulled me a sit on his left and Kevin is sitting on his right.

"Anong ginagawa mo dito?"  tanong ko kay Kevin, leaning forward since Dark was between us. "Gian invited me."

My Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon