Achlys POV
"beef steak or ito nalang kaya or bicol express, urgh! Naman oh! Bwesit na lalaking yun! dapat nag papahinga ako eh! Bahala sya, matutulog na ako di ako magluluto" Nagtalukbong ako ng kumot at matutulog n asana ng biglang "gggrrrrrrrr" nag rally ang tyan ko "huehuehue gutom na din ako, ah basta bukas na ako kakain goodnight!!!"
"HAAAYYY! Natapos na rin sa wakas! Chopsuey, buttered shrimp and macaroni chicken soup! Makakakain na din!!!"
Umakyat na ako sa taas para tawagin ang mokong na yun
"tok tok tok, kakain na!" naghintay ako ng sagot pero wala akong nakuha
"Hoy! Kakain na!" tulog na ata, kong ganun akin nalang lahat ng pagkain!! "BWAHAHAHA---" biglang nag open ba naman ang pintuan! Di siya nagsasalita, tinititigan niya lang ako mga 30 seconds siguro. Pero nagsalita din naman ito. Natakot ata sa tawa ko.
"Baliw ka na ba? Anung tinatawa-tawa mo dyan? Halika na gutom na ako"
"eyh?! Di ka tulog?"
"kakabihis ko lang dahil naligo ako pasensya na di kita narinig kung tinatawag mo man ako, pero yung narinig ko lang eh yung evil laugh mo"
"Evil laugh ka dyan" sheemss mga besss walang upper shirt ang lolo nyo tumutulo pa ang tuvvveegg ang hot lang tignan.
"Makatitig ah parang my balak, baka may balak ka talaga? Yan ba ang tinatawa mo kanina ha?"
lumapit siya sa akin at ako naman nasa dingding na ohmygulay! Magpaparaya na ba ako?! Inilagay nya ang isang kamay niya sa dingding at ang isa naman sa aking pisngi.
"Nagugutom na ako" yun lang ang nasabi ko habang tinititigan ang labi niya. Di ko din alam bakit yun ang nasabi ko, siguro dahil gutom na ang tiyan ko at nauuhaw ang mga labi ko sa kanya..what?! ano ba naman tong pinagsasabi ko!!
"saan ka nagugutom?"
"sa abs mo ay este! Gutom na ako halika na nga!"
"Halikan na kita?"
"Halika na. HA.LI.KA.NA! tayo na nga bwesit!"
"Tayo na agad? ang bilis ah di pa nga kita nililigawan"
"Ay ang korny grabe nakakapangilabot ka! Old joke nay an! Bahala ka na nga dyan"
"ikaw naman! Chill nga, dapat ang mag-asawa naglalambingan diba?" nakayakap na siya sa likod ko ngayon. Nakakabwesit din tung lalaki na to
"Nakakapangilabot ka talaga pwede ba? Tablan ka naman ng pangigilabot oi"
"ang jologs mo tara na nga kill joy pa tsk!"
Nasa mesa na kami at according to my observation mukhang gusto naman niya yung luto ko impernezz..
"Sarap mong magluto, pwede ka na talagang maging asawa"
YOU ARE READING
Refractory Desire
Romance" Fine dad, whatever" walang gana kong sagot. " Mabuti at wala tayong problema anak, akala ko madugong labanan pa ang gagawin ko sayo" saad ni dad na halos ma punit na ang bibig sa sobrang lapad ng ngiti. " As long as gagawin ko lahat at pag-ay...