Kasabay ng paglagaslas ng malalaking alon ng karagatan at pagdampi ng maalinsangang hangin sa aking balat, ay ang pagpatak ng luhang hindi matapos tapos sa pagbugso.
Kasalukuyan akong nakasakay ngayon sa isang public boat patungo sa isang isla upang makapag isip isip.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Mag-aalas tres na pala ng hapon. Dalawang oras na pala kong bumabyahe sa gitna ng karagatan.
Di tulad ng ibang malalaking pier, dalawang beses lang bumabyahe ang mga bangka sa bayan ng Camacho patungo sa isla ng San Fuego. Ang unang bangka ay umaalis bandang alas nuebe y media ng umaga at ang pangalawa naman ay ala-una ng hapon na syang bangkang sinakyan ko kanina.Sinubukan kong kumuha ng ilang shot ng dagat,at mga nagtatalunang isda. Sandali akong nalibang sa mga nakita kong mga ibat ibang uri ng isda sa tubig.
Mula sa tantya ko, lima hanggang sampong minuto ay dadaong na ang bangkang sinasakyan ko. Mula sa pwesto ko ay natatanaw ko na ang tahimik at payapang isla ng San Fuego, na siyang magiging tahanan ko sa loob ng isang linggo.
'Sana naman maging maganda ang dulot ng solo vacation ko na to'
Pagbaba ko ng bangka ay agad kong tiningnan kung may signal ba ang network ng aking cellphone, ng makita ko ang dalawang guhit sa signal bar ay agad agad akong nagdial ng numero para matawagan ko ang tour guide na nirentahan ko patungo sa private resort kung saan ako tutuloy sa loob ng isang linggo.
Habang tinatawagan ang susundo sa akin, naghanap muna ako ng masisilungan. Mainit at maalinsangan ang hanging dumadampi sa akin balat, dahil na rin siguro na nagsimula na ang summer sa bansa, patunay na rito ang tila galit na galit na haring araw.
Unti unti ng nababawasan ang mga turista sa daungan, halos lahat sila ay sinipot na ng kanikanilang tourguide ngunit ang tourguide na magsusundo sakin ay wala pa. Ayon sa nakausap ko kanina ay papunta na ang tourguide na nakatoka sakin ngunit magkakalahating oras na ay wala pa rin.
'Wala naman sigurong traffic sa isla para matagalan sya. Pag wala pa sya hanggang mamayang alas singko lilipat na ko sa ibang resort'
Habang nanunuod akong maubos ang tao at unti unting lumubog ang araw nakarinig ako ng isang malakas na halakhalak di nalalayo sa mga bangkang nakadaong sa pier.
Isang lalaking na may katangkaran ang bumaba sa isa sa mga bangkang naroon. Palingon lingon sa kaliwa at kanan na parang may hinahanap. Makikita mo ang hubog ng katawan nito na akala mo'y maghapong ibinabad sa gym sa laki ng mga muscle nito. Nang siguro ay di makita ang hanap dumukot sya sa bulsa ng kulay asul na tidal shorts nya at may nilabas na maliit na bagay na siguro ay cellphone.
Habang pinagmamasdan ko ang animo'y nabuhay na greek God ay nakatanggap ako ng txt mula sa tourguide ko.
'Im already here mam. San ko po kayo makikita?'
