Mabait o Mapait?

7 0 0
                                    

Ang relasyon ay isang laro?
Kahit anong hirap ang dadaanan;
Sinisikap na manalo,
'Pagkat siya'y mahirap bitawan.

Dito sa mundong kawalan,
Ikaw lamang ay sapat na;
Ang pagmamahal ko sayo'y di mapigilan,
Kahit nagmumukha na akong tanga.

Kapag ika'y magmahal,
Wag yung mahal na mahal,
Kaya kapag ika'y sinaktan,
Konting sakit lang ang mararamdaman.

Ika'y bitter, yan ang sabi ninyo;
'Pagkat nagsasabi lamang ako ng totoo,
Kayo lang naman tong natamaan,
Dahil naman ito'y iyong naranasan.

Love, makakain ba yan?
Pick up lines na napakacorny,
Kapag ika'y iniwan,
Ika'y naging dakilang sawi.

Kung career ang inatupag,
Walang mawawala o masasaktan,
Kaya magtrabaho ka ng buong sipag,
Para maging asensado na mamamayan.

-------
Please take out full credits to me.
Date Started: October 12, 2016; 8:17am
Date Finished: October 12, 2016; 8:32am
Original Made by: yours truly, SHIBBYtchplease_ (Shibby)

PoetryWhere stories live. Discover now