Chapter 8: I'm Officially Yours

28.4K 632 56
                                    

My Gangster Prince

Chapte 8: I'm Officially Yours

 

DARK'S POV

Sh*t! Badtrip.

  

*BOG*

Patuloy kong pinagsusuntok ang kalaban naming gang. May underground battle kasi kami ngayon ng Black Diciples at saktong may pinaglalabasan ako ng galit.

"Tama na yan Dark. Suko na nga daw sila oh!" Pag-awat sakin ni Sky.. Binitiwan ko naman agad ito. Baka makapatay pa 'ko.

Nakakainis! Bat ko ba kasi ginawa yun? Nabigla lang naman talaga ako eh. Ayoko pa kaseng lapitan niya ko kasi nahihiya pa'ko dun sa nangyareng pag-amin.

"Dapat matuwa ka pa nga hyung e. Hahaha!"Sabi ni Andrew nang may nakalolokong ngiti. I just glared at him. May gana pa siyang tumawa habang ako, frustrate na frustrate sa ginawa ko.  -_____-

"Teka lang naman, patapusin mo kasi ako." depensa niya sa sarili niya. Ano na naman kayang sasabihin nitong isip-bata na 'to? Pag ito kalokohan naman, makakaisa talaga siya sakin.

"Spill it."

  

"Bat ang hihina ng utak niyo? Mas tanga pa pala kayo sakin, di niyo get--" akmang babatukan ni Ethan si Andrew nang pigilan siya ni Sky. "Hayaan mo na, patapusin mo muna siya." 

  

Bineletan siya ni Andrew at pinagpatuloy na ang pagsasalita, "Para kayang nagseselos si Noona. She would just simply ignore your kissing session kung wala naman siyang pakialam sa ginagawa niyo diba? Tama ako, diba?"

"Ang talino mo na Drew ah!" Pagpuri ni Gian sabay gulo ng buhok ni Andrew.

"May utak ka rin pala."- Lance said emotionless kaya napa-facepalm naman ang kapatid nya.

"Kung ako sayo Dark, makipag-ayos ka na. The feeling is mutual dude!" advice ni Sky.

Baka tama nga si Andrew. Pano kung nagseselos nga talaga kanina si Zyril? Ibig sabihin ba nito, malaki ang pag-asa ko sa kanya?

Panahon na para gumawa ako ng hakbang. What is mine is mine!

KAZUMI'S POV 

Naiinis pa rin ako sa sarili ko hanggang ngayon. Bakit ba kasi di muna ako nag-isip bago nagsalita? Isa pang pinoproblema ko, hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang may tumutusok sa puso ko nung nakita kong hinalikan ni Dark si Sheila. Nung mga oras na yun, unti-unti kong pinapatay si Sheila sa utak ko.

Waaaahhhh! Baliw ka talaga Kazumi! Bat ganun ang nasa isip mo? Wala namang namamagitan sainyong dalawa e. Bat kung umasta ka, para kang inagawan at pinagtaksilan ng boyfriend.

My Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon